Last year 'ko naisipang magtanim ng kung ano-ano, nagsimula talaga yun sa isang halaman na ibinigay kay mama na kung saan papatuyot na. Pinilit kong mbuhay pa siya kahit alam kong imposible as long as nakikita kong may buhay pang part ng stem at dahon, diniligan ko pa rin at kinusap sya everyday. Hahahaha weird diba may kasamang usap? Unfortunately, di ko sya narevive. Super affected ko that time as in, yung tipong akala mo sa tao or hayop ka lang pwedeng maattach pati pala sa halaman na ilang days mo lang dinidiligan at kausap. After non, hindi na ako nagdalawang isip pang magtanim ng seeds para may bago akong alagaan.😌 Yung kauna-unahang seeds na naitanim ko ay avocado 🥑 Hindi talaga ako sure kung tutubo siya sakin kasi namatay yung halaman so, posible na hindi ako green thumb. Kaya nitry ko pa din, hindi ako sumuko kaya naghintay ako until lumabas siya 🥰 One of the happiest day of my life!!!!!!! 💖 (Mababaw kaligayahan ko 😌) Tas ayon tuloy-tuloy na. Almost a year na din ako nagtatanim and sa ngayon, 20 avocado seeds na naipatubo ko and 13 na naipamigay ko 💓💓💓💓 5 mangga and 1 left nalang💖💖 Yung natitirang growing avocado seeds ko eh patubo palang and naghahanap ulit ako ng bagong pagbibigyan 🤗🤗 Yung iba diko pa din maibigay kasi mahirap lumabas. Santol, Ylang Ylang and Rambutan naman ang sunod kong pinapatubo ngayon. Nakuha lang sa bakuran ng iba at sa nabiling prutas 🤗 More Trees to comeee 🌳🌳Next year ulit avocado at mangga naman ⭐️
No comments yet