Kahinay ba sa tanang connection karon uy mapa globe, pldt ba or bisag mag data di gihapon pakaupload photo samok kaayo🙄 Kayo wala ba problem internet nyo today?
@Pikot in July 2021
Goodnight noise fam, di pa talaga ako gumagaling, nakakabahala na pero kaya ko to! Matutolog na kami ng pusa ko😅 hanggang bukas po, hina ng net today sobra di mka upload ng photo
Goodmorning noise fam! Naligo akong maaga since im feeling better na pero nasa sala pa rin ako natutulog, saktomg pagkatapos kong maligo, hayan may kapalit na.ako sa pwesto!hahaha si pangit!🐈
Inaantok ako😥 nasa mall pa kami, sana magising kasi magkakape, pero sa totoo lang, wa epek naman ang kape sa akin hehe so ganon pa rin antok 😴
Happy haappy birthday to my cousin @dunnadelicious! Mangaon natah😁🎂🍩🍤🍥🍡🍧
Nakalabas si inday, and for the record kahit di pa makaamoy at makalasa masyado, magkakape pa rin!haha nasa systema ko na talaga ang pagkakape kahit pinagbawal na ng doctor, mas natigil ko pa ang pagiinom ng alak over coffee😉
Iba din tong pusa oo, kala mo sya ang napagod!haha parang ikaw ang naglaba at naglinis ng bahay ming ah,haha nakaakaliw lang pagmasdan, nakakatanggal stress🤗
Magandang hapon mga ka noise, this was my lunch kanina, tinolang ulo ng pompano fish, nilagyan ko lang nga alugbati at malunggay, tanglad, sibuyas luya paminta, solved😉
Time to rest noisy fam, tired na mga mata ko kaka browse, pahinga time na, see you all again tomorrow. Goodnight!😴
Happy sunday to all😊 I thank God for healing me🙏, as always😇 I thank my family for the support, as always😉 And to these invaders!haha i thank my cats for cheering me up, making me feel like a cat that has 7lives!haha! I love you all😘
Gising na doja😅 yan na po pala name ng permese kitty namin, ang napakakulit, masiba, very playful and cute din naman,🤗
But first, coffee, to jumpstart my day,😁 Goodmorning noise family, rise and shine🤗 Happy and blessed monday to us!
Finally after a week of being sick, I have totally recovered! Thank.God for the strength😘 now I'm back! Just did some planking to jumpstart my week😉 #Fitness
Magandang hapon noise fam, first time ko dito sa muslim coffee shop, maganda ang decorations nila, nalinis ang shop at napakalamig sa loob,hehe inaantay ko pa order namin👌
Ang tindi ng sikat ni haring araw, naway mapatay nya ang virus na gumagambala sa buong sambayanan, ng sa ganon maka galaw na tayo ng normal, yung walang takot sa pupuntahan, sa makakahalubilo at iba pa. Sana matapos na talaga ang problema nating ito
So finally nandito na order namin, and i love the bitterness of the coffee, may sipa talaga😉 Were here at Torogan Kape, a muslim owned coffee shop🙂
Sad kaayo mi, ky among isa ka iring na si chopper naay samad ang tiil niya😥 tingala ko ginatawag nko ky mangaon na sila, wala man nataranta, naa ra sya kilid sa door di man ga bali2x igo ra mutan aw, so natingala ko, napansin dayun nko naa sya dakong samad sa tiil, ambot kaha naunsa to murag tinuyuan man, so gidala sya sa ospital😓 naay nabugto nga ugat mao nga grabe ang dugo, gioperahan sya, then ugma eexray pah😥 grabe mura mig nagpa E.R ug tao, initial gasto karon 10k, gi…
Goodmorning everbody! I am very proud na naka first dose na po ako ng vaccine finally thank you Lord!😇🤗
Lumalaki na si Doja namin,hehe masyado na clingy, nakakatuwa. Di na namin itinuloy ang pagbenta sa kanya kasi napamahal na talaga. Pag nanganak nalang sya in time yun nalang kasi masyado na ring marami if ever☺ Magandang hapon noise family😉
Magandang araw po mga ka noise,.heto pala si chopper yung ousa naming galing inopera kasi may ugat naputol sa paa nya, cguro sumabit sya sa yero nung isang araw kaya nahiwa yung tendon sa isang leg nya. Buti naka uwi na sya, pero yan nga lang may cone yung ulo nya para di nya magalaw yung operated part ng paa nya.
