read.cash Log in
@Oslec08

Paalam

`Oras ng pamamaalam ay narito na` `Ang mga luhang dumaloy’ pahiran na` `Paghikbing ikinubli’y tahimik na` `Sugat ay lamat na ang natira` `Pagsigaw na ikaw lamang ang nakaririnig` `Sa huling pagkakatao’y dinggin aking tinig` `Kung uulitin man ang buhay sa daigdig` `Ikaw at ikaw parin ang tinitibok nitong dibdib` `Sa ating pagtatagpo sa gitna ng langit at lupa` `Mga damdaming totoo - saksi ay tadhana` `Masalimuot na nakaraa’y hindi alintana` `Bagkus ang dulot’y katapatan sa’ting pagsasama` `Subali’t ang hibang na panaho’y nagtataksil` `Tanggap man ang nakaraa’y pawang nangingitil` `Ang lumipas’y hindi na kayang magpapigil` `Hinaharap ay kanya nang sinisingil` `Pilit mang sumuway sa agos ng mundo` `Pilit mang harangin tadhanang mapaglaro` `Nakagapos parin ang damdaming tuliro` `Kapos parin ang hinaing sa pagbabago` `Bawat sandali’y napukaw ang mga damdamin` `Sa isang iglap lang’y dadalhin ng hangin` `Gaano man kahigpit ang yakap’y kukulangin` `Pagbitiw sa pag asang isa’t isay maangkin` `Mabibigat na hakbang papalayo` `Unti unting nawawasak damdaming gapo` `Ang kirot sa pag lingon ay hindi na nabuo` `Pagka’t tanggap na, wala nang tayo` `Walang magawa kundi magbalik tanaw` `Mga ala-alang naging ako at ikaw` `Sa sandaling panahon na damdami’y napukaw` `‘di mapantayang ligaya ang nangingibabaw` `Paalam – kaibigan, katipan, at kasintahan` `Salamat sa munting paraisong ating pinagsaluhan` `Madilim na kaluluwa’y iyong nahawakan` `Nagkaron ng pag-asang tanggapin ang kinahinatnan` `Kapag ang panahon ay umayong muli` `At kung ang tadhana’y hindi na magkukubli` `Asahan mong sa bawat sandali` `Hihintayin kita na may ngiti sa mga labi`

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.