Ngayon ko lang talaga to nalaman sa pag open ko ngayon ng noise,thank you @joonem02,nabasa ko sa post mo at nag open ako sa invitation mo,good afternoon sa lahat
@Pen28 in October 2022
Ito ba ang bagong noise app?ngayon ko lang alam to ah,papunta nga pala kami ngayon sa simbahan para mag attend ng 3rd mass,nakapag simba na ba kayo noisers?sana naman ay tapos na rin,marami kasing ginagawa pag umaga kaya sa hapon na talaga kami makapag simba,flex ko lang muna ang apo kong makulit bago kami aalis,good afternoon sa lahat,have a blessed sunday to all
Good afternoon everyone,hello noisers,kaiuwi lang namin galing simbba,at dumaan na lang ako ng pharmacy at bumili ng vitamins na centrum silver advance,naubusan na kasi ako,para kasing di ako komportable pag wala akong vitamins,nakapagluto na ba kayo dyan?ako naman ay kasalukyang nagluluto ng kanin lang,marami kasi ang niluto kong ulam kaninang tanghali para hanggang haponan na para maka save sa gas at time,di ba noisers?
Ano na naman kaya ang magandang panoorin mamaya,pampaantok lang,ay hindi pa pala ako nakapaghapunan,makakain na nga muna at baka maabutan pa ako ng antok,halikayo,kain na muna tayo kanoise,para kasing di pa natunaw ang mineryenda ko kanina,halo halo kasi yun eh,may tinapay,biko,pancit kaya ayun hanggang ngayon ay busog pa ako,di din kasi papayag ang asawa ko na di maghaponan kaya kain na lang ako nga kaunti
Inaantok na talaga ako,matagal din kasi akong nakatulog kagabi kaya maaga akong inantok ngayon,kanina ko pa pinigilan ang antok nung maghaponan kami,pero ngayon di na talaga papigil ang mga mata ko,pipikit na talaga kaya its time to say goodnight my noise.app family,pahinga na muna tayo,may bukas pa naman,sweetdreams noisemates
Rise and shine🌞,mataas na pala ang araw,madilim kasi dito sa kwarto kaya kala ko madaling araw pa hihi,mainit dito ngayon,tamang tama naman at magsasampay ako ngayon sa nilabhan ko kagabi,tapos may 2 load pa,ang dami ko na palang labahin,pero bago ang lahat ay maghahanda na muna ako ng breakfast namin,dyan na muna kayo,balik ako maya,have a blessed morning to all
Monday breakfast,ang pinakamadaling gawin,qng pambansang breakfast eggs at tuyo hihi,with kape at biko na panghimagas,kain tayo noisers,siguro kanina pa kayo nag almusal,kami lang ang late
May lindol pala dito kanina,di ko man lang namalayan,manhid na yata ako o talagang lagi akong hilo kaya di ko namalayan hihi,pero mas mabuti na yung di ko namamalayan kasi nerbiyosa ako eh,ang dali kong makatakbo palabas pag nakaramdam ako ng lindol,kumusta kayo dito noisers,anong ganap natin dyan
Naiingganyo na naman naman akong panonoorin to kanoise,pero mamaya pa kasi busy pa sa gawaing bahay,kailangan pang maghanda ng pananghalian,nanay at asawa tayo kaya kailangang gampanan na muna ang mga tungkulin para mamaya free na,saka na ako manonood nito,medyo maikli lang naman,mga 6 episodes lang yata to,btw,enjoy your lunch noisers
Hello madlang noisers,good afternoon sa mga gising pa dyan,di ako nakapag idlip kasi nabusy sa kusina,gumawa kasi ako ng pang meryenda namin mamaya,gumawa ako ng banana cake,lyanera ang gingamit kong moulder kaya ganyan,una ko pa lang salang to,may pangalawa pa kaya di na muna ako matutulog
Meryenda,ngayon lang ako nakapag meryenda,ito yung huli kong ginawa na banana cake,white sugar kasi ginamit ko kaya ganyan,masarap pa din naman,nakagawa ako ng 3 lyanera at 1 ganitong bilog,marami na rin ang makakain nito,halikayo kanoise,sabayan nyo akong mag meryenda,good afternoon sa lahat