Hello goodmorning, share ko lang tong mayana namin, malalaki na, need na itransplant pero wala pa kaming lupa na nabili, mahirap hanapin ang lupa na mataba, kasi mostly mga tinitinda, marami sawdust
Nakauwi sa bahay, hay ang sarap ng feeling makapiling kahit sandali mga magulang, sabay magdinner chika chika kamustahan, walang kapantay na sandali, salamat Lord sa panahon❤
Good day noise fam☺ Wala nagyud puntos akong kasing kasing taud taud na, why kaha ni bah? Pero di mawad an ug pag asa ky mubalik ra gihapon na,hehe hopefully🤗 God bless us all😘
Good day, eto po lunch namin☺ simple lutong bahay ang tinda ng katabing stall ng by clarkie, soft opening kasi kaya naimbitahan kami here heheh
Nakaligo na for the 2nd time si doja🐱 hehe madali pang liguan kasi maliit pa, pag lumaki nato grabe na mga kuko at malikot paliguan
Naa ra among pasyente nga gioperahan ang isa ka tiil ky nasangit sa atop, naputol ang ugat grabe nga bleeding mao gidala sya sa vet niagi, recovering na intawon si chopper,balik nasad syag ka isog and gusto mugawas sa balay pero dili nagyud ginapagawas labi na karon ky under medication pa gyud sya,hehe kanang naa sa iyang ulo cone na, gisapawan lang another plastic ky gakatilapan nya iyang samad nga dili dapat ky naa gina spray nga tambal, so antos gyud sa sya nga naa na for…
Dessert overload🤤 Ang sarap po ng mga kakanin na nasa box na to, iba iba man ang lasa, but ang sasarap bawat isa, ang sarap lantakan lahat lalo na may kapares na kape! Ang ganda ng pagkaka present, masarap and makukulay😉
Grabe ulan ang lakas! Buti nalang di kami natuloy sa planong paglakad kasi nakatulog ako hehe
Good day noise family😊 Sharing with you our plants that has grown beautifully, all greens that makes the surroundings fresher😊
Happy Caturday guys, these are my homebuddies heheh bawal lumabas kaya ayan sila nasa bintana nakadungaw lamang, nakaka awa pero mas mabuti na dito lang sila para sure na walang mangyari na di kanais nais🤗
Pag medyo may edad na talaga sasakyan, lagi humihingi ng parte, heto na naman kami sa karrjackson nagpapachange oil, papalitan ang fuel filter kasi nag hahard start nato tuwing umaga, marumi na raw kasi kaya need na pa change oil, malabo na rin ang usok na buga pag andar, okay talaga yung style sa japan na hanggang 5yrs lang talaga mga sasakyan nila then nagbabago sila, kaya naman pala kasi mas malaku gastos pag luma na sasakyan 🙄
Cute kaayo pagka wrap ang suman with latik, nice presentation kaayo sya, good for 1 bite only😅
Mag iigib ako tubig kasi uuwi ako sandali sa amin, wala parin kasi kami linya doon sa amin kasi squatters po kami doon, under kaso pa rin yung lupa for how many years na, kaya di kami makabitan ng tubig😑
Good afternoon, hindi halata na mahilig sa tanim.ang mga nakatira dito,hehe halos wala ng space sa mga gilid hanggang sa hagdanan paakyat may mga tanim talaga, mga certified plantita talaga to sila dito, pagka namili ng mga lupa at paso, naku ubos kulang kulang 10k nagagastos nila wala pang abono😅
While nag iigib ng tubig, heto snacks ko hahha! Papaano ako papayat talaga? Bahala nah bastat may nakakain, banat lang😁 Good afternoon🤗
Sharing our videocall photo of my elementary classmates😅 kahit matagal na panahon na nagdaan, magkakaibigan pa rin kami, close pa rin sa isat isa, may mga doctor na, libre consulta panga through text!hahah kahit may mga edad na, parang wala pa ring mga pinag bago, mga isip bata pa rin😅 ang sarap lang ng may mga tunay paring mga kaibigan kahit anonpa estado ng buhay namin ngayon😇
Nakibirthday😅 Birthday ng wife ni cousin, naimbitihan kahit umuulan,hehe nakakain na naman ng mga masasarap, walang diet tonight haha!
