read.cash Log in
@Polaris more from that month

The more na hinihila ka nila pababa, the more na nagsisikap ka πŸ’“ Hindi madali na sumabay sa alon ng buhay dapat matuto tayo lumangoy rito, maaaring sumunod ka lamang sa agos nito or labanan ang kasalungat nito upang makarating sa gusto mong tahakin. Paano mo ba gagawin iyon gayon hinihila ka nila kasama nila or tinataboy ka sa ibang dako. Sa kagustuhan nila tayo’y makitang nahihirapan mas lalo tayong nagiging masikap at maagap. Maaari man madala nila tayo sa ibang lugar ngunit hindi pa rin natatapos ang laban na ito. Babalik at babalik pa din sa paglangoy sapagkat hindi nakasaad sa bokubularyo ang salitang pagsuko. Maari man na mapagod tayo pero Never susuko. Papatunayan na ang tagumpay ay kailanman hindi niyo ito mawawakasan sapagkat hawak ko ito at paghihirapan ko ito hanggang makarating ako sa dulo. ~Polaris ⭐️

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.