Ikaw Pa Rin (Chapter 3)

23 75

Ang kwentong ito ay gawa-gawa lamang at hindi hango sa totoong kwento ng buhay, ang mga pangalan ng tauhan, pangyayare at ng lugar ay kathang-isip lamang. Wala sa alinmanto ang tumatayo sa totoong kwento pangyayare sa buhay.

A/N: Nainspired lang ako sa ganitong kwento hango sa mga naoobserbahan at napapanood ko. Iyak well!


Title: Ikaw Pa Rin
Genre: Romance, Drama.
Chapter 1: "Ikaw Pa Rin" (Tagalog Fictional Story)
Chapter 2: "Ikaw Pa Rin" Chapter 2


Nang matapos angtrabaho ko ay dumeretso na ako ng bahay, hanggang ngayon ay palaisipan parin saakin kung bakit andito siya, kung siya yung boss ko edi dapat may sariling bahay siya diba? Pero anong ginagawa niya sa harap ko?

"Baby naman, di kana dapat nag-abala pa", biglang napakunot ang noo ko nung may marinig akong boses ng babae sa sala. Teka, sino yun?

"Alam mo namang mahal kita", sagot ng boses lalake na tila kilala ko na kung sino. Napairap nalang ako ng marinig yung usapan ng dalawa, 'so balak niyo maglabing-labing habang andito ako?

Nang makadama ako ng gutom ay bumaba ako para sana kumuha ng pagkain ng nakita ko silang naghahalikan, so tutuloy pa ba ako o wag na?

Isinawalang bahala ko nalang sila ay tinuloy yung pagbaba ko, eh sa nagugutom ako alangan mang magpagutom ako dahil sakanila? Swerte naman kung oo.

"Baby may tao," Rinig kong sabi ng babae,

'syempre girl, di naman ako multo.

"Hayaan mo yan baby, katulong lang yan", biglang sagot ni Wilfred dito, bigla akong napatingin at gulat na gulat. Napakaganda kong katulong,grabe.

"Ay baby, ayos. Paluto ka nagugutom na ako", pabebeng sabi nito. Nag-iinit ang ulo ko, pero di naman ako nakareact agad. "Hoy, narinig mo naman diba?", sambit nito, halos napanganga lang ako at walang lumalabas na boses sa ibibig ko, g*g* ka ba? Ako? Ginawa mong katulong?!.

Wala akong nagawa, di ko nagawang magreklamo. Kusang kumilos yung katawan ko papunta sa kusina na animo'y di nakaramdam ng gutom.

'Victorina naman, papaalipin kaba?

Iritable akong nagsalang ng kawali upang magluto, lumilitaw isip ko ngayon. Parang ang bigat sa pakiramdam ng mga nangyayare, di ko maintindihan.

"Baby grabe ka naman sa katulong mo", rinig kong sabi ng babae dito. Mukhang walang idea to kng ano kami ni Wilfred noon.

"Baby okay lang yan, ako naman nagpapasahod eh." Sagot nito, bigla akong napapikit sa sinabi niya, so pati sa bahay katulong mo na ako? Secretaryna katulong pa?

"Oo nga baby, kadiri sila kasi mga hampas lupa." Sagot naman ulit ng babae dito na naging dahilan para mapintig ang tenga ko.

'Sarap mo lasunin girl .

Sa sobrang inis ko ay nakalampag ko ang kawali ng di sinasadya at lumikha ng sobrang lakas na ingay na parang nagdadabog. "Ay tinamaan ata", mahinang tugon nito.

Ayaw ko sa gulo kaya pinapakalma ko nalang yung sarili ko pero yung totoo gigil na gigil na ako. Makasalita ng hampas lupa, mas mukha naman syang hampas lupa sakin.

Iwinaglit ko sa isip ko yung sinabi niya at kumain na, after ko kumain ay aakyat na dapat ako at bigla akong tinawag nito. Para tarayan, oo para lang tarayan.

"Hoy, ikaw lumugar ka kasi katulong kalang dito." Sambit nito saakin na nakataas pa ang kilay Di ko to pinansin at tinalikuran pero parang kulang-kulang ata isip nito. Aba'y bigla ba naman hinablot kamay ko sabay lagay sa ulo niya at nagsisisigaw.

"Ano ba? Tumigil ka nga!." Sigaw ko dito na dahilan para matulak ko siya ng malakas.

Natumba naman ito at saktong paglabas rin ni Wilfred sa kwarto niya, napatingin ito saakin na nanlalaki ang mata at agad na nilapitan yung babaeng kasama niya.

"Alam mo ba ginagawa mo, Victorina?!" Galit na giit nito. "Oo alam ko!, Bakit tingin mo ako gumawa?!" Sigaw ko pabalik dito.

"Eh sino paba gagawa? Multo?!", galit na sigaw nito. Bigla namang uiyak yung babae saka niyakap siya. Bigla nalang ako nakadama ng bigat, naalala ko noon ganito rin ung nangyare. Halos di niya pinaniwalaan pageexplain ko.

