Loaded milk flavor and cream O papaano ako papayat nito kung puro sweets ang aking kinakain tapos wala pang exercise kaya si hubby nagagalit na sakin kase daw panay reklamo ko na malaki ang aking tiyan. Bakit di daw ako mag lakad lakad hahaha. Sabi ko naman wala naman ako ginagawa kundi mag gantsilyo ng naka upo ang hirap kaya tumuhog ng naka tayo. Anyway kain muna ako snacks habang nag babantay ng tindahan. Kayo nakapag meryenda na ba kayo? Grabe panahon namen ngayon dito sa san fernando pampanga, uulan ng konti tapos biglang sisikat ang araw ng napakainit paulit ulit nag papalit ang weather simula kaninang 12nn. Bakit di nalang kaya mag kulimlim para di nakaka sakit ng ulo ang panahon. Kamusta panahon sainyo?
No comments yet