Nag germinate na yung dragon fruit seeds ko unfortunately, ito lang yung nasalba ko dahil diko matanggal sa tissue yung iba at tuluyan naputol nasira na. Itatry ko ulit patubuin yung natitirang seeds siguro mas okay talaga kapag sa mga ganito kaliit na seeds wag na ilagay sa tissue. Sa naexperience ko, hindi ko nirerecommend na gamitan ng tissue para lumabas sila sa halip ay itanim na ito diretso sa lupa. Mahirap tanggalin sa tissue lalo na kung yung seeds eh may bahid pa ng laman nila kasi mas lalong didikit at posible magkaroon ng molds. Ipopost ko na rin yung raindrops sa bintana hahahaha kasi lakas ng ulan ngayon, kanina katirik naman ng araw. Mamaya aaraw ulit tas sabay ulan hahahah. Share ko lang din po. Magandang Hapon po 💚💚
No comments yet