Ayan,buti na lang at dumating din ang nabudol ko sa lazada,akala ko di na darating,noong 22 pa kasi nabasa ki na unsuccessful delivery,nagtataka ako kasi wala namang tawag o text,bakit naging unsuccessful,tapos ngayon may nagdeliver dito sa katabing bahay namin tapos tinanong ko ang courier kung may parcel ba ako sa kanya,tapos tiningnan nya at salamat at nasa kanya nga,ayoko na ngang omorder sa kanila,tamad magdeliver ang mga courier nila,buti oa sa shopee at umaga pa lang…
Ang taas pala ng bp ko,kaya pala parang umikot ang bahay kanina ng maghaponan kami,napahinto ako sa pagkain ng parang pakiramdam ko ay umikot ang bahay,kaya sabi ng asawa ko na mag bp ako,at ito nga pag bp ko ngayon,uminom agad ako ng gamot at sana ay bababa ito mamaya,si lord na ang bahala sa lahat,goodnight na pala noisers,inaantok na ako,medyo umaambon dito ngayon,have a peaceful night kaingays,bukas ulit
Good morning sunshine 🌞,thanks god at ginising na naman nya tayo ngayon,kahit hindi talaga maganda ang tulog ko kagabi,nahihirapan akong matulog at kumikirot ang balikat ko,hindi ko na maitaas abg braso ko ngayon,di ko alam kung bakit nagkaganito to,pati tabo na may lamang tubig ay di ko kayang itaas,di ko mabuhat,hay naku,ilang araw na naman kaya mawawala to,kumusta ang martes nyo kanoise? #FeelGoodTuesday
Ang init dito sa terrace namin,masakit sa mata,nakarap kasi sa silangan ang bahay namin kaya di pwedeng mag stambay sa terrace pag umaga,nakapaghanda na ba ng breakfast ang lahat?akonaman ay maghahanda pa lang,make some noise madlang noisers,good morning again
Kape tayo kanoise,tapos na kasi akong mag breakfast,yan kasi ang nakasanayan ko,iinom lang ako ng kape pag nakatapos na akong mag almusal ng kanin,sasakit kasi sikmura ko pag uminom ako ng kape na walang laman ang tiyan
Yung mga sinampay kong kinuha kahapon na hanggang ngayon ay di pa natututupi,ewan ko ba,wala talaga akong ganang magtrabaho ngayon,isasabay ko na lang to mamaya sa mga isinampay kong mga puti kanina para isang trabaho na lng,mamayang hapon na lng ako magtutupi,matutuyo na siguro yung sinampay ko kaninang mga puti,di rin ako nagluluto,tinamad talaga ako,masakit pa kasi balikat ko hanggang ngayon
Dito na ako nagtambay sa kwarto ko mula kanina,ito namang apo ko nandyan sa paanan ko,kami lang naman dalawa dito kasi naghatid na ang mama nya ng ate nya sa school,mamaya pa ang balik nun kasabay ng asawa ko para magtanghalian,pinapadala ko na rin ng ulam para kain na agad pagdating nila
Kain tayo noisers,puro lutong ulam kami ngayon,wala talaga ako sa mood magluto ngayon kaya pinapadala ko na lang mister ko ng mga lutong ulam,late na rin ang lunch namin kasi kararating lang nya
Meryenda time,ito pa yung niluto ko kahapong banana cake,mero pa kasing isang layer na di pa nakain,kaya ito lang muna ang meryenda para maubos na,kayo noisers,nakapag meryenda na rin ba?sarap ngayon magkape at malamig ang panahon,kaya meryenda na
Ayan at umulan na nga,buti na lang at mahina pa,nagsundo pa kasi ang anak ko sa apo kong grade 1 kasi pinapauwi daw ng maaga ng teacher nila,masama din kasi ang panahon,buti na lang din at tuyo na lahat ang sinampay ko at mamaya ay magtutupi na naman
Ayan,tambak na ang tutupiin ko,buti sana kung sipagin ako mamaya magtupi,depende na lng yun mamaya pagwala akong ibang gawin at hindi ako aantukin ng maaga,maytatlong kumot pa yan,bedsheet at ponda,diyan na muna yan,wala din namang gagamit ng sofabed na yan,extra ko lang yan pag may anak akong bumisita dito sa bahay at gustong matulog sa sala,sya papahinga na muna ako,higa higa na lang muna,di na pwede matulog at hapon na,gandang hapon nga pala sa inyo lahat
Mataas pa rin pala ang bp ko,konti lang ang ibinaba nung mag bp ako kagabi,153/98 kasi kagabi tapos ngayon ito,sana ma ok na rin ang bp ko,sabay nitong naramdaman kong sakit sa balikat ko,heal me oh lord,ang hirap kasi pag may naramdaman kang sakit sa katawan,marami pa sana akong gustong gawin
