The Reason Behind: Why Do I Want To Be A Lawyer.

12 582

Bata palang ako madalas ko nang ininiisip kung para saan ang mga abogado at kung ano yung mga ginagawa nila, kung bakit nila kailangang ipagtanggol ang mamamayan at kung bakit kailangan nila tumayo sa korte para magdefend ng mga tao kung kaya naman nilang dipensyahan ang sarili nila.

Grade 1 ako, weeks before kami umalis ng manila ay pinagsamantalahan ako ng asawa ng ninang ko. Tawagin natin siya sa pangalang tatang, close si tatang sa family ko at sa lahat saamn, madalas rin syang tumulong kapag nangangailanan kami lalo na kapag walang-wala yung pamilya namin, kapag nagsisimba sila nanay at daddy ay iniiwan nila ako kila tatang para matulog at mabantayan.

Walasila nanay nun, nakay kila tatang ako at natutulog nang mag maganap na kahit kailan at diko gugustuhing maulit at manare sa iba, na kahit kailan ay diko gugustuhing balikan at maalala.

Bata palang ako nun, sobrang bata ko pa ng dinanas ko yung bagay na nagpamulat sakin sa lahat, takot, pangamba, pandidiri...lahat.

In my previous article nabanggit ko na never kong nafeel na kabilang at isa ako sa family namin diba? So isa to sa naging reason para walang makinig saakin.

After mangyare yun, umiiyak ako. Tinanong nila ako kung bakit ako umiiyak, pero di ako makasagot. Sinabi ni tatang na naglalaro lang daw kamiat inaasar lang nya ako. That time di ko naprotektahan sarili ko, that timenever ko nasabi yung side ko. Bago kami umalis, sinabi ko kila nanay yung nangyare at nagtataka sila kasi daw paano gagawin ni tatang yun eh ang bait niya saamin?

Wag daw akong gumawa ng kwento, ang bata-bata ko pa daw napakasinungaling ko na. (A/N: never ako nagsinungaling lalo na at pinapagalitan ako kapag nagsisinungaling ako).


So bakit ko nga ba gusto maging abogado?

Ang daming pumapasok sa isipan ko, like bakit ko naranasan yun nung bata ako, kung bakit walang nakinig at naniwala saakin at kung bakit di ko manlang nagawang maprotektahan sarili ko lalo na at ang bata ko palang nun.

May naging kaibigan ako, minolestya sya ng lolo niya, nung nalaman nya na pareho kami ng pinagdaanan ay nagkwento rin siya. Dalawa sila ng kapatid nya yung ginalaw ng lolo nya, pero nag presinta sya kasi bata pa yung kapatid niya. Nakulong naman ang lolo nya at nakamit nila ang hustisya, kahi na may katagalan ang proseso pinakaimportante dun ay nabigyan sya ng katarungan.

Guto ko maging abogado kasi gusto kong maging boses para sa mga kabataan na hindi nakakamit ang kanilang hustisya, naranasan ko nang hindi pakinggan, naranasan ko nang hindi panigan. Ang bigat sa pakiramdam na hindi ka pakinggan at ang bigat isipin na walang naniniwala sayo. Ayan yng bagay na ayaw kong marinig at maranasan nila, ayan yung bagay na ayaw kong makitang hinihingi ng iba. Ang hirap masaydo sa sitwasyon ko kapag hindi nakikinig yungsinasabihan o at iisiping gumagawa kalang ng kwento.

Masakit sa damdamin ko makafinig ng kahit ano na walang nakikinig sakanila, pakiramdamko nakikita ko yung saliri ko sakanila na never pinakinggan at never may nakinig. Dyan palang gusto ko malaman nia na adnito ako, papakinggan kita.

Gusto kong maramdman nila na may kakampi sila, gusto ko mafeel nila na may naniniwala sakanila at may naninindigan sakanila, yung ilang taong pananahimik ko medyo nakakabigat ng loob dahil nga sa mga naranasan ko na halos ayaw kong maalala.

Lahat tayo nagahahanap ng karamay diba? Lahat tayo naghahanap ng kakampi at lahat tayonaghahanap ng makakapitan at masasabihan, pero paano kung wala? Para tayong halaman na matapos itanim pababayaan nalang hanggang sa malanta.

Lagi ko sinasabi sa sarili ko na pag naging abogado ako, sasamahan ko sila sa hirap at ginhawa, di na importante saakin kung mayaman o mahirap man ila. As long na makakatulong ako. Ayaw ko ring kumampi sa masama, ayaw kong kumampi sa taong puro sarili lang. Kamusta yung mga taong nagpakamatay at binawian ng buhay saka pinaslang ng mga taong malalapit sakanila at kahit di kilala? Ang lungkot isipin nun na kahit sa konting paraan, d sila nakahingi ng tulong o di manlang nakapagsalita, ang daming di nakakuha ng hustisya. Andaming walang nakakuha ng hustisya, at mababaon lang sa hukay. Ang daming nangyari na ganyan.

Ayaw na ayaw kong makarinig ng taong umiiyak habang sumisigaw ng katarungan..ang sakit masyado sa puso nun. Kaya kapag maabot ko yung pangarap ko, itatatak ko talaga sa sarili ko na tutulong ako, sa kahit anon paraan at lagay.

Di ako titingin sa estado ng buhay, dahil di ako kukuha ng ganitong kurso at di ako magpapakahirap para lamang magpayaman. Gagawin ko to, para sa mamamayan.


Latest Articles:

Date Publish: 1/30/21
Originally By: OfficialGamboaLikeUs

5
$ 0.93
$ 0.86 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
$ 0.02 from @mommykim
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

[Removed comment]

$ 0.00
3 months ago

I recently read an article and realized that whistleblower attorneys play an important role in the legal system because they protect and represent individuals who have reported fraudulent or illegal activities in their workplace. One of the major benefits of hiring https://federal-lawyer.com/whistleblower-lawyers/qui-tam/ a whistleblower attorney is that they understand the complex laws and regulations that govern whistleblower cases. They can guide their clients through the legal process, ensuring that they receive proper protection under whistleblower laws.

$ 0.00
4 months ago

Goodluck sa career na pinili mo.. Sana maipasa mo yan 😊

$ 0.02
3 years ago

salamat ateeeee

$ 0.00
3 years ago

kaya marami nag kaka depression kasi hindi sila pinapakinggan...siguro kong naging kaibigan kita..maybe I would bombard you with many questions..ganyan ako sa mga kaibigan ko

$ 0.02
3 years ago

totoo ate, kahit na gusto mong pakinggan ka kung dika naman papaniwalaan wala rin

$ 0.00
3 years ago

it takes a lot of trust rin para mag open up ka sa mga nararamdaman mo...

$ 0.00
3 years ago

true ate, kasi ang daming apasok sa isip mo na what if walang makinig? mgaganyan

$ 0.00
3 years ago

diyan na pumapasok ang kawalan mo nang self confidence kasi always doubtful ka...we've been through that stage in life also..me to be precise

$ 0.00
3 years ago

parang mas pipiliin mo naang rin manahimik kasi for us ealang maniniwala e. ung iba tatawanan kapa saka gagawing biro lahat

$ 0.00
3 years ago

true..so kung may problema ka man...pede mo naman ako i mention..i'll always have ears to my friends who seems voiceless

$ 0.00
3 years ago