Hindi pala para sa akin. Isang tahimik na pamumuhay hindi makamtan nang ika 'y dumating at pilit pumasok. Hindi kita hinayaan at maging ang sino man na makapasok sa binuo kong matayog na harang sa aking damdamin. Pinilit mo at nag-antay ka nang matagal, Kalaunan Ika'y nagtagumpay at ako'y iyong nabihag. Naging masaya naman ang lahat ngunit kung gaano mo ito katagal pinagpaguran saka ka mabilis nang iwan sa ere. Sinabe mo'y sinasagot kana nang isang nililigawan mo. Ano ito? Kung sino ang mauna at kung sakali man meron kang reserba? Nagulantang ako sa nangyari sapagkat ako'y hulog na hulog nang di mo alam. Naiwan ako bigla parang kasalanan ko pa na huli na ang lahat... Bat may ganon? Wala naman sa usapan natin iyon? Sabe mo mag aantay ka.. Oo nag antay ka nga pala ngunit hindi sa akin... *Polaris
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet