read.cash
Login
Magulang
0
12
Written by
Nylydal
Nylydal
I'm a Libra
4 years ago
In
community
:
Filipino community Tagalog only
(07ea)
Madalas silang istrikto, mahigpit, puna dito puna doon, maraming bawal, daming utos, lagi ka na lang mali wala ka nang ginawang tama. Ano kaya ang dahilan bakit sila ganon? Hindi ba nila alam na nasasakal kana, na pakiramdam mo wala silang tiwala sayo, na ayaw ka nilang sumaya, na pabigat ka, na wala kang sariling isip para magpasya. Ang lahat ng yan ay dahil ikaw ang baby nila, ikaw yung matagal na nilang hinintay, wala ka pa sa mundo pinaghahandaan na nila ang pagdating mo, pinag-iipunan ka na nila, nagtatrabaho na sila upang may pantustos sa pagdating mo sa mundo. Ganyan ang mga responsableng magulang, hindi sila nakakaramdam ng pagod basta para sayo kaya masisisi mo ba sila kung sobra ka nilang protektahan, huwag kang magreklamo kung lagi silang nakapuna sa mga ginagawa mo dahil gusto ka nilang matuto ng tama. Trabaho ng magulang ang magwasto sa mali ng anak dahil hinahanda ka nila balang -araw ay magiging magulang ka rin at gagawin mo rin ang mga natutunan mong aral mula sa kanila. Mahirap magpakamagulang, hindi lahat biniyayaan ng puso upang maging mabuti sa kanilang mga anak, may ilan pabaya, iresponsable at walang pakialam sa mga anak. Pasalamat ka kung ang mga magulang mo ay may panahong pakialaman ka yun ay dahil mahal ka nila. Mahalin mo sila habang may panahon ka pa dahil hindi habang buhay nandiyan sila upang umalalay sayo. Isa silang magandang regalong bigay ng Maykapal.
1
$ 0.00
Written by
Nylydal
Nylydal
I'm a Libra
4 years ago
In
community
:
Filipino community Tagalog only
(07ea)
Comments
Register to comment