Goodmorning!☺ Thank you Lord for waking me up🙏 Happy sunday everybody, i still feel very sleepy, But i need to get up because my patient, chopper (CAT)🐈 needs to have his morning meds🐱 Rise and shine😉
Hahaha! This made my morning!😂 This is my cat, jo-jo, he looks soo hungry or nagdadrama langto para bigyan ng pagkain,haha dali dali kong kinuha ang cellphone ko kasi natawa talaga ako sa ichura niya, di halatang medyo may pagka patay gutom po sya hahaha A happy morning indeed🤗
I miss going to the beach, i miss the sound of the wave, the wind that blows on your entire body, the smell of the beach, the sun, basta lahat😅 Sana makabalik ako sa surigao, grabe ang ganda ganda ng dagat nila doon, kahit malayo, travel time from our place is like 7hours, pero napaka sulit di mo na gugustuhing umuwi pa😊
Nakapag exercise na din ulit😊 Masikip na mga gamit namin kaya nasa gilid ang equipment heheh pagpasensyahan ang mga kalat😅 Magandang umaga noise fam🤗 #Fitness
Since july 11 today, lahat ng 7/11 stores may mga naka sale na items, akala ko naman lahat kasi sa cliqq lagi naka pop up marami mga nakadiscount talagang maeengganyo kang pumunta, pero sad to say dito sa lugar namin mga soju coke zero, tubig, some lotion some candies and carfreshner lang naka sale,buti nalang ang kape nakapost tig 11pesos nalang ang small peropag punch out 14 pesos pala haha,ang nabili ko kape and carfreshner lang 😅
Goodnight na po sa lahat, inaantok na ako medyo late na rin din, hanggang bukas po ulit🙂 God bless us all🙏
Magandang umaga, inuumpisan ang araw with kape☕ parang kulang ang araw ko pag di ako nakapag kape sa umaga, kahit ipinagbawal na kasi acidic daw ako pero di ko kaya, pero pwede magkape basta dapat may kapares na pagkain, di pwedeng kape lang kasi talagang mangangasim sikmura ko😉
Good day! Share ko lang tong feeling nakatagong pusa,heheh habang nagwawalis ako hayan sya feeling di ko makikita,haha pag nagwawalis kasi, nilalaro nya ang tambo then sumasakay sya sa dustpan😅
Hello😉 I did walk 3kms and did jumprope, too sweaty now, need ko to since babyahe kami bukas heheh mahaba habang pagdadrive na naman. Evening grind😉 #Fitness
First time kong nakapag harvest ng pipino, di ko akalaing matinik pala to, yan mismong bunga? May pinong mga balahibo like na tinik ang sakit sa kamay!😅 as in nagulat talaga ako, pero di nagpapigil, nagharvest pa rin haha ang sabi kasi get all you want kaya ayan😅
Good morning! Ang tagal ko ng di napapansin ang mga huni ng mga ibon🤗 lagi kasi akong gumigising ng may araw na hehe, now nagpa alarm kasi babyahe kami, and I am soo much amazed sa mga huni ng ibon, na miss ko to🐦🐦🐧🕊🦅
Were on our way to Ozamiz, nakapila pa para makasakay sa barge. Matagal na ako di naka byahe dito na area, mga 2years na. Ang init na, tanghali na kasi
Grabe ang sakit ng ulo ko! As in parang lalabas na ang eyeballs ko sa sakit😭 ang init na kasi kanina while nakapila sa port para makasakay sa barge, so napakalate na namin nakapag lunch😭 lagi ganito problem ko pag nalilipasan ako ng kain lalo na lunch😓 as in di ko kinaya nagpaiwan lang ako dito sa sasakyan habang mga kasama ko nag storevisit na, nagpabili ako ng gamot kasi pag di ko pa to gagamutin, masusuka na ako sa tindi ng sakit😥 off ko muna din cp ko mga ka noise at…
Very late na kami nakarating kasi grabe ang lakas lakas ng ulan, hinay hinay lang yung takbo namin since napakadilim at slippery na ang daan, this on our way home from Ozamiz, kapagod kasi roundtrip lang kami😴 Very thankful here, nakarating kami ng safe kahit late na☺ Goodnight noise family, hanggang bukas🤗
Goodmorning Philipines😊 Sharing my lovely photo,hehehe ang sweet ng baby naming pusa🐈 sana lagi sya ganito, pero minsan ayaw na nya matulog katabi namin eh, mas gusto nya sa ilalim ng kama, sa sahig kasi malamig ang tiles,naiinitan siguro sya sa foam
So just like me, si Jo-jo tinatamad din😅 antok din sya😂 Good day noise fam😉
Hello☺ pa picture muna sya bago matulog ng whole day!haha ang sarap nalang maging pusa ano?😅 walang problema iniisip, matutulog at kumain lang trabaho😅
Heto pala yung mga photo docs nga byahe namin na roundtrip lang kahapon,heheh hindi ko na upload kahapon gawa ng ang hina ng net ko and sumakit yung ulo ko, we went to ozamiz para samahan ang new coordinator sa area nya. Pag uwi namin malakas masyado ang ulan kaya late na kami nakarating, pero ganun paman, thankful kami kasi safe kaming lahat❤
First timw kong nakapagluto ng tortang talong and salad na talong, haha talong overload yung lunch namin kanina, masarap din naman siguro kasi naubos namin😅 Proud first timer!haha
