Free medicine! Dahil uso nanaman ang ubo't sipon kaya ayan ang 3 kids ko sabay na sabay ang pag ubo nila. Kaya ginawa ko kanina dinala ko sila sa health center dito saamen at pina tingin sila sa attending midwife/nurse. Buti nalang at may stock sila na gamot kaya ayan dina ako binigyan ng reseta. Before kase hihingi ako ng reseta at kukuha ng gamot sa mismong munisipyo. Be practical ika nga pag may mga free i grab na kaagad lalu na hindi biro ang mga bilihin na gamot.…
@Paurie23 in June 2022
Multi tasking! Yung habang nag babasa ako ng mga post dito kay noise at the same time nakikinig ako sa vlog ng beks battalion. Buti nalang naka 2 window un phone ko at nalilibang ako manood at mag basa. Tapos pag tinamad mag scroll nag tutuhog pa ako sa aking mga project. Wala pa kame dinner kase wala pa si mama ko kaya diko alam ano ulam namen.
Free Sample! Sa lahat ng mga mommies dian na gusto nyo ma try ang pa free sample ni pediasure ito may nakita ako sa Facebook habang nag scroll kanina, kung naaalala nyo may post ako last time na may dumating sakin na free sample na similac milk naman. Na try nadin naman nila itong pediasure peri kada may nakikita ako nito lagi ako nag sign up medyo matagal kase bago ipadala sainyo. Kaya ito un link sa mga gusto lang naman mag try ng milk.…
Left over shawarma! Yung dala ni hubby kahapon na shawarma diko nakain kaya ito ngayon ang aking lunch gagawin ko nalang sya shawarma rice papainit ko nalang ng konti tapos ilalagay ko un mainit na kanin. Un sobra naman gagawin kong meryenda mamaya masyado kase sya madami un binili nya good for 2 person na. Nakatipid ako ng pag kain ko ngayon araw na ito. Mga kaingay ano tipid lunch nyo today?
Siniguelas tree! Yung mga puno namen madadamot mag bigay ng bungga. Diba ang mga siniguelas pag mag kakaroon ng bungga mag lalagas muna ito at unti unti babalik ang mga dahon kasabay ng bungga nya. Kaso itong siniguelas namen nakuha ng lumabong ang mga dahon walang bungga ba lumabas sa kakahanap ko ng bungga nya meron ako nakita isang piraso lang sya katulad ng aming mangga isang piraso lang din ang ibinigay nya. Ano kaya meron sa mga puno namen bakit nag tatampo sila. Sino…
Cassava cake! Gumawa ng cassava cake ang aking pinsan at pinatikim samen bawat bahay may tag iisang styro kame, napaka creamy niya at un cheese sa taas ang dami kagabi nya inabot ito at ngayon ko lang kinain sinamahan ko nalang ng hot choco. Pati mga bata nagustuhan din nila. Happy friday mga kaingay!
Good Samaritan! Good job kuya kyle ang kuya ken for helping the baby goat! At this moment habang nag lalakad kame ng mga anak ko may nakita kameng kambing na naka siga sa may damuhan at iyak ng iyak kaya nilapitan ng eldest son ko at sabi sakin na napalupot ng tali ang mga paa nya kaya ako lumapit at tinanggal ko un pag kaka buhol si kuya kyle yan nasa picture sya nag tayo sa kambing. Di nila maiwan iwan un kambing kase naka bilad sa mainit, sabi ko nalang sakanila na mag…
I am looking for my two son! Kanina tawag ako ng tawag sa pangalan ng mga anak ko kase 5:30pm na wala pa sila sa loob ng bahay un kase usapan namen na pag 5:30 na stop na sa pag lalaro. Naalala ko na nag paalam pala sila sakin na manood ng basketball sa covered court, malapit lang naman un court samen kaya pinapayagan ko sila manood. At yun na nga nung pag punta ko sa court behave lang sila na nanonood first time ko lang kase sila pinayagan usually kase kasama nila ako dahil…
Pancake! Requested ni kuya na mag luto ng pancake for today's breakfast nila kaya ayan si mama ko ang nag luto nian pag kase ako un nag luluto nasusunog at di masarap kaya ako nalang ang bumili ng pancake powder at si mama ang nag luto, nilagyan nya nalang ng butter at asukal sa taas, Ako ay hihiga muna ulit tutal naka kain naman na mga bata. Happy weekends po!
Fresh alugbati! Ulam nila mama yan fresh from the mini garden masyado daw napadami ang tanim nila na alugbati kaya kahit bagong tubo lang kinuha nya na para hindi daw mag dikit dikit pag lumabong na. Napadami ata ng bubod ng seeds kaya nag dikit dikit. Ginisa lang ni mama ko un alugbati at nilagyan nya ng sardinas o diba bukod sa tipid na e healthy pa ang ulam nila. At dahil di namen kinakain nyan kaya naman bibili nalang ako fried chicken sa kanto un tag 17php lang. Tara…
Free sample! Kanina habang nasa grocery kase may lumapit na isang merchandiser at binigyan kame ng tag dalawang piraso na biscuit new product ng lemon square. At masarap sya makahanap nga nito sa mga Supermarket sigurado sa mga Mall palang meron nito.. Naka walong piraso din kame ng biscuit o ayan nakatipid sa biscuit un pambili dapat ng tinapay nila ginawa ko nalang dalawang pirasong meatloaf.
