"Gising: A Spoken Poetry Related to "Upuan By Gloc9"
"Tay, gutom na ako.", Niyakap ko ang limang taong batang nasaharapan ko habang nag-iisip ng gagawin. Gutom na sila, walang laman ang kaniyang sikmura mula pa kaninang umaga. Sinusubukan ko maghanap ng mapagtatrabauhan, wala akong makita. Lagi akong sinisipa, tinataboy at binubuhusan ng tubig.
Gusto ko lang namang magtrabaho.
"Anak, maghahanap si tatay ng pagkain, dito lang muna kayo. Pasensiya na, kung wala akong maibigay na pagkain para maibsan ang gutom niyo" At hinalikan ang noo niya.
Leni Sobredo para sa presidente!.
Iboto nyo po si ano! Maraming matutulungan yan!
Buti pa sila, may sapat na pagkain. Paupo-upo lang, magpapakita ng magandang loob para may mauto, magpapakita ng kabutihan para may bumuto.
Di niyo ba nakikita ang nangyayare sa bansang ito? Sa likod ng mga mansyon na inyong tinutuluyan, ay may mga taong halos mamatay-matay na dahil sa kahirapan.
Pilit na naghahanap ng kasagutan, pagkain na sasagot sa kalamnan. Kahit galing sa basurahan ay kanilang kakainin, mapunan lang ang gutom na nararamdaman.
Panis na kanin na sa lamesa ay nakahain, isang simpleng salo-salo na sardinas lamang sagot para sa sikmurang humaharurot dahil sa kagutuman.
Kayong nasaupuan, may mga masasarap na nakahain. Sa resto na inyong pinapatunguhan ay may mga bata sa lansangang nakatingin sa binatana't nasa inyong harapan.
Mamahaling sasakyan, alahas na kumikinang, malalaking kabahayan..yan ang pangarap ng taong mga lansangan.
Kayo ay nakakarinig, sigaw ng sambayanan na tulong sana upang sila'y makaahon sa kahirapan. Pero sagot niyo sakanila ay katahimikan, papatayin sa liblib sa lugar at di na masisikatan ng kinabukasan.
Ang dumi ng inyong mga kagagawan, mistula kayong bulag sa kawalan kung saan nakasara ang mga pintuan. Walang maliwanag na dahilan kung bakit pati sa pera na para sa mahihirap ay nagagawa niyo pang nakawan.
Ang dumi ng inyong kagagawan, walang matinong kasagutan sa tanong bakit puro kurakot ang nakakaupo sa gobyernong hatid dapat ay tulong sa sambayanan?
Ang dumi ng inyong kagagawan, walang tamang kasabihan kung bakit sa likod ng mga ito ay ang galing niyong mambola malinlang lang ang ulo ng sambayanan?
Pandemiya, siyam na letrang tumapos sa kabuhayan ng iba, sumisigaw sila ng hustisya masagot lamang ang bawat tugon ng isa sakanila.
Pandemiya, siyam na letra kung saan naging doble ang hirap na nararamdaman ng bawat isa. May tulong galing sa kataas-taasan? Pero nasaan? Napadpad lamang sa mga lider na ugali na ang magnakaw.
Kung inyong mararapatin, buksan sana ang inyong paningin upang makita ang nangyayare na hindi nakapiring. Dahil kahirapan ay kinakain na mismo ang utak ng mga taong humahawak na sa patalim.
Sa totoo lang, tong spoken poetry na to ay pabalik-balik sa isipan ko mga ilang araw na since isailalim ulit nila sa alert level ang ibang lugar dito sa pilipinas.
Bawat linya ay tumutukoy mismo sa kahirapan at sa mga bagay na nangyayare sa lahat.
Sa totoo lang isa lang nasaisipan ko, karamihan sa gobyerno, sa taas ng gobyerno di nila naiisip yung kahirapan na nararamdaman ng bawat isa sa lipunan. Di nila nakikita kung pano yung pinagdadaanan ng bawat isa, I mean is di sila aware at kahit aware sila di nila pinupuna kasi diba? Wala naman sila sa pwesto nung nakakaranas.
Ang daming panukala, hindi pa natutupad yung ganitong bagay may bago nanaman. Kapag nakikita nilamg malaking kitaan ang meron sa karamihan, may mga bagong idea silang nabubuo sa isipan na dadagdag sa hirap ng karamiham. Kapag rin wala kang pera, talo kana.
Nakikinig ako ng song kanina tapos dumaan bigla sa playlist ko yung Upuan By Gloc9, bigla akong natauhan na yung lyrics niya is connected sa nangyayare ngayon. Di ko alam bakit pagdating sa ganitong bagay ang daming bulag, ang daming mga hindi malaman kung talaga bang parte sila ng gobyerno na dapat ay tutulong sa mga tao.
Nung isamg araw, magkausap kami ng kaibigan ko about sa mga bagay na she told me na pwede naman daw bigyan ng gobyerno ng trabaho yung mga mahihirap na naaayon sa kakayahan nila. Ako rin, kung ako tatanungin oo pwede, pwede magbigay ng trabaho yung gobyerno sakanila para kahit papaano ay mabawasan yung mga naghihirap sa mundo.
Pero di ganyan yung nanyayare, di lahat ng mahihirap ay magnanakaw. Di lahat na mahirap ay masasama, kung tutuusin mas mabuti panga sila kasi naiintindihan nila yung bagay na di maintindihan kunh sino mang nasa gobyerno, nasa taas.
Author's Note:
Sobrang nakakarelate ng song ni gloc9 pagkadating sa mga real talk rap niya, rap story telling at iba pa. Siya yung rapper na masyadong iaaim talaga rap niya eh π€£, ang tagal na mula nung huli kong napakinggan songs niya.
Even though medyo maliit ang chances, I am still hoping na yung mga susunod na uupo sa gobyerno, yung may malasakit sana and hindi lang nagfofocus sa power at wealth na pwede nilang makuha. Kawawa na ang mga kababayan natin samantalang yung supposed to be na nag-oorganize at tumutulong sa pag-angat ng bansa natin, paupo-upo lang, at inuuto tayo na may nagawa sila. Though, may nagawa naman but still not enough compared sa kung anong deserve natin. Anyway, I am not generalizing that all of the government officials are polpolitiko (you know what I mean π ), it's just that we shouldn't settle for less and next time, let's vote wisely for the betterment of our country.