Goodnight noise fam🤗 Katulhon nako kaayo😴 Hanggang bukas kapamilya't kapuso😉
Goodmorning noise family🤗 Nagluluto ako now ng agahan namin, pritong galunggong at gisadong sitaw, pagkaing nakakagana sa umaga para sa akin hehe😁
Hello philipines!🤗 masayang araw😉 Heto na naman ako umiigib na naman kasi may imbitasyon ddon papunta na sa amin banda so okasyon na rin makadala ng tubig konti para sa bahay😅
Good day noise friends☺ Heto yung mga pusa ko, actually lina yan, ang isa sa labas ko nalang pinapakain kasi nag aaway sila ng puting malaki and yang may cone, so iniiwas ko nalang yung isang orange ko☺ First meal pala nila to kanina, 😉
Heto na naman si ulan, makulimlim na ang mga kalangitan, grabe na namang ulan to bumabaha pa naman dito sa amin. Pero ang mga tanim masayang masaya☺ Magandang hapon noise friends, coffee time nah!😅
Maulang hapon po sa lahat, its coffee time🤗 Nasa isang mall kami kasi mag go grocery, but before that, coffee first😊 Capuccino👌☕
Magandang gabi☺ Feeling ko kahit anong gawing pag eexersice eh bloated ang tiyan ko,heheh baka kasi isa sa dahilan is wala na akong gallbladder, may connection bah?😅 kasi minsan nalilitan ako, but mostly feeling ko bloated talaga, or baka lang kulang pa yung effort ko sa pageexercise, di rin kasi nagdidiet🍛🍜🍝🍤
Goodevening, sharing my favorite photo☺ Meet my kitty rona🐈 its her first time to sleep like this hehe and i love it, i hope she sleeps beside me all the time. Time to sleep too, goodnight😴
Goodmorning noise friends! Heto yung gumising samin now,hehe ang permese kitty namin nkipag laro🐈 Gutom na din to for sure🐱
Good morning noise friends☺ Coffee and bread muna to start my morning, gloomy dito sa amin ngayon. Ang tagal ko na palang wala work parang nasasanay na akong late gumising😔 Sana Lord mapagbigyan na ako ng slot ulit sa agency as promised ng director namin🙏
OMG! Just in, inanunsyo na from MECQ eh ECQ na dito CDO😓 nakakapagod natong ganito, sana naman mag cooperate na lahat para makahinga naman tayo😥
Goodmorning Pilipinas☺ Tapos nag maglinis, mag exercise, magbreakfast, maghugas pinagkanan, feed cats and dog,hehehe dami ko na nagawa pero feeling nya nakatunganga lang ako!😥
Medyo huhugot muna ako ngayon, kasi feeling ko ako nalang lahat dapat gumawa ng lahat, kahit simpleng pagpulot ng mga hairfall hindi magawa😏 then marami kaming pusa, ako lagi naglilinis ng mga kalat, nagwawalis ng balahibo, nagpapakain at nagpapaligo, sa aso din ako lahat, minsan din kasi nakakapagod, oo mahal ko mga alaga namin pero sana naman maglinis din sila🙄 hahayz buti nalang pag tinitingnan ko mga pusa, nawawala ang sama ng loob ko🤗 kaya thankful ako sa mga pet nato.
Hello good afternoon, napansin ko simula kanina umaga di ako makapag upload ng photo bakit kaya to? Malakas naman signal now🙄
Magandang gabi noise friends🙂 Tinext si nanay for her 2nd dose bukas imbis na sa 23 pa, mas maigi naman para matapos na, concern ko lang si tatay, sa 27 pa nasa card nya, pwede kayang dalahin ko na rin sya para isahang lakad labasan nalang kami? ECQ pa naman dito sa lugar namin, etry kong pakiusapan yung sa vaccine site bukas, sana di ma waste ang effort, mga senior kasi🙏
Goodnight noise family from us😅 My permese kitty tulog na sa upuan, kukunin ko to lilipat ko sa kwarto, sana di umalis🐈
Malaki na si Rona😅 wala kasi ibang gawa, kain tulog lang,hehe shes so playful and cute🤗 ginagaya nya tatay nya lagi, kahit position matulog😅 Goodmorning noise world! Happy sunday ya all☺
Good day noise fam, andito ako, nanay tatay ko and uncle ko for their 2nd dose ng vaccine, medyo nabahala ako kasi, grabe siksikan, ang mga ibang senior matitigas ang ulo, mga galit pa di sumusunod sa rules😔 imbis na nagpapavaccine baka makakuha pa ng virus tuloy rito gawa ng siksikan talaga
Lazy sunday ni Rona,hahah! Pagkatapos kumain, punaliguan ko sya ng mabilis, heto sya ngayon tulog na tulog,ang sarap ng pakiramdam niya🐈
Indeed a happy sunday🤗 Thank God natapos na 2nd dose ng vaccine ng mga magulang ko, si uncle din same sched sila so isahang labas nalang namin buti nalang di na kinwestion si tatay na supposedly bukas pa. 🙏🙏🙏🙏
Nagluto ako ng gisadong upo for dinner, kain na tayo ng maaga aga mga ka noise😉
Kagabi pala to, di ma upload, antagal namin hinanap ai Rona, wala sya sa mga usual nyang hinihigaan and pinagtataguan, hanggang sa paghiga ko ng ilalagay ko na ang cp ko sa bintana, bulaga!hahah may new hideout na naman sya🐈
Blessed monday guys! Heto pala agahang prenepare ko kanina, medyo naparami ng kanin pero okay lang kasi umaga naman🙂 Godbless us all, keepsafe😉