Samosa is made of potato stuffed and deep fry a popular snacks from india or middle east. Pinasusyal na empanada ng mga taga middle east. Na try nyo na ba kainin ito? Usually mabibili ito sa mga arabic food or sa Passport shawarma may mga samosa sila na tinda. Buti nalang at may malapit na arabic food dito sa lugar namen at best seller nya ang samosa sa 20php each lang ito at un sauce nya at sweet and spicy tamarin sauce. Solve ang dinner ko kahit isang piraso lang nabusog…
Happening now! Kanya kanya sila ng group sa pag kanta sa loob ng bahay nila lola ko nag videoke ang mga ka work no tita ko at itong sa garahe naman mga pinsan at tito ko na nag jamming sila. May event kase dito sa compound kaya now lang ulit sila nag pa tugtog. Pinagsama na ang graduation, fiesta, wedding anniv at bday ng pinsan ko, umuwi lang sya ng pampanga para mag celebrate nag work kase sya sa cebu isa syang Physical Therapy teacher sa bagong bukas na school.
Headache+hangover. Un hindi ako sanay makipag inuman kaso madalang lang naman may party sa compound with my cousin kaya ayan naki upo nadin ako first time ko lang din uminom ng GSM blue, acksidente ko syang nainom kala ko kase tubig sya un pala Gin grabe ang init sa katawan kaya ngayon masakit ang aking ulo Ako ay uminon na ng Black coffee kanina para pampagising kaso makirot talaga ang aking ulo kaya dina kinaya at to the rescue na ang aking gamot. Ako ay mag lalaba din…
Rellenong Bangus! Late lunch na ako. Dahil kakatapos ko lang mag laba at mag sampay ng mga damit. Buti nalang at nag bigay ng ulam ang aking pinsan ang dami kaseng left over na ulam sa handaan kahapon sayang nga lang un cajun seafood napanis lang ayun tinapon na Buti at un iba potahe ng ulam e di napanis. Kaya ginawa nalang e pinag hati hati nila dito sa compound. Ang sarap ng pag kaka gawa ng rellenong bangus para lang sya embotido tapos may cheese pa sya. O sya kain na…
Dahon ng Tuba-Tuba! Alam nyo ba ang dahon ng tuba tuba ay pwedeng gawing bubbles? Dahan dahan hatiin un stem pag nakita mo un may bubbles na tsaka mo hipan at ayun may instant bubbles kana. Un 2nd photo dapat ganun un pag hati nya. Kanina nakita ko un puno ng tuba tuba sa harap namen madami ng dahon sakto nasa labas nga bata kaya ayan nag laro ako ng bubbles un pamangkin at anak ko ang taga putok ng bubbles. May video pa ako papaano ko ginawa screenshot ko nalang kung gaano…
Only crafter can relate! Yung asawa ko nag papagawa ng pocket sa likod ng bag nya. Buti nalang at may B6000 fabric glue ako. No need na tahiin dinikit ko nalang sya. O diba dahil hindi naman ako marunong mag lagay ng pocket sa bag at kung tatahiin ko e sigurado tabingi un pag kakagawa Ito dikit nalang at maganda pa ang finish product nya. In short tamad lang talaga ako mag tahi bukod sa di talaga ako marunong hahahaha. Happy monday po mga kaingay!
Pinakbet na walang kalabasa! Nagluto ng gulay si mama ko kaso wala un favorite na gulay ng mga bata wala din sya gaanong sabaw kaya napilitan kumain ng sitaw ang mga bagets Un kalabasa naging kamote. Masarap din ihalo ang kamote sa gulay mas matamis ito at malapot Ako naman dahil no rice ako kaya pinapak ko nalang ang sitaw at okra. Diko kase kinakain ang talong pag ginisa na nas bet sya kainin pag pinirito o ginawang torta. Kayo ano ayaw nyo kainin na gulay bukod sa…
Hello kitty stuffed toy! Happy nanaman ang aking princessa dahil naka kuha ako ng dalawang Hello kitty at mag kaiba ang kulay buti nalang at na tiempuhan ko sya at mahigpit ang kaniyang pag kahawak nya. 4 na try lang yan so bali 20php lang ang nagastos ko. Technique kase sa mga claw machine pag mahigpit na un pag kakahawak nya malapit mo na sya makuha tapos pag na shoot na sya sa butas mag hulog ka ulit ng kase mahigpit padin ang pag kakahawak nito. Simula dalaga ako laman…
Cake! Yung mga binigay na cake sa pinsan ko nasa 4 na box sya hindi nila kayang ubusin un kaya ang ginawa ng tita ko binigyan kame lahat dito na nasa compound, ito na ang aming almusal ngayon samahan ko nalang ng kape para hindi puro matamis ang aming pag kain. O sya ako ay titimpla muna ng kape para kame ay maka kain na.
Soya milk and Taho! After kumain ng cake ito naman. Namiss ko kase kumain at uminom ng soya buti at dumaan dito sa harap namen un nag titinda ng taho. Hindi kase namen sya naaabutan dahil naka motor ang mga nag titinda ng taho ngayon. Kaya dapat pag gusto nameb ng taho takbo kame kaagad sa daan para makabili. Humingi ako ng extra pearl kase mga bata gusto nila na may pearl ang kanilang soya milk.
Laing, cofee at buko pandan jelly! Ewan ko lang kung di sumakit ang tiyan ko nito. Un coffee tira ng anak ko kaya dinagdagan ko nalang ng black coffee at mainit na tubig. Tapos may dumaan na nag titinda ng jelly salad kaya ayan nag pabili mga anak ko na sobrahan ng isa kaya binigay sakin. At un laing naman binili ko sa suki ko na nag titinda ng ulam. Sana huwag naman mag alburuto ang aking tiyan nito. Hahaha.
