Random Chika Amidst Agaton

24 40

Still raining on our end. Summer season ba talaga ngayon? Minsan mapapaisip ka na lang din talaga sa panahon eh. Siguro, we should expect naman na sa darating na tag-ulan, sobra naman ang init. Baligtad na eii!

Anyway, good day chingus! Nakakatamad talaga ang ganitong weather. Tamang higa at kain lang ang ginawa ko today after maglinis ng bahay. Ang aga ko nagising kanina to prepare hubby's things pero buti na lang tumawag muna sya sa mga kasama nya sa work na nag-stay-in, kundi baka nastranded sya sa baha. Grabe kasi ang ulan sa amin since last night. Kaya yun kapitbahay ko eh wala din tigil sa pagtitimba ng tubig palabas ng bahay nila. Pinasok na kasi ng tubig baha. We offered them na dito na lang sa amin mag stay muna kaso ayaw ng lalaki kasi takot sa aso. So di na namin pinilit.

On my other chika, earlier today, tumawag sa akin ang kapatid ko to tell me na nagpaplano pala sila na mag outing with the whole family. Whole family, kasi kasama pati ang mga pinsan at tita ko pati mga anak anak nila. Bale 2 days sila mag stay sa Bataan and magswimming sila sa isa sa magandang beach resort doon. Inggit is me!

Bale doon sila magspend ng Hwebes Santo at Biyernes Santo. And for sure maghahakot na naman sila ng mga prutas sa farm.

Isa talaga yan sa mga namimiss ko, yun mga family gatherings namin dahil nga ako lang sa amin ang malayo sa kanila kaya ako lagi ang absent sa mga gatherings. And kapag naman kasi ako ng nagbabakasyon, natataon naman na mga busy sila sa buhay buhay kaya di din namin napaplano or wala kami pagkakataon for some bonding moment. Kaya gang tingin tingin na lang ako sa picture na ipapadala nila. Inggit is me talaga😂.

Kaya bigla ko tuloy naisip, ano kaya if di kami napadpad dito? Ano kaya ang buhay namin sa Manila? Of course, lagi na kami present sa mga family gatherings, for sure yan, pero magkakabahay kaya kami at makakaluwag luwag sa buhay?

Before kasi kami napadpad dito eh, sa Manila kami nanirahan. Pero you all know naman kung gaano kahirap ang buhay sa Manila lalo na kung wala kang sariling bahay. Nangungupahan lang kami that time, isang maliit na kwarto at 1,500 a month, bukod pa ang tubig at kuryente.

Hirap talaga kami noon kasi halos ang sweldo ni husband eh kulang pa sa upa sa bahay. At that time naman kasi eh ayaw nya ako pagtrabahuin, lately na lang sya pumayag na magwork ako kasi talagang nag insist na ako magwork para makatulong. Hanggang sa nabuntis ako at nakapanganak. And then we decided na manirahan na dito. And we made a good decision, kasi at least dito, sarili na namin ang bahay, wala nang babayarang upa. And pagdating naman s education sa anak namin eh mganda din naman ang mga schools dito at mura compared sa pagpapaaral sa Manila.

At yun lang ang chika ko today, share ko lang, hahaha! Wala naman talaga ako sana balak magsulat ngayon kaya lang out of boredom, bigla na lang ako nagtype, charot! 😂

But kidding aside, please include us in your prayers guys. Hindi lang kaming mga taga Capiz kundi lahat ng apektado ng bagyong Agaton.

