Join 73,639 users and earn money for participation

Nakakapagpabagabag na Pagkahabag: Si Tessie at ang Kwento ni Toto

11 47 exc boost
Avatar for Nyctofiles
Written by   78
2 months ago

K umakalam man ang sikmura ay may ngiti pa ring nakapinta sa madungis na mukha ni Toto habang akay-akay niya ang dalawang nakababatang kapatid na pumila sa rasyon ng hapunan. Ang kanilang ina ay abalang inaasikaso ang matutulugan ng buong pamilya mula sa donasyong mga kumot sa covered court habang ang kanilang ama naman ay nasa kanilang natupok na tirahan, nagbabakasakaling may makuhang mapapakinabangan pa.

Kasimbilis ng apoy kumalat ang balita na nasunog ang tagpi-tagpi at barong-barkng na kabahayan sa bayan ng Niktopilya nang bandang alas-tres ng hapon na nakaapekto sa 21 pamilya. Rumesponde agad ang otoridad pero dahil sa materyales ng mga bahay ay agad kumalat ang apoy at naging abo ang mga ito. Dumagsa rin ang mga nagbigay ng tulong at donasyon tulad ni Tessie.

Ang magkakapatid ay nakapila hindi para sa lugaw kundi sa kanin at ulam na adobong baboy na handog ni Tessie na siya mismo ang nagluto at nagsasandok sa mga nakapila. Ang kaniyang bahay ay may kalapitan lamang sa mga nasunugan at sa basketball court ,ilang kanto lang ang layo, kaya naman ay pinili niyang manatili sa evacuation center para mamahagi ng tulong at relief goods na mula mismo sa kaniyng bulsa at magbigay ng lakas sa mga nasalanta.

Si Tessie ay kilala sa kanilang baranggay bilang bukas-palad, mapagmalasakit at mahabagin. Siya rin ang parating lapitan ng tulong ng mga nangangailangan. Sa kabila ng karangyaan ay malapit pa rin siya sa mga tao, kahit na nasa laylayan pa man ng lipunan ang mga ito.

H inagupit ng Bagyong Roy ang bayan ng Niktopilya. Maraming kabahayan ang nasira at pamilyang naapektuhan, isa sa mga ito ang pamilya ni Toto. Malaki ang pasasalamat nila sa gobyerno at sa mga boluntaryong tumulong para sila ay makabangon gaya ni Tessie.

N'ong kasagsagan ng bagyo ay namamahagi ng makakain si Tessie sa evacuation center. Dahil sa kanya at sa iba pa ay nagkalaman ang sikmura ng mga lumikas. Naglunsad din ng donation drive ang ginang at ang kanyang nakalap na pagkain, mga damit, at mahihigaan ay agad din namang ipinamahagi sa mga naapektuhan.

Ang paaralang elementarya na pinapasukan ni Toto ay apektado rin. Nabagsakan ng isang napakalaking sanga na naputol dahil sa bagyo ang dalawang silid-aralan na nagdulot ng paghulog ng kisame at bubong. Ang klase sa dalawang kwartong ito ay ginanap na lamang sa stage ng paaralan at multi-purpose gym. Salamat sa tulong ni Tessie ay nagamit ulit agad ang dalawang apektadong silid-aralan. Ipinaayos niya ito para sa kapakanan ng mga estudyante at kalidad ng edukasyon.

H indi makapasada ng tricycle ang tatay ni Toto at ang kaniyang ina naman ay tumigil naman sa pagtitinda ng gulay sa palengke dahil sa pandemya.

Lumapit ang ina ni Toto kay Tessie at humingi ng pabor kung pwede maging labandera. Kahit hindi kailangan ay pumayag ang ginang para makatulong na rin. Dahil sa paglalabada ay may nakakain sa araw-araw ang kanilang pamilya. Sapat naman ang pinapasweldo ni Tessie at madalas ay may pabonus pang groceries.

Naglunsad din ng community pantry si Tessie para matulungan ang baranggay. Kahit na ang taga-ibang baranggay sa kanilang bayan ay dumadayo para rito. Mabilis maubos ang mga pagkain sa pantry kaya araw-araw niya itong pinupuno mula sa sariling pera. Nagbibigay din ang ginang ng load para sa mga mag-aaral na may online class.

Marami ang nababagabag sa pagkahabag ni Tessie. Napapansin ng karamihan ay lagi nitong inuuna ang iba kaysa sa sarili. Natuklasan din ng ina ni Toto na ang cellphone na ginagamit ni Tessie ay lumang brand na at may lamat na sa screen nito.

Si Tessie ay hinahangan dahil sa kanyang pagpapakumbaba at malasakit. Para sa ilan, siya at tila anghel na dumayo sa lupa para tumulong. Hindi maiitatanggi na maraming natulungan ang ginang. Mapasunog, o bagyo o kahit ano pa mang sakuna, lagi siyang andiyan na nakabukas ang palad.