Pride Month! Fresh from the hook! Rainbow keychaine it is symbolize hope, love and peace, June is Pride Month, when the world's LGBTQ communities come together and celebrate the freedom to be themselves. Dagdag nanaman ito sa mga collection ko na keychain for display on friday sa robinson's mall pampanga. Tinaon ko talaga itong design na ito para sa mga sumusuporta sa mga LGBTQ.
Peanut and Egg! kakaiba combination nanaman ang napag tripan ko ngayon sa aking almusal adobong mani na may sunny side up egg at rebisco crackers. Un Nestea Cleanse ko hot water ang nilagay ko kase makati ang aking lalamunan. Grabe ang panahon ngayon dahil siguro pabago bago ang klima kaya madami nanaman ang nag kakasakit. Halos kame dito sa bahay ay may dry cough na ang kati sa lalamunan at di ako makatulog sa kati ng lalamunan ko. Kamusta po kayo mga kaingay? Naka pag…
Dalanghita juice! Kahapon nag dala ng isang kilo dalanghita ang aking bunso kapatid dahil nga inuubo kame dito sa bahay kaso di naman siya makain dahil sobrang asim kaya ang ginawa ni mama ko ngayon ay ginawa nya nalang ng juice. At ayan na nga nakaka refresh dahil sa malamig na e nag tumamis din sya. Un anak ko naka 2 baso sya sa pag inom nito.
Ginataang Mais! Sarap ng meryenda ng mga missionaries dito samen kada wednesday kase may bible study at rosaryo kase sila kaya may meryenda. Buti nalang at madami ang niluto nila kaya ayan humingi ako. Papalamigin ko muna sya sa ref mas bet ko un malamig ngayon kase ang init ng pamahon! Tara meryenda tayo!
Sinigang na manok! Buti nalang at may tira pang ulam kagabi kaya ayan ngayon ang aking breakfast mas masarap talaga pag left over kase medyo maanghang na sya dahil nalusaw na un sili haba dahil pinainit ko sya. Sarap humigop ng sabaw gumuhuhit sa aking lalamunan nawawala ang kati ng lalamunan ko. Tara at kain na muna tayo! #breakfast
Bicol Express again! Natiempuham ko nanaman si ate na nagluto ng bicol express kaya ayan napabili tuloy ako once a week na ang pag kain namen ng asawa ko nito ang sarap kase. Pero ngayon sobrang anghang nya perfect sakin humahagod sa lalamunan at talagang napaka effective ng anghang nya diba may dry cough ako kaya ang pag kain ko puro may sabaw at maanghang. Mga kaingay ano ulam nyo? Tara kumain na tayo #lunch #bicolexpress #hot #spicy
Unhealthy food! Orange egg street food "Day old egg" May napadaan na natitinda ng Day old egg at chick. Un balot at penoy na nilagyan ng food color para maging orange Nabudol ako ni kuya, tinanong ko kase kung tag mag kano nahiya naman ako bigla kung di ako bibili. Ang pricey 30php un isang stick masarap sana ito na ulamin kaso papapakin ko nalang. Inom nalang ako ng maraming tubig para di mapasama lalu sa katawan hehe.. #snacks #orangeegg #dayold #streetfood
Body pain + dry cough! Grabe ang sama ng pakiramdam ko kaya hanggang ngayon naka higa pa ako at halos kakagising ko lang. Madalas kase matuyo un pawis sa katawan ko dahil mag hapon naka upo. Kagabi late na ako naka pag pahinga dahil tinapos ko itong mga keychain amigurumi ko alam nyo naman na sinasali nila ako sa mga bazaar. O sya tatayo na ako dahil mga anak ko dipa nag aalmusal hehehe. Kahit masama ang pakiramdam need padin bumangon at kumayod para sa mga bata. #sick…
Fun house! At dahil tapos na ang module ng mga bata kaya ayan sinama ko na sila pumunta ng robinson tutal libre lang naman ang sakay kaya kahit madalas kame sa mall ok lang. Mag papalamig lang namab kame dito mga 3 hours lang naman kame dito mamaya pag uwi namen dina ganun kainit Kamusta mga kaingay? Friday na at tapos na ang school year ng mga bata!
Photo's! Yung inopen ko un phone gallery ko para mag bura ng mga duplicate photo pag open ko ito ang bumungad sakin. Nasa 100+ siguro un mga selfie nya buti nalang at madali lang mag delete ng mga picture kundi mangangalay ako sa pag bura nito. Kayo mga kaingay sigurado un may mga anak dito e relate na relate dito sa post ko today. Magandang gabi po sa lahat. #photo #gallery #selfie #friday
Star flower! Kanina habang naglalakad ako kasama ang aking furbaby nakita ko itong tanim nung friend ko na mangha ako dahil halos ng mga cactus nya may flower last time na post ko dito un iba't iba flower ng cactus.. Tapos ito na nga un latest na nag bloom mukha tuloy sya starfish. Ang ganda nya tignan kaso mabaho ang amoy nya parang nang aakit ng mga insekto un amoy nya. Ang ganda talaga maging plantita lalu na kung green thum ka, ako kase un mga tanim ko na cactus di…
Pork giniling! At dahil may sakit din si mama kaya ayan ako na ang nag luto ng Pork giniling na maraming patatas at dinagdagan ko na din ng itlog kase 1/4 lang na giniling yan ang mahal kase ng 1kilo kaya dian muna tayo kung saan tayo makakatipid. Sa panahon ngayon lahat nalang tumataas, short nalang ang bumababa hahahaha. Kaya need talaga natin mag tipid at kumayod ng bongga para hindi tayo mahirapan at para may makain pa tayo sa pang araw araw. Magandang hapon mga kaingay!…
Shopee game. World puzzle May bago palang pa games si shopee kanina ko lang nakita yan world puzzle nya nag enjoy ako mag laro kase talagang gagana ang utak mo dito kaka isip ng mga word medyo nasa easy part pa ako nito ewan ko lang un ibang word na ibibigay nya. Mahilig talaga ako mag laro sa shopee kase nag co collect ako ng coins para pag malaki na un naipon ko gagamitin ko itl pag may bibilhin ako dina sayang din un discount niya pag gumamit nh coins. Kayo ba nag lalaro…
Shot! Napapadalas ang party dito sa compound kaya may pa inom nanaman. Itong smirnoff pang ladies drink lang ito at di man nakakalasing pag siguro madami iinumin talagang matatamaan ka. Cousins bonding nadin ang ganap dito sa compound. Last na celebration na ito for this month next month naman ang susunod dahil malaki ang aming clan kaya monthly may birthday celebration. Hanggang 12mn lang ako dito sa pinsan ko bawal mag puyat dahil maaga papasok ang aking asawa. 4am dapat…
5:05 in the morning! Actually wala pa talaga akong tulog simula kanina pag uwi galing sa bahay ng pinsan ko, ewan ko ba kada nalang maaga umaalis asawa ko di ako nakakatulog ng maayos may insomia ata ako o dahil ayaw ko lang mapasarap un tulog ko at baka di ako magising ng alarm clock ko at mapagalitan sakaniya kaya di ako nakakatulog ng maayos. Kanina pang 4:30am tumayo na ako para i prepare ang kaniyang kakainin kaya ngayon naka higa na ulit ako at matutulog na ulit!…
Pricey gulay! Grabe kaiyak na ang pagtaas ng mga bilihin pati gulay ang mahal un sitae, kalabasa at maliit na coco mama nabili ko yan 98php na 2php nalang mag 100 na sya. Tapos wala pa ako ilalagay na pang sahog nian pati i pa partner diko na magawa makabili dahil ang mahal. Bibili nalang ako ng Mang Juan mamaya kesa sa mag prito pa ako ng isda o karne na umaabot nasa 200+ ang half kilo. Sana sa next administration mapababa nila ang mga bilihin, Nag taas nga ang sahod pero…
Busy sunday! Yung kakatapos ko lang mag laba ito naman ang aking ginawa ang gumawa ng yelo. Malaking tulong din kase ito sa pang araw araw dahil dito kinukuha ni lola ko ang pambayad ng kuryente nya sa kaniyang tindahan. Ako lang un taga gawa ng yelo nya kase malaki un mga gawa ko sa sobrang init ng panahon talagang laging sold out ang mga yelo sa tindahan. Nakapag meryenda naba ang lahat?
What's on my wallet? Yan nalang laman ng wallet ko today 40php isang candy at resibo. Kaka grocery ko lang kaya yan nalang natira. Dumating naba sa buhay nyo na ganian nalang ka konti un natira sa wallet mo un dimo alam kung mag kakasya pa sya the whole day? Ako naranasan ko na yan un nag work pa ako tapos un tinitipid ko na un pera ko kase malayo pa uuwian ko tapos umaasa ka mag sasahod kana kaso biglang na delay, kaya ang gagawin nalang e kakapalan ang mukha na manghiram…
Strawberry cupcake bag! Fresh from the hook! Ang cute ng pag kakagawa ko sa cupcake bag na ito nakaka hinayang ibigay kay client hehe, nakita kase mga post ko last time sa my stories ko sa Facebook kaya ayan nag order sya sakin sabi at pinakita ko itong bago ko gawa na strawberry kaya ayan na tapos ko na sya. Mamaya ay babalutin ko na at ibibigay sa aking client! Magandang umaga mga kaingay! Ingat po ang lahat sa papasok sa school at work!
Adobong Up and Down Ulo with neck at chicken feet. Mas mura kase ang isang kilo nito siguro nasa 70-80php lang dito sa kanto namen. Kaya ayan ang binili ni mama at niluto nya ang sarap kumain pag ganito ang ulam mas napapadami ako ng kain dahil nakaka enjoy mag sipsip ng mga buto buto. Kayo mga kaingay ano nililuto nyo sa ulo at paa ng manok?
At this moment! Making fresh ginger tea for my mom! At dahil simula kanina walang tigil ang pag ubo nya kaya ayan nag pakulo na ako ng luya para inumin nya. Dina nawala un dry cough nya lalu na sa gabi ubo sya ng ubo sobrang kati siguro ng lalamunan nya buti nalang un sakin dina gaano makati kaya madalas nalang ang pag ubo ko kahit papaano e nakakatulog na ako ng mahaba. Nakihigop nadin ako sa ginawa kong salabat bago ko binigay sakania, hindi man sya maanghang pero malamig…
Avocado! Ayun o! may bigay na avocado un asawa ng pinsan ko galing daw ito sa kaniyang tanim sa bahay nila. Buti pa siya may puno ng avocado at hitik sa bunga. O diba naka libre nanaman ako ng prutas ang mahal kase ng avocado sa palengke. Papalamigin ko muna ito at mamaya ko na sya kakainin. Na eexcite tuloy ako kumain nito makabili nga ng milk powder alam nyo na kung ano ang gagawin ko dito. Sayang lang at wala ako blender masarap sana dito gumawa din ng shake! #avocado…
Monggo "Mong beans" At dahil nag luto ng munggo si mama kaya ayan nag pahiwalay ako sakaniya bago igisa kase kakainin ko sya na may asukal at milk powder. Ito ang lunch ko today mamaya na ako kakain ng kanin pag dating ng aking asawa. Masarap talaga pag mainit pa sya para pati in sabaw nya mahigop ko para lang ako kumakain ng champorado nito. Mga kaingay ano po ulam natin?
Smash avocado with milk powder and sugar! Ito pala ang sinasabi nilang malagkit at talaga naman napaka sarap niya di nakaka umay o dahil ngayon lang ulit ako naka kain nito. Sana laging may pa free para lagi maka kain ng avocado Ilalagay ko muna sa ref palalamigin pa ng konti bago ko sya kainin. Mag water at biscuit muna ako ngayon snacks need uminom ng marami water para mawala ang kati sa lalamunan. Un ulan samen nag painit lang sana nilakas man lang ng konti di un dumaan…
KATIALIS oitment Grabe ang hiral hanapin ng bioderm oitment na malaki puro maliliit nalang ang natira na uso nanaman kase ang prickly heat o bungang araw ang mga anak ko meron sila kaya need ko talaga ng malaki. Dahil wala ang bioderm kaya ayan try ko itong katialis sana effective sya sa bungang araw napagod na kamay ko sa kakakamot sakanila hehehe. Buti nalang pag gabi nakaka tulog sila Dahil sa sobrang init ng panahon grabe sila ag pawisan kaya nag karoon sila ng bunggang…
Mesy table! Ang gulo ng aking mini working place diko pa maayos at this moment kase ako ay nag gagantsilyo para matapos sa deadline ang aking project. Sumali kase ako sa isang pattern tester. Ang mga crocheter kase bago mag release ng bago nilang design kumukuha muna sila ng mga pattern tester para malaman ng designee kung naiintindihan ba ng makakabili ng pattern nya or minsan para din ma correct un mga mali nya na pattern. Saludo ako sa mga designer ng mga crocheter kase…
Maruya with cold coffee! May nakita ako nag lalako ng maruya kanina naawa ako kase kasama nya nag lalako un 3 kids nya kaya tinawag ko sya para bumili buti at nung ako na bibili e 3pcs nalang sya. Tag 5php lang kase tinda nya kaya siguro ubos kaagad. Sana makita ko pa sya bukas para makabili ng marami at kahit papaano e makatulong sakaniya. May tira palang kape un asawa ko kaya ginawa ko pinalamig ko muna ang init kase ng panahon kaya masarap uminom ng malamig. Ngayon medyo…
Facebook memories! Pag open ko ng facebook ko ito ang nakita ko binalikan ni facebook ang aming family picture nuong isa palang ang aming anak ito din un panahon na puro problema ang binibigay sakin ng asawa ko at hindi ako sumuko sa mga pagsubok na dinaanan namen. At naniniwala talaga ako sa 2nd chance, Alam nyo ba na 2 years old na anak ko nun bago kame kinasal kase sinigurado ko muna na nag bago na talaga sya, ngayon makikita nyoo sa 2nd photo ko na tatlo na ang aming…
Last ayuda from school! Yung nag soli ako ng mga module ng anak ko diko expect na may ma feeding pa pala sila kaya ito ako kinuha ko un sa mga anak ko sayang kase lalu na may fresh milk nanaman sila binigay. Favorite kase nila ang fresh milk kaya binilhan ko nalang sila ng cereal para bukas may almusal sila. Grabe ang init kaninang nag lalakad ako nasa 500 meter din nilakad ko mula sa bahay hanggang school bitbit ang mga module at books. Sayang kase pamasahe sa padyak kaya…
22 Degree Sun Halo Kaninang 12:30-1:30pm na witness namen ang ganda ng araw dito sa pampanga dahil may rainbow halo sya dahil daw ito sa napakataas na ulap ang tawag ay cirrus cloud dahil ang ulap na un ay made of ice crystals. Maganda at nakakamangha sya tignan pero sabi ni Mang Tani ay babala ito na may papadating na masamang panahon. Sana huwag nalang ganun kalakas na bagyo o ano paman ang ibig sabihin nya. Mga kaingay sa lugar ba ninyo napansin nyo din ba ito kanina? Nag…
Star fruit or Balimbing Mga kaingay familiar paba kayo sa prutas na ito? Meron pabang may tanim sainyo nito? Bibihira nalang may Balimbing dito sa pinas kahit sa mga palengke wala na ako nakikita na nag titinda nito dito sa barangay namen may nakita ako may dalawa pa sya puno. Pero itong hawak ko bigay lang ito ng aking pinsan. Hindi sya ganun katamis kaya ginawa ko sinawsaw ko nalang sa asin.. Nakaka miss kumain ng mga rare na prutas. Ang balimbing ay isang source din pala…
Tubero for today's video! Hahaha! No need na mag hired ng tubero kung kaya naman natin gawin, kanina habang pinapalitan ko un faucet kaso ang nangyari ay naputol at hindi ko na makuha un pinagputulan kaya ang ginawa ko ay pinutol ko un pinala letter C nung tubo buti at may extra kame dito kaya ayan kaso naubusan ng pandikit kaya ang ginawa ko bumili ng shoe glue para ito nalang ang gawin ko pandikit buti at kumapit naman. Dapat tayo mga babae kailangan din natin pag aralan…
Conversation with my hubby! Kanina habang nag browse ako sa facebook nakita ko na may hiring na hospital dito sa lugar namen need nila ng nurse at nursing assisant sakto un ang inaaplyan ng asawa ko kaya nag message ako kaagad sakaniya. Gusto ko din sana mag apply kaso ayaw ng aking asawa at ito nga sinabi nya share ko sainyo un sinabi nya sakin na screen shot ko sya. Bigla ako na touch sa sinabi nya pero syempre gusto ko talaga mag work para sana magtulungan kame kaso sya…
Insect bite! Pasensya na medyo sensitive un picture pero naka blurred naman sya. Grabe un insect na kumagat sakin ang tagal mag heal nv sugat nag start lang sya sa maliit na sugat at mukhang na infect kaya lumaki sya. Ang mali ko lang is kinamot ko un kinagat sakin before diko namalayan na may bacteria un kamay ko. Kaya dapat pag nakagat tayo ng lamok or kahit na ano insecto mas maganda huwag na kamutin lagyan nalang ng alcohol or oitment para mabawasan ang kati nya. Ako…
Clip Fan is life! At dahil sobrang init ng panahon kaya ayan puro clip Fan nalanh inorder ko para tipid sa kuryente. Kakadating lang nung pink kanina lang nabili ko lang sya ng 96php sa shopee kase gumamit ako ng shopee coin kaya ang laki ng na less ko pero in original price nya ay 125. Sobrang lakas ng hangin ng Clip Fan kase maliiy lang ang makina nila kahit sampo pa gamitin mo nito mag hapon dika mangangamba sa bill ng kuryente nyo! Un blue naka tapat sa mga anak ko na…
Small fish! Yung anak ko kanina sigaw ng sigaw sa pangalan ko kanina di ako tinigilan hanggat di ako lumalabas kaya pala tinatawag nya ako dahil ipapakita sakin itong mga nahuli nyang isda kanina sa may covered court. Alam nyo ba mga kaingay kung saan nila kinuha ang mga yan? Sa kanal lang naman! Hahahaha pero ang gaganda ng mga isda iba iba un color nila tapos may mga dot sila na kulay orange, Diko ma search kay google kung ano klasing isda, Mga kaingay nung kabataan nyo ba…
Happy Blessed Sunday! Nakapag greet naba ang lahat? Dito ko nalang i post at batiin ang aking asawa. Happy father's day sayo alam mo naman kung gaano kita ka love at sobrang nag papasalamat ako sa mga sacrifices na binibigay mo samen ng mga anak mo. Soon matutupad din ang ating pangarap unti untiin lang natin alam ko naman kung gaano kana ka desidido makapag trabaho at makapag lingkod sa mga taong may sakit. Sadyang mahirap lang talaga pumasok sa hospital ngayon dahil wala…
Busy the whole day! Grabe sobrang pagod ko ngayon araw na ito halos kakatapos ko lang sa gawaing bahay. Wala kase si mama nag kita kita sila mag kakapatid sila muna un mag get together wala mga anak after 2 years now lang sila ulit nagkasama sila mag kakapatid nasa iba't ibang lugar kase mga tita ko. Ang hirap talaga pag nakaasa lang kay mama kase hindi ako sanay mag luto tatayo nalang kame pag kakain na. Ngayon kelangan ko mag luto ng pagkain namen hanggang bukas ng lunch…
Morning routine! Yung anak ko na 5:30am palang gising na kaya ito ang ginagawa nya pinapabukas nya ang aking cellphone at manonood sa Youtube. Buti nalang at puro educational ang pinapanood nya. Mga mommies dian na may toddlers pa perfect itong alphabkocks at numberblocks sa kanila dito sila matututo mag basa gamit ang alphablocks. At math problems naman ang number blocks ang anak ko medyo kabisado na ang mga number. Ni recommend din kase ng grade 1 teacher nung 2nd son ko…
Organica Black Gold! "Coffee" Tara kape tayo! Medyo mahangin ang panahon sa ibang lugar maulan sigurado. Ito palang kape dala ni mama ko sabi ko i try ko sya kase na curious ako sa lasa nya dahil ang ingriedients ay Corn, Mushroom, Mangosteen Moringa, Brown Rice, at Black rice.. Tignan nyo un sa 2nd photo ko un mga benefits nitong kape ng Organica Black Gold Coffee. Yung amoy ng kape ay sunog na kanin legit nya un Black at Brown Rice. Un lasa naman nya sobrang pait perfect…
Happy tuesday! Tara kain tayo! may tira pag kain kagabi kaya ayan may almusal ako ngayon mushroom soup un nasa tasa tapos bumili nalang ako tinapay para i pares sa hotdog at itlog. Ilang araw na mabigat un katawan ko sa sobrang tamad lagi nalang ako nakahiga hahaha. Ingat po tayo lahat. Lagi uminom ng tubig sobrang init ng panahon ngayon #almusal #breakfast
Moon cactus! Grafted cactus ang galing mag graft ng mga plantita dala dala pala ng mama ko ito kanina pag uwi nya bigay daw ito nung may ari ng resort na pinuntahan nilang mag kakapatid. Un pinaka stem na nilagay sa cactus ay dragonfruit sakto may dragon fruit ako tanim dito try ko mag graft sa iba kong cactus may iba pang cactus na dala si mama ko at sabi nila soon mag kakaroon daw ng flower un basta alam namen sila alagaan. Na busy ako simula kanina inaayos ko mga…
Drawing! Kanina pa ako inaabangan ng aking bunso kaya pala maya't maya ang pag silip sakin e ipapakita lang pala nya sakin ang kaniyang ginawa. Bilib din ako sa anak ko dahil 5 years old palang yan nakikitaan ko na mahilig sya mag drawing sabi ko naman sakaniya na mag practice lang ng mag practice at soon gaganda ang mga drawing nya. Diko man din tinuturuan mag sulat dahil sa dami ko ginagawa pero sya mismo kukunin ang cellphone ko at gagayahin ang mga alphabets sa games nya…
Portable blender! Nag try ako gumawa ng guyabano shake gamit ang akinh portable blender bti nalang at may nakita akong hinog na guyabano sa tanim ko. Ang hirap pala himayin ng guyabano naubos ang aking oras. Buti at may fresh milk ang mga anak ko galing sa feeding nila kaya ayan na sa 2nd photo un nagawa ko shake medyo matabang lang ang lasa siguro dahil sa guyabano, Un iba guyabano namen nasira lang pinamahayan ng mga fruit bag. Un iba nilagyan ko naman ng plastic pero…
Buhawi! May taga mexico pampanga po ba dito? Grabe un hangin kanina kaya pala bigla dumilim un langit tapos sabay ng malakas na hangin buti dito samen wala damage. Nakita ko ito sa post ng friend ko ba taga mexico pampanga dun talaga dumapo un buhawi tapos kung titignan nyo un 2nd photo aksidente naman sa nlex malapit sa lakeshore gawa din ng thunderstrom at malakas na hangin natumba un mga puno at un ibang sasakyan nadaganan ng mga malalaki puno kaya ngayon nasa local news…
Meet our Snappy! Nakita ni mama ko itong baby turtle nung nasa bulacan sila kaya ito inuwi nya para alagaan ng mga bata, kawawa naman kase kung makakain o mamatay lang sya pag pinabayaan tsaka sabi nung care taker dun sa pinuntahan nila na resort na kanin lang daw un ipapakain sakaniya kase baby palang Dati nadin daw may naligaw na turtle dun kaya ginagawa nung care taker kanin ang pinapakain. Nilagyan lang ng konti tubig at buhangin na may mga bato un lalagyan nya Kase pag…
Mango graham Ice candy! May nag alok sakin ng ice candy kaya ayan napabili ako 12php pala yan at sobrang worth it nya kase ang sarap pati mga bata nagustuhan nila. Sayang lang at naglalako sya di na ako makabili ulit nabitin kase ako hahaha. Hindi tinipid sa sangkap. Sabi nung nag titinda kanina nag iipon daw sya para may gamitin sya pera pag manganganak sya. Buti pa si ate madiskarte samantalang un iba ay puro reklamo maririnig mo sakanila.
For today's bonding! Nag kayayaan nanaman mga pinsan ko na babae na mag mukbang kaya ayan bago kumain ay kinuhanan muna namen ng picture syempre kanya kanya sila ng post sa social media ako naman dito ako mag post para maiba naman hahaha. Ang sarap ng Pizza lalu na un cheesy spinach di ako kumakain ng spinanch pero itong pizza diko man nalasahan un gulay dahil nag blend ang cheese nya. Nandito din ang aking favorire na Samosa with tamarind sauce. Nag share share kame dian…
Happy TGIF mga kaingay! Yakult for this morning breakfast masama kase pakiramdam ng tiyan ko kaya ayan nag pabili ako ng yakult para kahit papaano e mag karoon ng probiotics ang aking tiyan diko alam kung ano nakain ko kahapon na nag pasakit ng tiyan ko ngayon dahil nag halo halo ang aking kinain lalu na kagabi May binalita pala na naka align ang 4 planets hanggang june 28 kaso di din naman maapriciate kase wala telescope at puro malalaki at maliwanag na star langa makikita…
Bangkok Santol! Yung pagkatapos kumain ng lunch ito naman ang kinakain ko ngayon. Dala ito ng tatay ko bigay ata ito sa pinuntahan nila. Grabe sobrang tamis nya un nga lang kase ito un prutas na nakakabitin at nakaka tinga kase naman un buto nya lang ang kinakain ko tapos kakayurin ko lang ng konti dun sa may laman na part. Tagal ko na din di nakakakain ng santol. Pag maasim ang santol ginagawang pang asim sa sinigang, or meron naman nag luluto un ginataan sa santol kaso…
DIY SLIDE Yung foam ng tatay ko ginawang slide ng anak ko nung nakita nung twins ayan nakisali na sila at sobrang tuwa naman nila dahil nag karoon sila ng slide. Bali ang ginawa ng anak mo ay ipinatong nya un foam sa kama ng kapatid ko tapos para di sila mauntog naglagay pa ng unan na malaki sa pinaka baba. Hindi naman din sya mataas pero for safety nadin daw sa mga twins sabi ng anak ko o diba iba talaga imagination ng mga bata nakakagawa sila ng kanilang libangan. Kayo mga…
Lutang moment! Nag papatimpla kase ng kape ang asawa ko, at dahil busy sa cellphone ayan ang nangyari sa kape nakabaliktad pala un tasa diko namalayan buti at hindi ko pa nabubuhos lahat at konti lang ang natapon kundi mag lilinis ako ng wala sa oras. Kayo ba mga kaingay may lutang moment ba na nangyari sa inyo? Share nyo naman naging experience nyo! Magandang umaga po!
Ginataang Kamansi with bukayo saging na may langka! Yung on diet ka tapos ganito ang naka hain na pag kain, pang 3rd day ko na ito na no rice kaso ngayon naman ay puro minatamis un pag kain namen hahahah mukhang un 2 days ko na no rice nabalewala today. Sarap kase kumain ng saging na may langka dahil madalang lang makapag luto ng ganito si mama. Bawiin ko nalang sa tubig mamaya para ma wash out un mga matamis hehe. Naka kain naba ang lahat? Ano lunch natin today?
Hello to my fellow Crocheter! Share ko lang ito sinalihan ko na pattern tester. Bali first time ko lang sumali sa mga tops at para sa only girl ko ito para sana madali sya gawin kaso inabot din ako ng 1 week sa pag gawa nito dahil sa pag adjust ng size diko makuha un tamang sukat ng anak ko hahahaha. Buti nalang at nakahabol ako sa deadline namen. Ang saya talaga pag nakatapos ng isang project lalu na pag first time ko itong gawin, hirap talaga kase ako sa pag gawa ng damit…
Tina powder Familar paba kayo sa tina powder un mga putings damit ay gusto natin un parang laging bago kaya nilalagyan ng tina! Nag palaba si lola ko kaya un mga puting damit nya pinababad muna sa tina na may downy bago isampay. Mga kaingay lalu na ang mga nanay may gumagawa paba nito sainyo pag naglalaba kayi ng puting damit? Mga batang 80's at 90's lang sigurado nakakaalam nito!
Fresh from the hook! Before and after of my spray bottle. Everytime na umaalis ako hindi pwedeng hindi mahulog ang aking spray bottle dahil un keychain nya ay madalas nag lumuluwag ang kaniyang pag kaka lock kaya ngayon ay sinipag ako mag gantsilyo dahil aalis kame mamaya kaya ayoko na mag pulot ng spray bottle ko kada nalang nahuhulog sya nasasayang din kase un alcohol ko pati un natatapon. Kaya ayan na wala man 20mins natapos ko na ang aking spray bottle holder or mas…
Pancit Canton with Samosa Namiss ko kumain ng Pancit Canton dahil pricey na sya kaya sobrang dalang nalang namen kumain ito kase pag mag luluto kame 10 pcs. Un niluluto ko. Un samosa left over un kagabi kaya pinainit nalang ni mama ko. Ang aga ko tumayo at nag prepare ng food today kase maaga umalis asawa ko madalas kase tumatayo ako mga past 9am na hahahah. Happy monday everyOne! #breakfast #samosa
My little girl so sweet! Kanina habang nag gagantsilyo ako lumapit sya sakin at sinabi nya saakin na "mommy ito water mo inom ka" Nagulat ako kase di naman ako nanghihingi ng tubig may instant water ako. Napansin nya siguro na i uubo ubo ako kaya pinagdala nya ako ng tubig. Mga anak ba na babae sweet talaga sa mga nanay? Ako kase di ako sweet sa nanay ko nung bata pa ako dahil siguro diko sya ganun na nakasama mas sweet ako sa lola ko. Un 2 boys ko wala din sila ka sweet…
Chocolate fresh from Italy! Buti pa ang chocolate ng Italy nakarating ng Pinas. Umuwi un pamangkin ko galing turin Italy mag isa lang nya umuwi dahil mahal daw ang pamasahe 3 months sya mag babakasyon dito. Nung una nahihiya pa sya ibigay yan kase dalawa lang sabi namen di naman importante ang mga chocolate ang importante ay naka uwi sya ng Ligtas at nakayanan nya bumyahe na wala ang mga magulang nya. Mga chocolate kahit ano pa brand nila halos mag kakapareho lang ang lasa.…
Challenge accepted! Na challenge ako dito sa pinapagawa ng pinsan ko lalagyan ko ng design un kanyang bikini set at sa saturday na ito gagamitin. At dahil gusto kong sumakit ang aking ulo kaya ayan tinanggap ko ang kanyang request. Bago muna ako ma stress diti kakain muna ako ng pampapayat hahahaha. Dahil medyo maulan ang panahon kaya ayan gumawa ng champorado si mama ko gamit ang oatmeal. Tara meryenda na tayo!
God is Good all the time! Iba talaga gumawa ng paraan si God kanina galing ako sa school ng mga anak ko kase kumuha ako feeding nila at inenroll ko un bunso ko, naka bike pala ako nung pumunta ng school. Dapat ang dadaan ko pauwi e sa high way kase mas mabilis pag dun ako dadaan. Kaso bigla ako umikot at dumaan ng palengke dahil gusto ko uminom ng buko Kaya pala bigla ko naisip na bumili ng buko at dumaan sa kanto kung saan nakatira un friend ko un pala makikita ko sila na…
Be resourceful! My DIY diaper dispenser! Gawa lang ito sa cardbord na nakatambak dito samen bali sinukat ko lang un diaper para mapasok sya dian tapos un mga pinambalot ko dian mga creape paper lang din na nakatabi dito sa bahay. O diba may instant diaper dispenser na mga pamangkin ko. Hindi na pakalatkalat un isang pack ng diaper at hindi narin mahirap kumuha sa plastic ito easy to get na. Ididikit ko nalang ito sa wall na malapit sa higaan nila. Para kahit mga anak ko pag…
Early lunch! Kain na ako while watching inauguration of BBM. Need ko na kumain ng maaga dahil may kelangan ako tapusin na crochet bikini bukas na kase ang deadline nun kaya gagawin ko na lahat ng trabaho ko ngayon umaga para mamaya tuloy tuloy na at walang istorbo. Kamusta talaga manila dian alam ko holiday ngayon sainyo. First time ko lang manonood ng inauguration dahil masyado sikat si BBM ngayon kaya ayan na curious ako kung papaano ba manumpa ang mga presidente. Kayo…
Blessings! Ngayon lang ako naka kita ng inauguration na ganito kaganda un event nakasunod talaga sa oras un schedule nila, kanina ko pa ito pinapanood dahil na curious talaga ako kung papaano ba i welcome ang new president. Ang ganda talaga makisama ng panahon kung kelan papasok na sila sa malacañang dun bumuhos ang ulan. Parang blessings din ito sakaniya. Halos pala ng ng ibang bansa ay pumunta sa inauguration kanina habang nakikipag kamay sila isa isa nila pinapakilala un…