Good day noise fam☺ sharing my daily homework out hehe minsan short hiit yung ginagaya ko sa youtube, minsan gamit ko yang equipment, minsan planking, basta kung ano ano nalang basta lang pagpawisan😅 need natin to lalo na ngayon na pandemya, need natin eboost immune system natin☺
Goodmorning noise fam🙂 Kakagising ko lang kasi almost 2am na ako nakatulog gawa ng panunuod ng latest episode ng The penthouse,hehe late na din kami nakauwi din kasi galing pa kami sa bahay ng uncle ko, 40days ng isa nilang kapatid na pumanaw, anyways kaya po pag uwi naabutan kami ng curfew, hehe 9pm may checkpoints na. Pagdating sa bahay konyi lang natupi kong nilabhan kasi medyo malamig pa yung iba, watch na ng penthouse then natulog, Funny thing? Napanaginipan ko talaga…
Hello noise friends! Masayang araw sating lahat☺ Heto pala original kitties ko, si bayot at pangit, minsang minsan nalang to sila magkatabi kasi lately nag aaway sila parang mga baliw, pero pag kainan na sabay sabay sila then inuubos pa ni pangit ying kay bayot😅 Meet my ginger cats!🐈🐈
Magandang tanghali noise friends! Ang sarap ng buhay ng mga pusa di po ba?hehe heto ang mag ama, pagkatapos mag laro habulan, akyatan at kung ano ano pa, napagod na siguro, kayat tulog na tulog, pero actually sila halos buong araw tulog🐈🐈
Goodnight noise family, kanina pa ako try ng try mag upload ng photos kasi nakalabas.kami kahit ECQ😅 nagpunta kami sa beach, bday ng friend, doon naman aa lugar nila GCQ na so open ang beach resort. Anyways, try ko bukas baka maka upload na. Mauna na ako sa inyo antok na ako, hanggang bukas😴
Goodmorning noise family😊 This was taken yesterday, nakalabas kahit ECQ kasi may nag imbita na friend na pumunta sa sicolon cove, malayo naman to sa city kaya open po ang resort since GCQ sa kanila, ang tagal kong di makapag beach, pagdating namin lowtide kaya naglakad lakad nalang kami to enjoy the whole area. Ang ganda, tahimik, very relaxing ang place, highly recomended kahit medyo may kataasan ang rate nila, sulit for quality time☺
Goodmorning noisy friends! Just sharing what i ate🤗 Ang tagal kong di nakakain ng medyo hilaw na saging na isasaw saw sa bagoong, ang sarap sarap talaga ng simpleng pagkaing to, di maipagpapalit sa mga pagkain sa foodchain,hehe for me ha, mas gusto ko talaga tong mga pagkaing ganito over burger o pizza and the likes, hehe may nakarelate ba sakin?😅
Hello noise friends, thia is Jo-jo, persian cat namin, share ko lang ichura nya ngayong natutulog,hahah hilig nya matulog sa mga parts na dinadaanan talaga, parang nagpapapanasin,hehe
Ang bango ng kape, napatanong talaga ako magkano,hehe pero natulala naman ako sa presyo, kayat hanggang amoy amoy nalang muna ako😅
Sharing my sunset experience🤗 Salamat at nakalabas kahit ECQ, nakapunta sa lugar na napakaganda at malayo sa gulo ng syudad, salamat sa minsanang pagkakataon masilayan ang dagat, ang takipsilim at makalanghap ng preskong hangin, napakasarap sa pakiramdam na kahit minsanan nalang makadama ng kaligayahang walang iniisip na problema. Sana marami pang panahon upang ma enyoy ang buhay☺
Minsan pag nagmumuni muni ako, lagi ko tanong, deserve ko ba tong sitwasyon, kalagayan ko ngayon? 16 years na kami ni partner, hiwalay po sya sa asawa to make it clear po wala ako inaagaw,hehe, before pa naging kami eh hiwalay na po sila, wala po ako kinalaman sa relasyon nila dati. Anyways continue ko lang ang drama ko😅 sa tagal namin wala pa akong baby, wish ko talaga kahit isa lang sana Lord mapagbiyan nyo ako. Feeling ko kasi sa ngayon wala patutunguhan kasi di naman nag…
Dumating na stocks for marketplace, sinort ko na dito sa bahay para pag deliver naka individual box nalang then bilangan nalang derecho pag dating ng receiving area, Basilio coffee nva pala to hehe, di ko pa to natikman,haha hanggang amoy amoy lang ako😅
This is chopper, ang pusa naming naaccident nasugatan, inadmit dahil inopera ang leg nya mga 2weeks ago kasi nahiwa yata sa yero doon sa likuran, nasa recovery stage na pos sya, yang cone nya, inextend lang, nilagyan ng dugtong kasi nadidilaan po nya ang sugat kaya lalo po matagal gumaling. Di kasi mabantayan minsan nagtatago sa ilalim ng kama pa di sya makita, pero ngayon mas mahava na ang cone nya, mas inimprove na para wala na syang chance madilaan ang sugat,hehe ang…
Goodmorning noise fam🤗 Sharing this simple yet very stunning flower, i think this flower is gumamela🤗 Took this photo at a nearby neighbor😅
Good eve noise fam, nagluluto ako now ng panghapunang guisado gulay, di ako makapag upload photo now, nakaka umay kasi lagi nalang prito,hehe kayo ba naghahanda na rin? Or nagdidinner na?