Maulan ang gabi pa rin dito sa amin kanoise,masama talaga ang panahon ngayon,may bagyo kaya o low pressure?di kasi ako nanonod kasi andito lang ako sa kwarto maghapon,dahil masama ang pakiramdam ko,maginaw talaga ngayon,lalo na siguro sa labas,ingat sa pag uwi mga workers
Time to sleep na noise.app family,kailangan ko na magpahinga at hindi pa talaga ok ang katawan ko,may iniinda pang sakit,tong tutupiin ko ay saka na lang pag ok na ang pakiramdam ko,thank you sa platform na to,sana ay forever na ito, goodnight and sleeptight dear noisers
Happy morning,thanks god for waking me up today,pagkagising ay kailangang magpasalamat muna kay god,dn daily 30 min.exercise,at kusina na agad at iinom na muna ng maintenance bago maghanda ng pang almusal,at dahil mataas pa bp ko ngayon,ito na muna ang almusal ko,yung egg ay yung puti lang ang kakainin ko,tapos ay yellow ay sa mister ko para walang sayang hihi,tapos ang talong ay isasawsaw lang sa toyo,disiplina muna sa sarili at mahirap ng may karamdaman,have a great day…
God is good talaga,pag gising ko kanina umaga ay gumaan na ang pakiramdam ko,nawala na ang sakit ng balikat ko at ok na rin ang pakiramdam ko,how good is our god,nagawa ko na rin ang mga gawaing bahay at katatapos ko lang maglinis kasi inuna ko na muna ang magluto
Katatapos lang naming mag lunch kanoise,late kami nkapag lunch kasi ang tagal kadi dumating ng asawa ko,12:30 na,inihatid pa kasi ang mga studyante,yan ang ulam namin ngayon,mongo at ampalaya,kaya busog na busog ako,pag gulay kasi,gaganahan akong kumain
Matutupi na rin kita hihi,gandang hapon noisers,ngayon lang talaga ako nabakante,nakaalis na rin ang asawa papuntang pamamasada,ito namang apo kong kanina pa nakahiga katabi ng lolo nya pero hanggang ngayon ayaw pang matulog,ayaw bitawan ang cp nya,ganyan talaga tong batang to,kahit sa gabi ang tagal matulog,lagi na lang nakatutok sa cp nya
Good afternoon noisemates,snack time,ito na muna meryenda ko kasi parang nae hb ako sa ginawa kong banana cake,dami kasi eggs at gatas,may cheese pa kay natakot na tuloy akong kumain ulit,baka mataas pa ang bp ko ngayon,mamayabg gabi na lang ako mag bp at marami pa akobg gagawin,mas mabuti yung nakapahinga na,anong mga meryenda natin dyan,iwas na muna ako sa mga masasarap hihi,mahirap na
Lumabas ako doon sa kanto namin para bumili ng pang ulam,pinicturan ko lang ang daan namin na bago lang natapos na senimento,di na maputikan ang paa namin kahit maulan,private kasi tong area na to kaya di agad na semento,buti na lang at dinonate na ng may ari ng lupa sa barangay kaya,pina semento na ng barangay,sa ngayon di pa pinapapasok ang mga malalaking sasakyan,yung mga light lang muna para di masira,next month pa sila pwede,gandang hapon sa lahat
Done cook for dinner,tinolang isda,iwas na muna sa mga oily sa ngayon at medyo di pa ok ang bp ko sa ngayon,ingat muna sa pagkain si ako,ok din naman ito ngayon kasi malamig ang panahon,sarap humigop ng sabaw na mainit na walang oil,nakapag dinner na ba kayo noisemates?kami hintay na muna ng aming big boss,magandang gabi sa lahat
Inaantok na sana ako nang biglang kumulog ng malakas,parang tumalon ang heart ko sa gulat ko hahaha,tanggal tuloy ang antok ko,pahinga na tayo noisers,sarap na talagang matulog at ang lamig ng panahon ngayon,ngayon lang din umulan dito sa amin,mahina lang din naman at pahinto hinto din,siguradong mahimbing ang tulog natin ngayon dahil sa lamig ng panahon,good evening at goodnight na din noisers,antok na talaga ako,maghahanap na naman ako ng ma follow bukas,sleep tight..
