Sabado, Anong Ganap?

38 65
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Chismis, My day, Saturday

Grabeeeee ang iniiiiiiiiiit! Ramdam na ramdam ko ang gigil ni haring araw sa pagbubuga ng powers nya eh, LOL!

Magandang buhay! Magtatagalog muna tayo ngayon. Medyo duguan ang utak ko kasi ngayon so dapat eh ireplenish ng kaunti para hindi matuyuan ng dunong. Anyway, more on chika ulit tayo today. Wala na naman kasing maisip na isulat ang inyong abang lingkod kaya chika chika muna tayo.

Dumadating din ba kayo sa point na said na said ang laman ng wallet nyo? Yung tipong manghahunting kayo ng barya sa bawat sulok ng bahay nyo? Ganyan ang ganap namin today. So I have 100 pesos na lang sa wallet ko. Tapos sabi ko sa asawa ko eh, bili na lang sya ng kape at tinapay para sa almusal namin. At yun sobra eh pagkakasyahin na lang for lunch total may two days sya na sasahurin mamaya, kaya sya na lang ang bibili ng ulam. Tapos ako kanina, habang naglilinis ng bahay, naninimot ng mga barya barya. Mahilig kasi ako magtabi tabi ng mga barya sa tokador namin. Madami din akong barya na tig 25 cents, kaya ayun, nakaipon ako ng 100 pesos ulit for our lunch.

Hay naku, di ko akalain talaga na maninimot na naman ako. Although meron naman akong pera sa bitcoin.com pero siempre hindi naman pwede na maicashout mo agad yun. Anyway, so ayun nga, since di sasapat sa amin lahat, kasama ang aso at pusa, sabi ko sa anak ko eh hotdog at itlog na lang ulam namin then sardinas sa mga alaga namin. Okay naman sa kanya at sya na ang nagluto. Buti na lang talaga eh mahilig ako magtabi tabi ng mga barya. Basta may sobra akong pera eh nilalagay ko sa kung saan saan. May nangyare pa nga minsan na umalis kami tapos yun bag na di ko madalas gamitin eh yun ang ginamit ko that time. Tapos nagulat na lang ako, pagkapa ko sa loob eh may nakita pa ako na 500 pesos. Nakalimutan ko na talaga na meron pala akong naitabi doon. Kaya kapag nagkakasairan ng laman ng wallet eh talagang halungkat ako sa mga bag at mga sulok sulok kasi baka may makita ako na yaman, HAHAHA!

Then, after makaluto ng anak ko ng ulam namin for lunch na pang almusal, hahaha, nauna na kami kumain ng anak ko kasi tomguts na talaga kao, Paano ba naman eh almost 12 pm na pero wala pa din si asawa. So habang kumakain kami eh nanonood kami ng tv, cooking show ang palabas with matching travel galore. So napag-usapan namin bigla yun outing. Sabi ko sa kanya kapag nagtuloy tuloy na yun work ni Papa nya at makakipon na ako, magbabakasyon kami sa Boracay. Eto yung naging convo namin.

Ako: Nak, bakasyon tayo sa Boracay kapag okay na work ni Papa mo.

Anak: Naku Ma, sana nga mangyare yan.

Ako: Mangyayari yan nak, basta maayos na work ni papa kasi kumikita na naman ako. Last na punta natin ng Boracay eh 3 years old ka pa.

Anak: Ilang araw tayo doon? Baka naman 1 day lang tapos uwe agad. Lumublob lang tayo sa dagat tapos uwe tayo agad.

Ako: Siempre hindi noh. Mga 3 days tayo doon para maranasan natin ang night life sa Boracay ba. Party party tayo sa gabi, drink drink ng wine habang nasa seaside.

Anak: Ay oo Mama, party party ka eh alam mong may sakit ka. Baka mamaya nyan habang andun tayo eh bigla mo sasabihin, "Papa di ako makahinga, dalhin nyo ko sa ospital."

Imbes magalit ako sa kanya eh natawa na lang ako dahil with action pa talaga yun pagkakasabi nya, HAHAHA! Panira ng moment din tong anak ko eh. Pero gusto ko tlaga mag Boracay. Iniexpect ko nga na magBoracay kami kapag nagbakasyon dito ang mga inlaws ko pero mukhang matatagalan pa dahil nga sa open heart surgery ng bayaw ko. Speaking of that, this Monday na sya ooperahan. And hopefully, maging maayos ang maging operasyon sa kanya.

--

So ayun nga mga Marites, yan ang ganap ng araw ng Sabado namin. Sana bukas eh mas magiging maganda pa ang araw namin para may maganda naman ako na mashare sa inyo.

--

Gif from Giphy app

14
$ 15.34
$ 14.97 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.05 from @ARTicLEE
+ 12
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty
Avatar for Pachuchay
2 years ago
Topics: Chismis, My day, Saturday

Comments

naexperience ko na din yan ung manimot ng barya ate. dati lalo na nung nagkakasakit anak ko tapaos wala pa ko gaanong kinikita.

mukang kalmado lang saturday nyo ate ahh.

