Losing ourselves Minsan sa sobrang pagmamahal naten sa isang tao, hindi naten namamalayan na nawawalan na din tayo. Nawawalan ng pagmamahal sa sarili; hindi na naten napapansin if okay pa ba itsura at pananamit naten tsaka kung okay pa ba tayo mentally and emotionally. Madalas kasi akala naten na hindi na tayo magiging okay kapag iniwan nila tayo. Akala naten hindi na tayo magiging masaya kapag wala sila sa tabi naten. Akala naten wala ng iba pang tatanggap sa atin pero maling-mali tayo. Kaya naten mag-isa, hindi tayo mawawalan kahit iwan pa nila tayo kasi meron tayong sarili naten. Kaya bago tayo magmahal, magtira na tayo wag mo hayaan na maubos pa sa huli pero kung naexperience mo na maubusan, humahanga ako sa tatag at pagbangon mo. Deserve mo maging masaya at magmahal ulit yung tipong hindi mo na kailangan maubusan kasi yung susunod na taong yun tatanggapin at mamahalin ka nang buong-buo. ~ Polaris ☆
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet