Panyo Written by OfficialGamboaLikeUs

10 50

Republic Act No. 8293, PLAGIARISM IS A CRIME

Panyo

Written by: @OfficialGamboaLikeUs

"Nais ko sanang ibigay ito sayo". Ani ni Rafael sa kaniyang minamahal. Labis ang gulat ng babae ng ilaan ni Rafael ang sinasabi nito, isang panyo.

"Mahal, iyan ay iyong paborito! Ikaw ba ay talagang sigurado?" Gulat na sagot ni Amanda na parang naninigurado. Marahang ngumiti si Rafael at inilagay sa kamay ni Amanda ang panyo. Tiningnan nya ito sa mata na ultimong nag papaalam.

Walang kaalam-alam si Amanda na si Rafael ay may sakit at nalalabi nalang ang kaniyang araw, ang alam lamang ni Amanda ito ay mag babakasyon dahil sa isang aprobadong trabaho.

Niyakap ni Rafael ang kasintahan ng mahigpit at pinunasan ang luhang nag babadya nanamang bumuhos.

"Mahal, babalik ka di'ba?" Inosenteng tanong ni Amanda, ningitian lamang eto ni Rafael at sabay na naglapat ang kanilang mga labi.

Lumipas ang araw at umalis si Rafael, wala paring kamalay-malay si Amanda na ang tao niyang minamahal ay binawian na ng buhay.

Lumipas ang buwan, wala ni isang paramdam galing kay Rafael na natanggap si Amanda. Labis itong nangamba at nalungkot na baka may nangyareng masama sa kaniyang kasintahan. Sa kagutuhang malaman ang lagay ni Rafael ay pumunta ito sa mismong bahay nila, pag dating niya'y kaniyang naabutan ang ina ng lalakeng iniibig.

Labis ang kaniyang pag kagulat ng ito'y makita. "Inang, maaari ko bang malaman kung Kamusta si Rafael?" Subalit, imbes na sagutin ito ay kaniyang tinitigan. Walang sabi-sabi ay agad na pumasok ang ale sa loob at lumabas na may dalang liham.

"Iha, basahin mo iyan pag kauwi mo" ani ng ale. Agad nakadama ng di maganda si Amanda pero pinilit niyang kumalma. Nang siya ay makarating sa kanilang bahay ay agad niyang binasa ito.

"Mahal, alam kong ito ay iyong mababasa kapag ako ay wala na. Kapag ako ay pumanaw na, patawad at aking inilihim. Di ko lamang gustong makita na ikay nahihirapan kaya aking sinabi na ako'y mag tatrabaho lamang. Mahal wag na wag kang iiyak, sapagkat labis kitang minamahal. Sana ay maging matatag ka na ngayon ay wala na ako".

-The End-

My original post: https://www.facebook.com/doraemon.0407/posts/1290594911316391

Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

5
$ 0.91
$ 0.86 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Jane
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

Mahilig din pala kayo sa paggawa ng dagli, nakatutuwa. buhay pa rin ang panitikang Filipino.

kilala mo pa kaya ako kahit bago na'tong pangalan ko.

$ 0.00
3 years ago

Ano old name mo?

$ 0.00
3 years ago

Ok lang po ba e mention 'yon dito. Anyways supporter n'yo po ako.

$ 0.00
3 years ago

Opo okay lamg po para maalalanko po

$ 0.00
3 years ago

Sabi nila pag binigyan ka o niregaluhan ka ng panyo yung taong nagbigay sayo nun ay paiiyakin ka. Sa story mo totoo nga yung kasabihan na yun. kaya ayoko talaga panyo nireregalo o binibigay sa akin e.

$ 0.00
3 years ago

oo, hinango ko sya sa totoong kwento g buhay. nakakalungot lang kasimay mga pumapanaw na di aware yng mahal nila

$ 0.00
3 years ago

How are you related to @Laurencuuu?

$ 0.00
3 years ago

He’s my upline 4months ago, and upline ko parin until now.

$ 0.00
3 years ago

Oh... Both kyo mahilig sa doraemon 😅

$ 0.00
3 years ago

No idea ako na mahilig sya sa doraemon, shock ako sa new acc nya na laurencuu nung nakita ko na si doraemon pp nya, dummy acc kasigamit nya sa gc kaya no idea kami kung ano talaga realname niya 🤣

$ 0.00
3 years ago