read.cash Log in
@Paurie23 more from that month

Pwede bang maglabas ng sama ng loob dito? Wala kase ibang mapag sabihan ng sakit ng loob. Bakit ba kase may mga tatay na irresponsable, mabisyo at makasarili? Minsan kahit ayaw kong tanungin si God napapatanong ako bakit dina nag bago ang ugali ng tatay ko ang tanda na nya bakit problema padin ang binibigay nya samen tapos ang mahirap padun sobrang init ng dugo nya sakin kaya madalas na nag aaway kame lalu na pag lasing na sya nang gugulo na sya. Tapos madalas pa ay lagi nya ako pinapalayas sa bahay na kala mo sya ang may ari. Diba nag ambag ambag kame ng kapatid ko at si mama ko para mapagawa un bahay namen dahil nga sobrang baba ng yero at madami nadin tumutulo pag umuulan. Tapos ngayon ilalagay nanamen un mga kwarto namen wala daw ako karapatan sa bahay na un. In the first place asawa ko ang may malaking share sa bahay at ang tatay ko wala ni pisong ambag. Puro alak at bisyo nalang ang ginagawa nya. Pero pag dumating na ang paborito nyang anak todo asikaso sila sakania. Pasensya na at nag labas ako ng hinanakit ko dito at salamat din dahil kahit papaano nawala un tinik sa dibdib ko.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.