$ 0.00
2 years ago

ang hirap ng ganung sitwasyon noh..

$ 0.00
2 years ago

tapos maiiyak ka na lang kapag walang wala na no ate? pero buti kapag nasa probinsya ka eh mamimitas ka lang ng gulay ung ibang kapitbahay mahihingian mo pa pero dito sa manila, mahirap maging mahirap taalga.

$ 0.00
2 years ago

tama, hehehe

$ 0.00
2 years ago

Hhh I just came here because of your gif that is so catchyπŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Heheh, thanjs, i hope ur Filipino too.. Because it was written in our local language

$ 0.00
2 years ago

I'm not πŸ˜’but I know your article would be fun.😍

$ 0.00
2 years ago

Oh, I'm sorry..

$ 0.00
2 years ago

Hahahah natawa ako sa lead image.. yun lang di naku nagbasa hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hype na yanπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚..parang ako lang dinπŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Parang matanda lang kausap e haha!

Palaging ganyan ang ganap din dito. Maghahanap ng pambili although wala naman talagang mahanap haha!

$ 0.00
2 years ago

naku sinabi mo pa, saka mas matindi pa to sa papa nya hehehe

$ 0.00
2 years ago

Haha!

$ 0.00
2 years ago

Haha dun ako natawa sa baka mamaya padala ka sa hospital sis. Panira ng moment si anak.😁 peeo infairness sis love na love ka ng anak mo alam niya mga posibleng mangyari sayo kaya huwag kana daw party party tamang uneind lang. Hindi pa ko nakakarating nag Bora sana all makapag Bora.,😁

$ 0.00
2 years ago

Ang ganda doon sis as in, lalo na ngayon na mas pinaganda pa..

$ 0.00
2 years ago

Ganyan din ako nung bata ako ate ahha naghahanap ng pera sa ding ding🀣

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, relate na relate ba behπŸ˜‚

$ 0.00
2 years ago

Hirap dn may mga hayop.. Dagdag palamunin 🀣

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga eh pero ang hirap naman na ilet go. Saniba parang ang dali lang sabihin na iabandone pero para sa katulad ko na parang anak na ang turing, naku sakit sa dibdib..

$ 0.00
2 years ago

Ganyan ganap namin dito lahat ate araw araw. Madalas nga may maiwan ka lang na lima o piso pa, maya maya wala na hahahaha.

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, may tagasunod ba

$ 0.00
2 years ago

Ang kulit ng bulilit mo ate hihi. Concern na concern talaga sayo ba.

$ 0.00
2 years ago

Oo beh, mas matindi pa yan sa Papa nya

$ 0.00
2 years ago

Yun tlga dapat ang buhay madam, ipit ipit sa mga lagayan dahil minsan biglaang walang wala

$ 0.00
2 years ago

Korek madam hehehe..

$ 0.00
2 years ago

Naalala ko tuloy ate nung Grade 7 ako. Naalala ko nawawalan ako ng ballpen tapos wala akong mahiraman. Naghalungkat ako sa mga sulok ng bag ko tapos may ballpen pala don haha. Yung anak niyo ate masyado talagang worried sa iyo haha.

$ 0.00
2 years ago

Naku mas matindi pa yan sa papa nya eh.. Ganyan talaga yan sya kahit noong bata pa sya.. Kapag nagkakasakit ako eh talagang nakabantay sya..

$ 0.00
2 years ago

Hehe. Ako mag spo sponsor sa bakasyon niyo madam pag marami nako pera. Sana talaga maging successful mission namin. Hehe

$ 0.00
2 years ago

Hala, for real madam? Hehehe.. Good luck sa mission nyo madam, kung anuman yan hehehe..

$ 0.00
2 years ago

Hehe. Yes madam oy. Kung ma recognize mi sa youtube og dghan mi viewers puhon samo songs, unta dako ma generate namo nga income ani. Hehe

$ 0.00
2 years ago

Oi haa good luck madam.. Isama ko sa prayers ang goals nyo madam..

$ 0.00
2 years ago

Salamat madam πŸ™

$ 0.00
2 years ago

You're always welcome madam..

$ 0.00
2 years ago

Haha same ko dati, kahit mga jeans ko at mga sulok ng kwarto nahahalungkat lods, pero isang bara kalang ng mini mi mo lods haha

$ 0.00
2 years ago

Kaya nga eh, alam mo un feel na feel ko na yung pag iimagine na nagpaarty party ako 3h bigla ako binara hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Haha, pangit ka bonding na anak lods haha san kaya nagmana haha

$ 0.00
2 years ago

Aigoo! Dumating din ako sa point na ginagawa ko yang ganyan sis.. Haha. Yung tipong wala nang ibang choice kundi talaga halungkatin ang pweding mahalungkat para lang makahanap nang pera.. Haha

$ 0.00
2 years ago

Hehehe, kaloka eh noh.. Pero buti na lang talaga eh may mga naitatabi tabi na barya...

$ 0.00
2 years ago