read.cash Log in
@Paurie23 more from that month

I miss my princess already Ilang oras ko palang syang di nakakasama na miss ko na nga sya. First time palang kase nya sumama kay lola nya. Madalas kase isama ni mama ko un mga kuya nya kaya na request mga tita ko na si bunso ang isasama nila. Kanina nag message ang kapatid ko habang nag aantay sila sa kanilang sundo nag laro muna kapatid ko sa Funhouse Robinson at ayan nga sa picture sabi nya na mas magaling pa daw mag laro si bunso dahil naka kuha sya ng 22 token. Sobrang enjoy ng anak ko sa kakahuli ng isda. Sa second photo naman makikita nyo un reply ko sakaniya na ako din nanalo ng junkfood at 5 tokens sa quantum naman. Dahil malapit lang ang SM sa school ng mga anak ko kaya bago kame dumaan ay pumasok muna kame sa SM para tumingin ng shoes kaso iba ang pinuntahan namen. Ka badtrip din ang panahon kung kelan sinipag ako mag laba dahil mainit ang panahon nung mag sasampay na ako biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sainyo ba umuulan din ba?

11 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.