"M a'am, napakabit na po namin mga poster niyo," pahayag ng sekretarya ni Tessie.

"Mabuti naman," sagot ng ginang.

"Sure win na yata tayo Ma'am,"

"Dapat lang. Anlaki na ng ginastos ko para pabanguhin pangalan ko dati pa. Nagpautos pa nga ako na sunugin mga squatter diyan,"sabi ni Tessie. "Mabuti namang walang namatay para hindi ako konsensyahin. Tsaka mababawi ko rin y'ong mga nagastos ko kung nasa munisipyo na ako, " pahabol nito.

"Ma'am may parating din na bagyo so dapat maghanda na tayo ng relief packs. Sana nga lumakas pa yung bagyo para kailanganin ng tao yung tulong natin," pahayag ng sekretarya.

"Sige, sige. Ikaw na bahala diyan, " sabi ni Tessie.

"Ma! Pa! " sabik na tawag ni Toto sa kaniyang mga magulang.

Dali-dali siyang pumasok at sabik sa ihahatid na balita matapos makita ang poster sa labas ng kanto.

"Tatakbo po sa pagkamayor si Aling Tessie, " pahayag ng bata habang nagniningning ang kaniyang mga mata.

"Oo, anak," sabat ng ina nito.

"Tiyak akong mas marami pa siyang matutulungan kung mayora na siya, " dugtang pa ng nanay ni Toto.

Kung alam lang nila.


Ito ay para sa prompt ni @JonicaBradley na Compassion.

Salamat ulit @wakeuplincs ,sa pag-inspire sa akin na magsulat ulit sa wikang Filipino. Salamat din sa iba pang sumusuporta at nakaka-appreciate ng mga sinusulat ko.

Bukas po ako sa opinyon at kritisismo sa akdang ito. Pasensya na kung may mali man sa balarila. Di ko alam kung tama ba paggamit ko ng "ng" at "nang" at saka "din " at "rin" atpb.

Tsaka mema rin yang title. Wala akong maisip eh HAHAHA. Medyo magulo rin pagkakaayos.

Baka hindi rin ako maka-reply agad kasi siningit ko lang to i-publish. Gumagawa pa rin ako ng mga kulang ko na module.

Salamat sa pagbabasa!


Iba pang akda para sa prompt :

Iba pang akdang kathang-isip at mga dagli:

Sponsors of Nyctofiles
empty
empty

8
$ 8.53
$ 8.36 from @TheRandomRewarder
$ 0.07 from @wakeuplincs
$ 0.05 from @OfficialGamboaLikeUs
+ 1
Avatar for Nyctofiles
Written by   78
2 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

hala grabe, ngayon ko lang nalaman... siguro nga may mga ganoong tao ano? Pwede nga palang ganoong strategy para manalo. Kung meron man ng ganyan sa tunay na buhay, nakakalungkot na nakakagalit :(

$ 0.03
1 month ago

Sa tingin ko marami namang ganyang tao hindi lang sa pulitika, kundinsa showbiz at iba pa. Yung iba kala mo talaga mabait pero iba sa likod ng kamera. Nagpapanggap ang marami para maabot goal nila.

$ 0.00
1 month ago

Grabe kung may ganyan talaga, iiyak talaga ako, nakakainis na nakakalungkot, bakit hindi nalang tumulong sa nangangailangan talaga, hindi yung gagawa pa ng masama para magmukhang bida sa lahat, nakakainis aaaaaa

$ 0.00
1 month ago

Ano bayan ..this is happening in real life mapango lang mga pangalan ..for the upcoming election..haysst.. Napahanga na ako sa umpisa ni tessie ngunit ako'y nanlumo sa kaniyang tunay na anyo na animo'y nakakita ako ng demonyo.... the world of politics are full of demons in disguise.

$ 0.03
2 months ago

True yan. Malaki na nga sahod tas ganyan pa. Bihira nalang talaga ang mga taong nasa politika na para sa bayan at mamamayan ang ginagawa kaysa sa sarili.

$ 0.00
2 months ago

ang ganda HAHAHAHA parang ung nanyayare ngayon sa politika

$ 0.03
2 months ago

Salamat po! Inspired by the Philippine politics HAHAHA

$ 0.00
2 months ago

Ahaha lintik. Sabi ko na nga ba e, may hidden agenda yang si Tessie. Kahit kathang-isip lamang ay hindi malayo sa katotohanan. Madumi talaga sa larangan ng politika.

$ 0.03
2 months ago

Yeah. Sadly, yung iba umaaksyon lang kung malapit na elekayon.

$ 0.00
2 months ago

Kahanga-hanga talaga ang iyong paggamit ng wikang Filipino! Maipagmamalaki! At ang pamagat ay mahusay! Hindi naman mema ang pamagat. Ipagpatuloy!

$ 0.03
2 months ago

Salamat po talaga! ❤

$ 0.00
2 months ago