Photo from Facebook


Date Published: April 12,

14
$ 5.93
$ 5.73 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.03 from @Ruffa
+ 5
Sponsors of Pachuchay
empty
empty
empty

Comments

mas mainam talaga pag sa probinsya madam kasi mas sure pa kayong makakabahay compare kung dun sa Manila...may Tito nga ako na kahit may kanya2 nang trabaho mga anak niya eh umuupa pa rin sila until now

$ 0.00
2 years ago

Tita ko din madam, gang ngayon eh nangungupahan pa sila and ilang beses din sila pabalik balik sa abroad pero gang ngayon eh wala pang sariling bahay

$ 0.00
2 years ago

Grabe po kasi talaga ung standard of living sa manila ibang iba sa Province. Haaay s

$ 0.00
2 years ago

tama ka, malaki sahod pero mahal naman ang bilihin

$ 0.00
2 years ago

Iba din talaga ang buhay at ang mga expenses sa probinsya sis kaysa sa maynila. Kapatid ko minsan nagtrabaho sa maynila, peru pinili nya paring umuwi dito sa probinsya kahit inoferan ng dagdag sahod. Iba talaga ang buhay doon depende din siguro kung masanay kana.

$ 0.00
2 years ago

oo sis, mas masarap pa din talaga nag buhay sa probinsya

$ 0.00
2 years ago

Korek ka dyan sis.. di parin maipapalit sa sa ciudad.

$ 0.00
2 years ago

Ay oo, sa probinsya walang trapik at sariwa pa ang hangin.

$ 0.00
2 years ago

Wala yatang summer dito sa amin sa Leyte sis. Noon kapag Holy week, mafefeel mo talaga ang init ng panahon kaya marami ang magsuswimming. Pero ngayon, grabi sobrang sakit ang mga nangyayari.😢

$ 0.00
2 years ago

iba na kasi panahon ngayon sis,

$ 0.00
2 years ago

Praying po ate, keep safe always.

$ 0.00
2 years ago

Salamat po..

$ 0.00
2 years ago

Grabe na yubg mga baha talaga te ay, nakakasad na talaga huhu. Diko feel tuloy yung summer dahil sa madalas na pag ulan. :(

$ 0.00
2 years ago

Para nga talagang di summer beh, tapos baka pagdating ng tag uln nyan eh grabe ang init. Baligtad na

$ 0.00
2 years ago

Masarap kapag may sariling Bahay sis. Kahit na siguro Hindi makaatend Ng gathering okay lang kesa mahirapan maging mga bagets.

$ 0.00
2 years ago

True sis, hehe

$ 0.00
2 years ago

Samin rin sis medyo huminto na ang ulan, pero may hangin parin,, Prayers for everyone🙏❤️

$ 0.00
2 years ago

Likewise sis, dito sa amin ngayon eh gumanda na ang panahon..

$ 0.00
2 years ago

Maulan pa rin madams? O di na sobrang lakas? Ingat ingat kayo!

Uso na ulit mga gathering now. Pwro samin di uso ang ganyan hahaha. Takot lumabas ang mga oldies ee

$ 0.00
2 years ago

Di na masyado malakas madam pero walang tigil..

$ 0.00
2 years ago

Keep safe ate hehe. Kami kanina ang araw pero nug bandang 4 na doon naman ummulan. Keep safe po as always. May family gathering raw sa Sabado sa amin kaya need ko magpagaling though magaling naman na ako. I guess that I only need to rest ng maaga ngayon para makagawa ng tambak na modules bukas haha

$ 0.00
2 years ago

Hope all naman ako doon sa gathering.. Usually talaga kapag holy week doon madalas may gatherings eh..

Anyway, kumusta na mata mo, okay na ba?

$ 0.00
2 years ago

Kani naman ate naiinggit rin naman noon kasi hindi kami nakakasama sa gathering tapos nasa Manila kami. Pero ngayong nandito na kami sa probinsya, hindi na ako maiinggit.

Ligthly okay ate hehe pero medyo nagmumuta hehe. Agahan ko na lang mamahinga mamaya hehe

$ 0.00
2 years ago

Oo saka owas muna sa mga gadget beh, pero kaag nagtuloy tuloy pa yn eh better na kumunsulta na sa espesyalista kesa lumala..

$ 0.00
2 years ago