Stitch cellphone pouch! 2 years ago na pala itong mga ginawa ko bali may nag resell nun time na yun kaya medyo malakas ang bentahan ko 2 years ago nakaka miss din un mag hapon naka upo at puro accept lang ng orders ang inaatupag ko, ngayon dina ako active sa social media kase ang dami ng crocheter ang nag sipag sulputan at ang dami nadin ka kompetensya pagalingan nalang talaga sa marketing kung papaano ka makakakuha ng mga client mo e ako kase hindi marunong mag market ng mga gawa ko kase naman pag nag post ako wala man nag react sa mga gawa ko dito sa lugar namen bibihira lang ang nakaka appriciate sa mga gawa ko. Buti nalang at may isang tao na nag tiwala sa mga gawa ko ag ngayon ay sinasali nya ako tuwing may bazaar sya sa mall. Magandang umaga po sa lahat! Ako ay matutulog ulit dahil ang aga ko nagising 1st day kase si hubby sa work nya sa Hospital kaya ang pasok nya ay 6am to 6pm. Ingat po ang lahat!
3 comments
Ganda sis ah,wala masyado nag stitch dito sami ei kaya nakakamangha mga ganyang gawa
Salamat sis. Pwede ka naman mag practice pampalipas oras lang
Salamat sissy bibili pa ako nang kagamitan para jan soon nalang siguro hehe