My abby hatcher! Pasensya na po kayo kung puro crochet ang mga pino post ko ito kase ang aking pampalipas oras. At dahil naiinip ako kaya ito si abby hatcher ni remedyo ko kase naman un leeg nya masyado malambot di kinaya ang laki ng ulo nya. Ito pala un first time ko sumali sa mga pattern tester ng mga amigurumi at dahil dipa ganun ka sanay gumawa ng mga doll nuon hirap na hirap ako magtahi at nangangalay ang aking kamay pero ngayon ay sanay na ako. 2 years na ata itong doll na ito sakin diko naman pwede ibenta dahil diman ganun ka sikat si abby hatcher dito sa pinas. Ito ay isang cartoon character sa nickelodeon, yung may cable lang ang nakaka alam nito. Kamusta po ang lahat? Nakakasakit ng ulo ang panahon kanina sobrang init ngayon naman makulimlim na at mukhang malakas ang ulan nito.
2 comments
Ang cute sis hehe parang yong mata ay buhay na buhay galing mo naman sissy tama yan nakkawala nang stress din kung may pinagkkaabalahan
Gandang crochet sis. Nkkaamaze pagmasdan