read.cash Log in
@Polaris more from that month

“Gusto mo ba hanggang diyan ka nalang?” Mga katagang madalas ko marinig sa kanila. Tila ba sigurado sila na ito lamang ako at wala akong balak umasenso. Hindi naman lahat nang wala pang nararating o naabot ay hanggang dito na lamang, maaari kasing hindi pa ito talaga ang tamang oras tungo sa kanilang tagumpay. Noon pa man kahit anong gawin ko tungo sa ninanais ko tila lahat ay di sang-ayon, Hindi ko sigurado kung hindi nga ba tama ang panahon o hindi tama ang aking desisyon? Sinubukan ko at patuloy na sinusubukan, akala nila’y ako’y nagsasayang lamang ng panahon at oportunidad ngunit hindi, ginagawa ko ang lahat ng paraan sa Alam kong kaya ko at magiging totoo. Ang buhay ay hindi isang karera, maari man na nauna ka sa ngayon ay hindi ibig sabihin non Wala na sakin ang pag-asa. Wala pa man ako sa ineexpect niyo na katayuan, sana’y malaman niyo HINDI lang ako, “hanggang dito nalang.” Kaya nga’t andito pa Din ako sa landas na ito kasi magagawa ko ito hanggang dulo at ako’y patuloy na lumalaban. ~Polaris ⭐️ #owncontent Photo are not mine.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.