Good morning sunshine 🌞,thanks god for this new day,thank you for waking me up today again,ang ganda ng araw ngayon pero kagabi ay maulan ulan dito kaya ang sarap ng tulog ko,flex ko lang ang mister ko na naglilinis pa ng kanyang sasakyan para ready na mamaya sa biyahe niya,ito lang kasi pangkabuhayan namin bukod sa kanyang pension,nakakatulong din naman sa araw araw naming pangangailangan,praise be to god #FeelGoodThursday
Ok,tama na muna ang scroll,time na para umpisahan ang mga daily household,nagpahinga pa kasi ako kasi mabigat pa ang tiyan dahil busog pa,ang bahay namin napakalat pa,kaya kailangan nang gumalaw galaw para matapos na,balik ako maya maya pag natapos ko na ang mga gawain ko,bye for now,be back later..
Natapos na rin ako sa paglilinis,pati na sa mga kwarto kaya ang paghahanda na naman ng pananghalian ang atutupagin ko,buhay teambahay,paulit ulut ang nga gawain sa araw araw hihi,ganyan talaga ang buhay,kumusta kayo may virtual friends dito sa noise.app,anong meron sa atin dyan?
Tingnan nyo tong apo kong lagi na lang nakatutok sa cp,lagi na lang nag yoyoutube,yan na talaga ang mapaglibangan nya,pag kinuha kasi ang cp o nalolowbat ay nagwawala at nagiiyak,pag hawak nya cp nya parang wala ng pakiaalam sa mundo,kahit anong tawag mo ay parang walang naririnig,pag nagagalit ay itatapon ang cp nya,kaya ang tempered glass ay puro basag basag na hahaha,itong bulinggit talaga na to nakakatuwa kahit kaming dalawa lang dito sa bahay
Nakaalis na ang asawa ko at ito naman ang oras na umidlip kahit sandali,pahinga ko na ngayon hanggang mamaya pag oras na naman ng paghahanda ng haponan,dito na naman ako magtambay sa kwarto at habang di pa makatulog ay mag noise na muna,scroll scroll na muna,marami na din sigurong tulog na sa oras na to
Good afternoon kaingays,gising na ba ang lahat?ako kahit anong pikit ko ay di talaga makatulog,aw sya,di na nga lang pipilitin ayaw hihi,sigurado mamaya ay maaga na naman akong antukin,flex ko nga lang pala tong paluwagan namin,ako ba kasi ang tatanggap ngayon na month,1,000 per month ang hulog namin nito,di kasi ako mahilig nung puro foam,naiinitan ako,tapos maalikabok,buti na yung ganito,leatherette lang sya at natatanggal lng sa upuan,pwede alisin pag naiinitan,hindi…
Ayan,dahil nag eenjoy ako dito nakalimutan ko nang mag dilig ng mga halaman ko,ngayon lang ako nakapagdilig na gabi na hahaha,pag talaga makapag open na ako dito,makalimutan na ang ibang gawain,buti na lang habang nag iihaw ako ng isda ay naalala kong hindi pa pala ako nakapagdilig,kawawa naman ang mga halaman ko,nanunuyot na haha
Ito na..ulam for dinner,ganito ako pag wala ng maisip kung anong lulutuin,iihaw ko na lang,less hazzle hahaha,malapit ng maluto,pero di pa dumating ang asawa ko,mga 7 o lampas 7 pa yun makauwi,sabagay di pa naman kami gutom,nakapag meryenda naman kanina kaya oks lang
At dahil marami akong nakikitang throwback ngayon,mag tothrowback thursday din ako,nakakainggit kayo eh,ito pala yung tine na naliligo kami sa bilawa/mainit hotspring,ang sarap talaga sa pakiramdam pag makapaligo doon,tanggal ang mga lamig mo sa katawan,malapit lang din to sa bahay namin doon sa davao de oro,walking distance lang,kaya pag mamiss naming maligo doon ay magpunta kami doon,para ka lang namang ini steam doon hihi
Bago matulog ay nag check na naman ako ng aking bp,ano ba naman to,ayaw pa talagang bumaba ng bp ko,ang taas pa rin,puro isda na nga lang kinakain ko at walang mantika,ano kayang dahilan nito,sana ma ok na to,goodnight na noisers,bukas na naman tayo mag kitakits dito,sweetdreams
