So I saw this article from @bheng620. So mine is a tagalog version, medyo dugo utak ko sa english ngayon.
Naaalala ko pa, nung araw na wala pa akong muwang, mistulang batang natutuwa sa aking nga nakikita. Sa murang isipan tanging hangad ay kaligayahan, ngunit pinagkait ng mundo ang simpleng kahilingan.
Naaalala ko pa, nung panahon na kasama ko pa siya. Bilang isang ate, akong bunsong kapatid ay kaniyang pinagtatanggol, oras saakin ay ginugugol. Kahit madalas syang mapagalitan ng aking ina, hindi niya ito pinupuna. Para sakaniya, akong kapatid ay mahal niya talaga.
Naaalala ko pa, nung panahon na pinagtulakan mo akong palayo. Sabi mo, dahil saakin nasira ang pamilya mo. Ate, hindi ko sinasadya. Kung ako ang dahilan ng inyong pagkakawatak, aking tatanggapin dahil ako'y huli lamang naparito sa mundo.
Naaalala ko pa, nung sinabi mong mahal mo ako at iyong ipagtatanggol. Pero bakit? Ngayong nakakausap mo ako, ni kamusta hindi mo magawa.
Naalala ko pa, nung hinanap kita ng ilang taon dahil umaasa akong makikita ulit kita. Na mapagmamasdan ang iyong nga ngiti, ngunit hindi ka natuwa. Nagalit ka pa, nang dahil sa ginwa ko ay nagsisi kapang iisa tayo ng ina.
Naaalala ko pa, nung sinabi mong aalagaan mo ako. Pero ate, saan nag mumula ang galit sa iyong puso? Bakit labis mo akong kinamumuhian? Ako ba ay may nagawa? Kung mayroon man, sana'y iyong sabihin.
Alam kong napakadami ng katanungang nasaiyong isipan, mga bagay na hindi mo maintindihan..oo ako rin. Andami ko ring katanungan, mga palaisipan kung bakit lahat ng pwede, ay puro nalang "sana".
Puro nalng hiling, puro nalang imahinasyon. Madalas sa isipan mo tinalikuran kana, pero hindi. Ni minsan, wala sa isipan naming talikuran ka. Kung umalis man kami ng hindi mo nalalaman, maski ako rin nabibigla.
Pasensya na ate, kung may bagay kang gustong malaman na ipinagkait sayo ng tadhana. Pero sana, hindi yan maging rason para ako ay di mo gustuhin.
Mahal naman kita, mahal na mahal kita. Hindi ko kayang magdamot sayo, kahit rin ako sinisisi ko ang aking sarili. Nang dahil saakin, nasira kayo. Nang dahil saakin, nahihirapan ka ngayon. Ate, pasensya. Masyado pa akong bata para maintindihan lahat nung ako'y nagigising pa lamang sa mundo.
Hindi naging mulat agad ang aking diwa, sarado ang diwa ko pero paulit-ulit kitang hinahanap. Sarado ang diwa ko, pero paulit-ulit kita gustong makita.
Ate, patawad. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal parin kita. Kahit minsan mo ba akong pinagtulakan.
AUTHOR'S NOTE
Padrama muna ako, medyo may kabigatan kasi naradamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko fin alam kung anong dahilan. Malungkot lang ako, di ko malaman yung kasagutan.
9-15-21
By: OfficialGamboaLikeUs
Somerimes we just need some peace of mind in order to forget the sadness but I know that it's only temporarily but stilll. Peace of mind is the best suited in situations like this😊