"Maghihintay ako"
Di ko maiwasang magisip Di mapigilang ang pusoy sumikip Nang litrato mo'y makita Nakangiti at nakatawa Ang masakit dito'y hindi ako ang iyong kasama Answerte naman nya Bakit sya pa Hindi ba pwedeng ako nalang talaga? Pero sige ako'y mag hihintay nalang muna Maghihintay ako hanggang pwede pa Kung saatin ba talaga sasangayon si tadhana Siguro ngayon sakanya ka muna Pero kung tayo sa dulo tayo talaga Maghihintay ako kahit na walang kasiguraduhan Susugal ako kahit di ko alam kung may pupuntahan Ang mahalaga ika'y aking ilalaban Para sa huli wala akong pagsisisihan Tatanggapin ko kung sya na yung mahal mo Basta ba hayaan mo ko Maghintay kung hanggang kelan ko gusto Hindi ko naman pinipilit na pumunta ka sa piling ko Pero Maghihintay ako Maghihintay ako hanggang kaya pa ng aking puso. Maghihintay ako hanggang dulo Maghihintay ako hanggang dumating sa punto Bumalik ang dating tayo Kung ako nalang kase sana Kase ako naman yung nandito kapag sinasaktan ka nya Ako yung nandito kapag may problema ka Ako yung nandito kapag kailangan mo ng kasama Ako yung nakikinig kapag ikaw ay may drama Kaso bakit sya? Pero sabi ko nga kanina Maghihintay ako, Maghihintay ako hanggang sa pwede na ang ikaw at ako Maghihintay ako hanggang sa pwede na tayo Kaya aking sinta kung sakaling mapagtanto mong ako yung mahal mo Wag kang mahihiyang saaki'y tumakbo Andito ako na nag mamahal sayo ng buong buo -BinibiningNicole
No comments yet