Good morning world,good morning noisefam,im wide awake,thanks god at ginising nya pa nya tayo,at ginising nya pa ako kahit may iniinda ako ngayong karamdaman,nandito pa ako sa kama ngayon at di pa nakalabas ng kwarto,pagkagising ko at matapos mag thank you kay lord ay nag check agad ako ng bp at sugar ko,so sad kasi mas lalong tumaas ang bp ko,at good naman at medyo bumaba na ang sugar ko,dating check ko kasi ng sugar ko ay 139,ngayon ay 131 na,thanks god,yun nga lang yung…
Dito na naman kami stambay sa kwarto ngayon,kami lang kasi dalawa nitong bulinggit na makulit nato,inagawan ba naman ako ng cp,di na kasi nya gusto yung pinapanood nya sa cp nya,di ko naman alam kung paano mag out sa cp nya kaya,ang cp ko ang kinuha hihi,buti na lang sa kakadotdot ko sa cp nya ay nakita ko yung gusto nya kaya nakuha ko ang cp ko,relax na muna ako dito sa kwarto at ang taas talaga ng bp ko ngayon,para akong lasing
Ang sakit sa mata nitong namumulang market na to,hodl na muna tayo ngayo at maghihintay na tataas ulit,kumusta noisemates,nakapag lunch na ba kayo?ano ulam natin dyan?ang sa amin ay lutong ulam pa rin kasi ayaw ko na munang mag kikilos dahil sa taas ng bp ko,irelax ko na muna ang katawan ko,puro gulay at isda na muna ako ngayon
Fresh from front yard,galing lang to sa bakod namin,magsasabaw na naman ako ng isda,ito muna palagi ang ulam ko hanggat hindi bumaba ang bp ko,maghanda na tayo ng para sa haponan kanoise,galing din ako doon sa may labasan namin at bumili ako ng isda at ito ang lulutuin ko ngayon,kayo ba anong inihanda nyong ulam para sa dinner mamaya?nakaharap ako sa tv ngayon ang dami palang lugar na binaha gawa ng bagyong paeng ba yun?pero dito sa amin sa awa ng diyos ay di naman…
Good evening and goodnight dear noisers,nakahiga na ako ngayon,ready to sleep na,tapos na ring magpasalamat,ang lamig na panahon ngayon kasi maulan,pero dito sa kwarto namin pag di pinapaandar ang ac ay ang init pa rin kahit malamig ang panahon,no choice pa rin,kailangan pa ring paandarin para makatulog ng mahimbing,have a peaceful night noise family
GOD IS GOOD all the time,nag bp na naman ako ngahon bago ako matulog,thanks god at bumaba na sya,kanina umaga ay 157/100 sya,tapos ngayon ay ito na 134/78 na lang,praise you lord..lumuwag talaga ang pakiramdam ko ngayon,makatulog talaga ako ng mahimbing
Good morning earth,good morning noisefamily,im wide awake but still in bed,thanks god for this new day,thank you for waking me up today,every gising is blessing kaya dapat lang nating ipagpasalamat every gising,kumusta ang mga lugar,di ba kayo naapektohan kay paeng?dito awa ng diyos ay hindi naman,di ko pa din alam ang sitwasyon ng kalangitan kung makulimlim pa rin ba kasi di pa ako nakalabas ng kwarto,happy weekend sa lahat,umpisa na ang long weekend,pwede na tayo…
Ito talaga ang nagpapakilig sa atin every morning,thank you sa generous people outhere,di pa rin ako nakalabas ng kwarto at di ko pa mabitawan tong cp ko,di ko pa alam kung anong ganap sa labas,maaga palang aalis ngayon ang anak at apo kong grade 1,ngayon kasi ang UN nila sa school,ewan ko ba sa principal doon sa pinapasokan ng apo ko,pag may mga activities ay sabado niya ipapagawa,imbis na makapag relax ang mga teacher at studyante,tapos holiday na sana ngayon
