plan b meron ka na ba? may mangilan ngilan na kasi akong nababasa, ayoko ding maging negative pero pano nga kung dumating tayo sa punto na biglang tumigil si noise?...... nakahanda ka ba? mejo masakit isipin ano? wag naman sana kasi malaking tulong na to sa 'tin at nakasanayan na din or naging parte na ng daily routine natin ang pag iingay dito pero paano nga kung magkaganon ako kasi babalik lang or mababawasan pa nga mga ginagawa ko kaya lang hindi talaga maitatanggi na mas malakas ang kitaan dito, mabanggit ko nalang ulit dito ko kinuha ng pangregalong cp ang anak ko at worth 8k yun at yung mga pagkakaibigang nabuo dito paano na? pero hindi na sa economical side marami tayong natutunan dito maraming introvert ang nakapaglabas ng mga saloobin yung hindi masyadong social sa totong buhay naging active dito marami tayong nakilalang expert pala, magagaling sumulat, magbigay ng opinion mga may talent at kung ano ano pa pero honest opinion ko din, hindi basta basta tumitigil tong mga ganitong site lalo sa dami ng subscriber nito, pero depende talaga sa devs nito wala talaga tayong masyadong magagawa sa ngayon kundi maghintay kung ano mangyayari sa mga susunod na araw, we could only hope for the best magandang gabi sa lahat.....
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Mas malaki po talaga dito..kahit mag laro ako ng faucet aabotin pa ng ilang araw ang pag kuha ng 0.10$.nag bibigay pa naman ng tips ang mga tao so namimigay pa c noise..cashout lng ang wala baka dahil mababa yung rate
hopefully ganun nga at pag tumaas eh bumalik tayo sa dati para everybody happy
Sana nga..lugi narin c kasi c noise dahil ang baba ng rate
Tama ka sa lahat ng sinabi mo lods. Dami din nabigyan ng break dahil sa nc gaya ko, d2 ako nadiscover sa pagiging nft artist ko dahil sa mga nilapag kong obra. Marami din ako natutunan d2 na di ko naman usually ginagawa, sana nga wag huminto itong platform na ito, bukod sa kinikita, maraming magagandang naidudulot ito sa atin compared sa ibang social media platforms😊