Di ako makaimik, alam ko pagnagsalita ako ay maiiyak ako. Sobrang bigat sa pakiramdam na parang di niya ako magawang pakinggan. Gusto ko lang naman sabihin yung side ko, pero ang hirap.

"Di ka nagbago." Huling salitang binitawan niya bago sila pumasok sa silid. Naiwan nalang ako sa harap ng hagdan kasabayng pagtulo ng luha.

'Mali ka Wilfred, di mo alam yung naramdaman at pinagdaanan ko nung dinadala ko yung munting anghel natin. Halos parang bulong sa hangin sa lahat, sa hangin ako kumakausap at ikaw yung hangin na di ko alam kung naririnig mo ba ako...

Itutuloy.....


Here's chapter 3! Sorry medyo natagalan. Inisip ko pa kung ano magandang ilagay, mas prefer ko kasi yung masakit sa dibdib AHAHAHAH.


Latest Article:


Thank you so much @carisdaneym2 , @wrabbiter , @ExpertWritter , @Dm, @Janz , @Caroline17 , @Winx1988 , @Jane for upvoting my last article. May god bless you all :).

Also special thanks to @gerl , @ExpertWritter , @carisdaneym2 , @Zhyne06 , @Marinov , @Caroline17 , @Janz , @Loveleng18 , @bheng620 , @Dm, @JRamona20 , and @Winx1988 for keeping me entertain at the comment section. I love you all! Godbless!.

@Loveleng18 5 days nalang :)

Date Published: 7-9-21
Originally By: OfficialGamboaLikeUs

10
$ 16.12
$ 15.95 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @bheng620
$ 0.05 from @ZehraSky
+ 3
Sponsors of OfficialGamboaLikeUs
empty
empty
empty

Comments

Thank u po sa pgmention po ulit d2 sa akin, mzta na po kau? Nkakita po ba kau jn sa inyo ng sambong o paragis po?

$ 0.05
3 years ago

oo te HAHAHAHA ayun daw ung pinainomnila sakin na nilaga nila nung nagkaUTI ako jusko

$ 0.00
3 years ago

Gnun po ba, lol, preho pong gmot sa UTI ung sambong n paragis po n tlga pong epektibo po yan

$ 0.00
3 years ago

Hello dear! Maganda ang storya kaso di ko pa nabasa ang previous chapters. Hihi! Babasahin ko muna kasi gusto ko tong subaybayan. Thanks nga pala sa tag. ☺️

$ 0.05
3 years ago

hi ateeee, nabasa mo naba?

$ 0.00
3 years ago

Hello! After ko gumawa ng modules babasahin ko.

$ 0.00
3 years ago

take your time pooo

$ 0.00
3 years ago

Why naman nakakaiyak Sis 😢😢 Why naman laging babae ang nasasaktan😢 Grabe ang ginawang pag titimpi ni victorina sa dalawa . Hampas Lupa grabe yung babae,hindi niya ba inisip yon bago siya magsalita ng ganon yung lalaki naman hindi na mahiya. Harap harap ginagawa niya yon.. Mas lalo akong nalungkot don sa part na nagdadalang anghel siya😢

Kaso bitin kaya aabangan ko yung next chapter nito.. Shakkiiiitt grabe tibay ng puso niya para pagtimpiin yung lalaking walang respeto sa babae.

$ 0.05
3 years ago

lag rin kasi babae naaagrabyado te eh. minsan ung ibang lalake ayaw pakinggan side natin kasi kung ano tingin nila yun na.

$ 0.00
3 years ago

Nakakatawa naman to, pero gusto ko yong story kasi palaban ,ayoko yong storya na masyadong inaapi,hehe kasi ,abang ako sa next page nito.pwede mo rin haluan ng comedy,hehe

$ 0.05
3 years ago

salamat ate, tatry ko syang imore on comedy pero nakakiyak parin HAHAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Nako bitin ulit hehehe, pero okay lang rooting for the next chapter haha 👏

$ 0.05
3 years ago

gawinko bang mas nakakaiyak? AHAAHAH

$ 0.00
3 years ago

naks, parang may pinagdadaanan ka dear ahh hehehe pero anyways galing ng imahinasyon mo

$ 0.00
3 years ago

imagination is the key HAHAHAHA, gagawin ko syang comedy pero more on drama

$ 0.00
3 years ago

gora gora dear, excited here hehehe

$ 0.00
3 years ago

Para kong nagbabasa ng wattpad story kaso bitin haha katulad din nun pag ongoing palang nagaantay ako ilang araw para sa kasunod. Anyway feel ko maganda magiging flow ng story lalo na may anak pala sila hehez. Thankyou so much again hehez nag count down kana talaga 😅 nakakahiya.

$ 0.05
3 years ago

salamat sa pagbabasa, nagiisip ako kung gagawin ko ba syang mas nakakaiyak HAHAHA

$ 0.00
3 years ago

Maybe nakakakilig na nakakaiyak 😁

$ 0.00
3 years ago

noted HAHAHAH

$ 0.00
3 years ago