Grabe pala tong palabas na the mistress ni Bea Alonzo and John lloyd, nakakasikip ng damdamin ah! Grabe luha ko di mapigil😭 maganda pala story nito, nakaka antig ng puso
Good morning noise friends☺ Ang ganda talaga sa mata pag malawak ang taniman, ang space ng garden atleast may gagawin ka tuwing umaga and hapon na makakarelax, dilig dilig, bungkal bungkal, repot, re arrange,ehehe, sana all may malaking space talaga sa bahay, picture taken sa binilihan namin ng garden soil☺
Hello petlovers! Sharw ko lang tong photo ng mga pusa at aso namin heheh tinry ko ailang pagharapin, na shock ang dalawang pusa,haha natakot sa tuta😅 pero di po sila nag away ha, di langpo sila friends😁
Good day noise friends! Nakapanahon at ganadong magluto,😅 minsan lang po to kasi I Hate Cooking sa totoo lang, pero marunong po ako😅 kaya po pag gumana ang gusto kong magluto, pini picture ko talaga, madalas nila akong inaasar kasi love your own daw kasi ako!haha sabi ko nga minsanan lang to, lasapin natin🤣 So nagluto po ako gisadong kalabasa, sayote carrots and sitaw nilagyan ko ng giniling na pork, solve🤤 lets eat po!
Hello waraynons! Kamusta namo diri nga side?🙂
This is sara,hehe heto mukha nyang guilty!hehe ang mga tanim na nasa itim na plant bag ba yan? ano ba tawag sa itim na tinatamnan pag di pa sa direct sa lupa itatanim?hehe basta yun po, may mga binigay sa amin na mga malilit pang mga hardwood trees para itanim sa bukid peeo di pa namin nadadala since ECQ po kami dito, sya naman pinagtitripan ang mga maliliit pa tulad nya,haha
Good evening noise family, mao ning dinner namo karon, sinugba nga talong, sawsawan lang dayon kamatis.aibuyas luya, butngan aain suka and sili, daug nah😊
Hello noise friends🤗 Sharing this lovely photo ni pangit and rona🤗 minsan lang sila nagpapansinan kasi medyo masungit po si pangit, ayaw nyang nilalaro sya ni rona, kaya itong picture is so tyming🐈🐈 para silang nag uusap🐱 pusa sa pusa hehe
Gabi na naman, natapos na ang isang araw, kahit napakainit ng buong araw, okay lang, nakauwi ako sa amin, mas okay dito gi gaano mainit ngayong gabi, kaya makakatulog ako ng straight dito ngayon, ang sarap sa pakiramdam talaga makapiling ang pamilya, nakakataba ng puso,lalo magsasabay kayong kumain, chika chika, simpleng kasiyahan lang sa isang linggo, ang hinahangad ko palagi🤗 kaya goodnight na mga noise friends🤗
Happy sunday☺ Share ko yung tingkad ng langit ngayon dito sa amin, medyo nag uumpisa na ang pagkamaalinsangan, pero okay lang to need lang uminom ng mas maraming tubig to hydrate🙂 Keepsafe everyone! Blessed sunday😇
Okay igiban time😅 Ang dami na namang bakante, so need na namang mag igib, isinama ko pamangkin ko sya taga takip, Salamat Lord sa maaraw na sunday☺
Heto prueba na grabe ang init dito sa amin😰 Pati mga pusa nasa CR lahat nakatambay! Grabe 35degrees pala now, wooh too hot!