Meet my grade 1 apo,as miss INDIA,ngayon pa kasi ang UN nila sa school nila,nahuli na,enjoy naman siya sa ginagawa nya hihi,at ngayon kami na namang dalawa nitong bulinggit na makulit ang naiwan dito sa bahay,umalis na rin ang asawa ko hinatid sila sa school kaya mag umpisa na rin ako sa aking daily routine,ang mga gawaing bahay,ok na din naman ang pakiramdam ko,balik ulit ako mamaya
Nakapagluto na ba kayo?,ako ngayon ay nagluluto din,ginisang sayote for lunch,century tuna ang sinahog ko nito,ayoko pa kasi muna ng carne at baka ma hb na naman ako,kahapon pa ako gustong magluluto nito kaya lang di kami nakabili,buti na lang kanina ay may naglalako kaya bili agad ako,kaya ito makakain na rin,hindi pa dumating ang mga kasama ko dito sa bahay kaya mamaya oa kami nito mananghalian
Ayan tumobo ang tinanim kong alugbati,yung pinag tanggalan ko ng dahon noong isang araw ay tinanim ko dito at sinabit ko sa bakod sa gilid namin,ilang araw lang nito ay makaka harvest na rin ako nito,may mga tanim din kaming malunggay sa tapat namin,di na kami bibili pag gusto naming kumain ng gulay,fresh pa hihi
Ang lamig ng panahon ngayon,wala naman kaming ulan dito kaya lang ang ginaw,ang lamig ng hangin,sarap na tuloy matulog,kaya lang di pa kami naghaponan,maaga akong dadive mamaya sa higaan,sarap mag ng bumaluktot sa kama at magbalot ng kumot hihi,nandiyan pa rin ba si paeng?
Thanks god,bumaba na talaga sya,nag checheck kasi ako ng bp ko bago matulog at pag gising,katatapos lang din naming maghaponan kaya pababa na muna ng kinain bago matulog,ang hirap kayang humiga pag busog hihi,malamig na gabi pala sa lahat,kumain na kayo ha at lumalalim na ang gabi,happy eating sa lahat dyan na kumakain ngayon GOD IS GOOD all the time
Its time to say goodnight noisefam,parang ayaw na yatang bumuka ang mata ko,pipikit na talaga kay mauna na ako sa inyo,bukas ulit noisers,kita kits ilit tayo dito,ayaw na talagang mag cooperate ang mata ko,goodnight ,sleeptight
Good morning everyone,happy sunday sa inyo,umalis na ba si paeng?hindi kasi ako nakapanood ng balita,kawawa naman kasi yung mga lugar na tinamaan,yung mga binaha,marami kasi akong nakikita sa fb na nagpost,breakfast pala tayo noisers,pag sunday ganito lang ang kakainin ko,kung minsan naman ay tinapay at kape,ngayon itong putomaya at kapet gatas,may naglalako kasi kanina kay bumili na ako,have a blessed sunday everyone #FeelGoodSunday
Ano ba naman to,mababa naman ang bp ko ngayon,pero masakit ang ulo ko,ang heart ko rin ay pakiramdam ko ay kinakabahan lagi ako,sinisikmura yata ako sa kinain kong putomaya hihi,baka mawala rin ito mamaya,hindi pa nga ako nakapag hugas ng kinainan,nauna kasing humarap sa tv at nanood ng to good to be true,ang ganda na kasi,8 days na lang sa netflix at matatapos na,anong ganap natin dyan noisers,bukod sa pag iscroll scroll ng unread hihi
Ang ingay na talaga dito sa harap namin,ginawa na kasi nilang shop ang likuran nila na harap din namin,ang ingay pag may gingawa sila,pag nagcucuting ng bakal tapos ang sama pa ng amoy,nakasakit ng ulo,kaya lang hanapbuhay nila yan eh,di naman siguro tayo pwedeng magreklamo,sa araw lang naman din,hindi naman sa gabi kaya ok na lang sana,yun lang talagang amoy,ang sakit sa ulo
Lunch tayo noisers,ito lang ulam namin sa ngayon,paksiw na gg at camote tops salad para maiba naman,ano naman ang mga ulam natin dyan kanoisy,ang sasarap siguro ng mga ulam nyo dyan,halika na,sabay sabay na tayong mag lunch
Alis na muna kami ng asawa ko,magsisimba muna kami ng 3rd mass,ganitong oras talaga kami nagsisimba,3:30 to 5:00 pm ang misa ng 3rd mass dito,diyan na muna kayo ah,mamaya na naman ako mag open dito pag nakauwi na kami
