I don’t wanna see you, again. Marami nang taon lumipas ngunit nananatili pa din sa aking alaala ang ginawa mo. Ayoko nang bumalik sa nakaraan. Naalala ko pa din yung tawa mo noon na ni-voice message, pinagtatawanan mo ako dahil nalaman ko na niloloko mo ako. Naalala ko pa din yung pagtaboy mo sa akin non sa harap nila, animo’y hindi ako kilala. Mas tanda ko yun kaysa yung masasayang alaala naten, simula nung binura mo lahat natitirang message naten mula umpisa, hindi ko na maalala kung paano tayo nagsimula. Please don’t come back even as a friend. Kaya ko na nang wala ka gaya mo, nakaya ko ngunit nakaya ko ito mag-isa. Tulad nang dati we were secret, minahal kita nang walang nakakaalam, nasaktan ako nang walang nakakaalam at naging okay ako nang walang nakakaalam. Thankyou sa lahat.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Ang sakit naman 😌nadurog ang puso ko 😩