Since napakainit talaga dito sa amin, ginanahan lumabas at nag walkinh, jumprope para pampalipas oras, minsan lang din kasi feel ni partner mag exercise kaya yes agad, supposedly sa loob lang ng bahay ako gumagaya gaya lang sa youtube ng planking, hiit cardio at kung ano ano pa basta lang pawisan, so to cut it short, natapos na kami magwalking, lalo uminit ang pakiramdam, grabe ang pawis😅 then sabaw pa ulam namin eh di wow!😅 grabe hindi kinaya, naligo na naman hehe, felt…
Good day noise family😊 Heto pala yung ichura ni chopper now,heheh mas inextend yung cone nya kasi yung biniling mas malaki sa una, eh nagagawa parin nyang dilaan ang sugat nya, so ayan, ginawan ng extension gamit ang faceshield na luma,hehe kawawa sya tingnan pero mas maigi na po yan para tuluyan ng gumaling ang sugat, kasi matagal tagal na rin to eh imbis na gumaling na kasi nga inopera tinahi, napunit yung tahi kakadila nya, ayan tuloy tagal gumaling, pero pag pinapakain…
Magandang tanghali noise friends, share ko lang sa inyo kung gaano ka clear ang langit dito, sobra init talaga dito sa amin, ang sabi panga mamaya 1 to 3pm aabot daw hanggang 42degrees grabe too hot na nga ang 35degrees kahapon, mas lalala pa pala raw today😰 goodluck talaga sa amin
Hello, its Sara here🐕 tambay tambay po sya sa labas nagpapahangin sya kasi for sure naiinitan rin po sya
Magandang gabi, kami'y nanonood din ng huling sona ni Digong🙂 i am fairly thankful sa mga nagawa nila, kahit maraming batikos, pro Duterte talaga ako😅 may mga kulang, mali din siguro pero kompara sa iba parang mas epektibo naman talaga sya, mabunganga nga lang😅✌✌✌ opinion ko lang po to ah☺
Grabe talaga ang init init talaga😰 Nakatutok na ang electrifan sa mukha ko pinapawisan pa rin ako😏 sarap mag aircon, hayz naman, pang ilang araw na to😰
Magandang umaga noise friends☺ Dinala ko sa opisina ni partner ang mga pusa heheh kasi may meeting silanow para maka pag aircon din kami kahit ngayong umaga lang, sobra kasi init kawawa iwan sa bahay😅 nandyan lang sila sa sulok di kasi sila sanay na marami ibang tao😊
Yung takot sila sa mga tao,hehe nasa bintana nakadungaw, okay lang kasi naka aircon hehe yun lang purpose ko bat ko sila dinala, naiwan yung may cone kasi baka madali ang sugat🙂
Magandang hapon noise family, heto yung weather ngayon biglang umulan after ilang araw na grabe ang init, ang baho ng amoy ng lupa, sandaling sandali lang ang ulan, kawawa ang mga naulanan nito kasi nakakalagnat tong ganitong ulan
Yung kakalinis kp pa lang nga dumi nila, kakakuha ko pa lang, at tsaka pa talaga si Jo-jo umiksena😅 ang sarap pitikin sa tenga😂😂😂yes nalang, hehe pag may alaga ka talaga need ng pasensya, need mo sila alagaan kundi mangangamoy sila, at ang buong bahay😁
Good evening noise friends🙂 Sharing our food for tonight, I'm a bit late in taking pictures, nakunan na ng itlog ang palabok!😂 mang inasal lang po to, libre, binigay ng kapatid ni partner hehe kanin nalang yung amin nito☺ Let's eat!😉
Goodnight mga kapamilyang noise, tapos na naman ang isang araw, sana Lord mawala natong virus, nakakaantala ng mga gawain😔 Hanggang bukas ulit mga kaibigan☺😴
Goodmorning noise family😊 Late ako nagising kasi bumawi nung isang araw na napakalate nakatulog gawa ng grabeng init😰 Share ko si haring araw sa mga lugar na umuulan pa rin hanggang ngayon na nangangailangan ng makatuyo ng sampay☺
Pa emote naman hehe Bigla lang ako napaisip, bakit kaya kahit nagsisi kana, paulit ulit mo ng hiningi ng tawad, talagang nagbago kana, pinagsisihan po na nagawa mo minsan, eh pag may di kayo pagkakaintindihan eh muli kang pagmumukhaing napakasama! Yun bang parang yun talaga gawain mo? Minsan lang yong pagkakamali pero paulit ulit kang iinsultuhin kung gustuhin nya😏 minsan nga naisip ko, SANA PALA HINDI KO NALANG INAMIN ANG PAGKAKAMALI, SANA PALA NAGSINUNGALING NALANG AKO!😥…
Magandang tanghali noise fam, late na namang makakapag lunch kasi nag iihaw pa ako ng talong sa loob ng bahay heheh, totortahin ko na naman to and talong salad🤤
Magandang hapon noise friends🤗 Lazy jo-jo here hehe gustong gusto nya talaga sa mga daanan humilata, yung tipong para syang rug tingnan pag gabi talaga minsan napapatid sya kasi di mabantayan😅
Masayang hapon noise family!🤗 coffee time kahit napakainit haha! Ganyan lang naman ako ka addicted sa coffee😁