Good evening sa lahat,kararating lang namin galing nagsimba at dumiritso na kami sa jabee para mag snack,treat ng manugang ko,ayan at busog na kami,makakain pa kaya kami ng haponan nito?baka mamaya konti at magutom din kami
Ito lang ang gusto kong kainin sa jolibee,ang palabok nila,gusto ko kasi ang lasa kaysa iba,wala na munang bawal ngayon ha,minsan lang naman,bukas bawal na ulit hihi
Oras na naman ng pamamahinga,kanina pa ako inaantok,binisita na naman kami ng mga apo,nagpang abot na naman sila dito sa bahay,hindi lang nakasama yung pinakabata,yung 3 yrs old,puro babae ang mga apo ko dito,may 2 akong apo na lalaki pero medyo malayo sila at bihira lang kaming magkita,itong isang apo kong malaki na ay 11 yrs old na sya,dito ko na sila pinatulog sa kwarto namin kasi maluwag naman dito,dalawang kama naman ang magkasya dito,sila sa baba,ang sofabed ang gamit…
Gooood morninh everyone,hello noisers,done na kami sa breakfast,done ko ring manood ng 2 good 2 be true,kaya ngayon magsimula na rin sa mga gawaing bahay,kumusta kayo mga frenny,anong ganap natin dyan,sarap mag dagat ano?sino kayang mag invite sa akin at hindi ko tatanggihan hihi,its monday,walang pasok kaya pwedeng gumala,gala na tayo noisers #FeelGoodMonday
Makinood nga nitong pinanood ng bulinggit habang nag aantay maluto yung niluto kong ulam para sa lunch,pinalambot ko pa kasi,kayo dyan kanoisy,anong mga ginagawa natin dyan,nakapaghanda na din ba kayo para sa tanghalian?
May binabad na akong malagkit para gawin kong putomaya mamaya,mas gusto ko pa kasing kumain ng putomaya kasi hindi matamis kaysa biko at binignit,di kasi ako makabuelo eh hihi,hirap kasi ng maraming bawal.lulutuin ko to mamayang gabi para bukas ng umaga ay malamig na
Ayan at luto na ang ulam namin for lunch,sinigang na baboy,pero yung sili ko ay kulubot na hihi,pero aanghang pa yan,ready to eat na people,halika na kayo at sabay na tayong mananghalian,mmmm...asim kilig
Galaw galaw na at hwag ng matulog pa,kailangan na talagang diligan tong mga plants ko nanunuyo na,ilang araw na rin di ko nadiligan at lagi ko na lng nakakalimutan,kawawa na sila ngayon,nananamlay na,kaya kailangan na talaga nila ng tubig,dyan na muna kayo ha,sila na muna aatupagin ko
Galing ako doon sa kanto namin at dahil nabitbit ko ang cp ko ay nagpipicture ako sa nadaanan ko,bumili ako ng manok at isda para bukas na ulam namin,naniniguro lang ako baka wala magdisplay bukas at wala kaming uulamin,sa ngayon di muna ako magluluto ng ulam at dinamihan ko na sa pagluto kanina,hanggang haponan na,kaya lilinisin ko na lang tong nabili ko ngayon para ilagay ko na lang sa freezer
Time to sleep...goodnight noisers at kami ay matutulog na,natatawa ako sa nga apo kong natutulog dito sa kwarto namin,nagbalot ng kumot at ang lamig daw,ako nga eh naka spagheti lang,naiinitan kasi ako pag may manggas ang susuotin ko,ting dalawang bagets ay kapapasok pa nga lang ay giniginaw na kaagad,mahina lang naman ang setting ko sa ac,sige mga frennies matutulog na kami,goodnight,sleep tight
Good morning world,good morning noise.app family,thanks god for this new day,ALL SAINTS DAY ngayon at karamihan ngayon ay pupunta ng semeteryo,busy ang mga kalsada ngayon,traffic masyado,dito sa davao ay nag rerouting ang mga sasakyan para di gaanong magsiksikan sa daan,lalo na sa mga malalapit sa cemetery,kami baka bukas na magpunta para di na masyadong matao,may trabaho na bukas kaya di na siguro masyadong matao sa cemetery.ito pala ginawa ko kagabi,puto maya,ang kalahati…