"Guro Ko Nung Ako'y Elementarya"
Mundong pabago-bago na sumasabay sa panahong hindi alam kung problemado, madalas namin marinig ang mga sigaw niyong minsan ay sinasabi na kami'y sakit sa ulo.
Pero hindi kami nakikinig dahil dahil di namin dama ang pakiramdam niyo, tatawanan at hahayaan lang, kami pa nga ang dismayado.
Madalas kayo nakatalikod sa pisara at nagsusulat nang araling dapat namin masaulado, magbabato ng tsalk kapag naaabutan mong kami ay natutulog.
Eraser sa mukha kapag sa katabi kami ay istorbo, isa to sa mga masasayang alala na aking naranasan sa elementaryang buhay ay puno ng halakhakang palo ang premyo.
Dalaga at mga binata na ang estudyante mong minsang naging parte ng buhay niyo, kadalas magtatanong kayong, "Kamusta na kaya si ganito?" Naaalala pa kaya ako nito?
Kay saya ng alaalang minsan nang naging bahagi ko, buhay sa elementaryang guro ang mukhang pamilya ko.
Ako'y natatawa sapagkat ang sarap balikan ng minsan nang bumuhay sa pagkabata kong may palo ng magulang pagpasok sa loob ng bahay.
Dito na mag tatapos ang unang suliranin na ipinamagatang, "Guro Ko Nung Ako'y Elementarya"
"Highschool daw ang pinakamayang bahagi ng pagdadalaga at pagbibinata, ngunit sa highschool mo rin nararanasan ang ng pwede sayong ikutya."
Ang susunod na tula, ay Para ito sa isang guro na naging bahagi ng buhay ko nung ako'y highschool pa lamang, siya yung nagpapalakas ng loob ko at tila naging magulang ko kahit hindi ko siya naging teacher.
"Ma'am Pormilos"
Madalas ako nauuna sa paaralan, wala pang tao ako'y nasa harap na ng silid-aralan.
Hinihintay ang mga kaklase at guro kong buksan ang pintuan, habang tumatanaw sa kapaligirang puro berdeng dahon ang nagsasayawan.
Kukunin ang selpon sa bulsa at magheheadset sabay upo sa harap ng pintuan habang nilalamon ng musika ang aking kaisipan, sa batang edad madalas ako maging mapag-isa at walang kaklase na gusto ako samahan.
Maya-maya pa ay lalabas ka ng iyong silid aralan at sasalubungin ako ng ngiting bumabati ng "Magandang umaga", sabay ngiti ko pabalik at sambing ng "Good morning ma'am".
Madalas mo akong yayain sa loob ng iyong silid-aralan dahil ako'y nagiisa palagi dahil maaga ang aking datingan. Madalas rin akong tumanggi di dahil sa ayaw ko kundi dahil ako'y may taglay na kahihiyan.
Isang araw ay nakita mo akong nakaupo sa harap ang aming silid at nakatingin sa mga kaklase kong masayang nakikipagkwentuhan, ako'y kinalabit mo at tinanonv kung bakit ayaw kong makisali sa kanilang usapan.
Madalas ngiti ang sagot ko sayo, sabay sabing "Wala lang po". Pero ngingitian mo lang ako at kakalabitin, sabay mong sasabihin na "Ayos lang yan, di ka iba sakanila".
Nung moving-up ako ay iyong niyakap, sabay sabing "Congratulations, padayon lang", hinalikan mo pa ako sa noo na parang isang anak sa pananaw mo.
Unang beses na akin iyong naranasan, ang sarap sa pakiramdam gawa ng hindi mo ako iniwan kahit iba na ang aking baitang.
Ang mga aral mo ay naiiwan pa rin saaking isipan, kung saan nagmumula ang respeto kong sa iba ko rin pinapamigay.
Maraming salamat Ma'am Pormilos, dahil ikaw ang nagbigay ng lakas ng kalooban nung di ko alam ang aking paroroonan.
"Para Sa Lahat Ng Guro"
"Ipasa niyo to sa ganitong oras"
"Umayos kayo hindi na kayo bata"
"Lumalaki ba kayong paurong?"
"Kami ang pangalawang magulang niyo"
Madalas natin to marinig lalo na sa mga guro natin, minsan nga napapahawak pa sila sa ulo nila kapag di na nila alam kung paano tayo pangangahawakan. Di rin nila alam kung susukuan ba nila tayo o pagtitiisan, parang magulang diba? Kulang nalang makatikim tayo ng palo wag lang maging pasaway.
Napapangiti lamang ako kapag sinasalubong ako ng mga alaala noon, hindi ko mawari kung gaano kasaya pero madalas yung ngiti ay ayaw akong iwanan.
Alam ko minsan kami ay sakit sa ulo, hindi nakikinig sa mga payo niyong para saamin rin mismo, patawad kung kami ay ganito. Pero lahat ng aral at inyong sinasabi ay nakatatak mismo sa isipin naming mga estudyante niyo, mga pagpapangiti at pagpapasaya na idinulot niyo huwag lamang kami madismaya sa pagtuturo niyo.
Alam namin minsan na puro kami reklamo, yung iba saamin gusto kayo at yung iba ay kinakaayawan kayo. Hindi lahat ng estudyante ay pare-pareho, pero lahat ng pangarap niyo para saamin ay iisa at gusto niyong makasigurado.
Hindi niyo kami kinokonsente kapag alam niyong mali ang resulta ng aming mga gagawin, itatama niyo kami kahit sumama pa ang loob namin.
Madalas ng ibang sabihin, "Akala mo naman kung sino, samantalang ganito lang magturo"
Pero gusto naming malaman niyo, na lahat kami sainyo ay saludo. Pahahabain niyo ang pasensiya niyo kapag kami ay wala sa huwisyo.
Maraming salamat sa walang sawa niyong pagsuporta, mahal namin kayo kahit kami ay mga pasaway sainyo.
Sa pagtatapos nito, gusto kong malaman niyo na kayong guro ang naging pangalawang magulang namin.
Kakamustahin kami, at isisigurado niyong nasamaayos lamang kami. Hindi niyo iiwan at pababayaan, gagawin lahat para maging maayos rin.
Salamat, dahil sainyo...nakarating kami sa kung saan at ano man kami ngayon.
Author's Note
Jusko mga sis, nung sinabi kanina kung magkano yung isang karton ng Althea napaisip tuloy ako if gagawa ako ng new acc or magsstay dito. Wala akong balak gumawa ng new acc pero dahil sa mga gamutan at need ko inumin ay mukhang kakailanganin. Wala pa akong buong desisyon, ayaw ko iwanan account ko dahil hindi naman ako spam o ano. Ayun lang problema ko yung mga gamutan talaga.
400 per box ng Althea, at may iniinom pa akong provera na tag 88php isa. Ang gulo ng isipan ko mukhang kailangan ko ng desisyon 🤣.
10-6-21
Ang galing mo naman mag tula sis. Tuwang tuwa siguro ang mga guro sayo kapag nagtutula ka.