Yung first time kong nakapa kerabond way back 2years ago,heheh feel na feel ko talaga yong straight hair, tumagal.din po ng 1year mahigit, sulit naman yung amount😅 di na ako nakaulit kasi nasasayangan ako, lalot ngayon walang trabaho so, self haircoloring nalang muna bahala kulot kulot haha
Good morning noise family🤗 Medyo maaga ang gising ngayon kasi were going to maramag, hahatid namin anak ni partner hanggang doon lang, kasi may kasama syang PGI na may sasakyan,.so hitch nalang sya papuntang davao☺ Rise and shine😉 Godbless us all🙏
Good noon noise friends, were on our way to maramag, mukhang uulan pa, sana huwag naman kasi malayo layo pa kami and balikan lang, mahirap magmaneho na malakas ang ulan. God bless us all☺
Coffee time☺ Nakadropby sa friend ni partner na mayaman hehe nakakahiya but nag offer ng kape so gora na hehe😉
Sleeping time😴 Goodnight noise family, napagod ako sa pagmaneho pauwi kasi grabe ulan doon sa bukidnon, di makabwelo kasi madilim na din, nag expect akong pagdating.namin umuulan din sa amin, hahayz, tuyong tuyo ang karsada😑 same pa rin napaka init!😰
Magandang umaga noise family☺ This is my breakfast,hehe kape lang at tinatawag dito sa aming binaki, di ko alam ano tawag sa iba😅 nabili namin yan kahapon along the way home from bukidnon
Yung parang umaapoy ang karsada sa tindi ng init😰 Magandang tanghali noise family, lets drink more water ngayong grabe ang init😊
Goodmorning noise family, sharing these simple but beautiful plant with a unique flower🙂 i took the photo yesterday when we dropped by on our way home. I dont know what plant is that, i just find it pretty☺
Hi there, its Rona here🐈 heheh malaki na po sya di na baby🐱 napaka kulit nito, nakakagiliw hehe tuwing nagwawalis ako, sya naman sasakay sa dustpan🤣 feeling nya maliit pa rin sya kung makasakay!😁 Happy Caturday🤗
Biglang nagkagulo kami lahat nandito sa bahay kasi yung isang aso namin nakawala sa cage😟 lumapit sa isang aso namin na walang cage na nakatali lang, same pa naman silang german sheperd pero di nin akalain mag aaway sila kahit magkakatabi lang sila sa likod, kaya na struggle po kami hulihin yung nakawala sa cage then nasira rinnyung cage nya need ng weldingin, pero may darating ng cage galing sa shop, buti may spare pero maliit daw pero pwede na yon for the mean time,heheh…
Buti pa si Rona chillax lang,heheh walang paki sa mga kaguluhan namin sa labas!🐈 Nagkakagulo na mga aso sa labas, ang pusa tulog na tulog pa rin😅 Nasugatan pala ako sa pagtanggal ko sa pagkakatali yung isang aso, dinala ko kasi sya sa labas ng gate para kumalma at mahuli yung isa, hayz!😑
Since ECQ pa rin, naisipang mag take out ng pagkain kasi ang tagal kung magpadeliver, so heto ichura ng isang foodchain now, napaka tahimik po and kami lang ang umuorder🙄
Heto yung cage na nasira na ni king🐕, may temporary syang ginagamit, while aayusin yang malaking cage nya hehe nasa maliit na cage sya now, buti nalang maraming goons ang asawa ng kapatid ni partner,hehe mas madaling tinanggal ang nasira dadalahin nila sa shop
Magandang gabi noise family, heto pala ichura ng isang grocery store dito sa amin, naka ECQ pa kami sa ganitong lagay ha🙄
Ang ganda ng grounds, mga bulaklak po yan ng puno, fallen flowers☺ I took the photo because I find it beautiful😍
Missing these kind of foods🤤 I've been wanting to eat crabs but wala po masyadong tinda dito sa amin,hehe kung meron naman yung maliit na crabs,hehe marami sa palengke mga shrimps lang, sana makakain ako ulit ng ganyan, favorite ko seafoods talaga, the best!
Hello noise friends☺ Meet Morphie🐈 mukha po syang masungit pero mabait po tong pusang to, persian po siya, medyo mailap sa ibang tao
Inaantok na ako pero basa pa buhok ko eh😏 naligo kasi ako kasi grabe na naman as usual ang init dito sa amin, daig pang summer, konting galaw galaw lang pagpapawisan kana agad,hayz😏 nanonood nalang ako ng kung ano2x sa netflix hehe di ko tinatapos, di ko bet mga palabas😅 kayo? Busy pa ba?
Guys serious question, paano po ba mamigay ng tip using QR? I really do not know how, hehe gusto kong maka avail ng announcement ni noise pero di ko alam papano? Makailang beses na may ganyang pakulo si noise pero hindi talaga ako nakaparticipate gawa ng di ko alam papano😅 pwede po ba magpaturo?
Magandang umaga noise friends!🙂 Happy sunday to all, hehe tamang tama ang capture ng photo, sabi ni Doja 🐈guuttooom naaa akoooo ng pasigaw!😸 Wait lang sandali ming, bibigyan ko na kayo ng pang first meal nyo😁