"Magtitiwala ako"
Malayo ang pagitan Sa litrato nalang ika'y pinagmamasdan Gusto kitang makasama at mahagkan Gusto na kitang mahawakan Ngunit milya-milya ang tatahakin upang ikaw ay mapuntahan Hindi madaling ika'y malayo sa piling ko Hindi ko nasisilayan ang mga galaw mo Hindi ko alam kung sino-sino ang nakakasalamuha mo Hindi ko alam kung sino na ang nag papasaya sayo Hindi madali ito Masakit na nakikitang iba ang nakakasama mo sa bawat litratong nakikita ko Dapat hindi sya ang nasa tabi mo at yun ay dapat ako Ngunit ano nga bang magagawa ko? Kung napakalayo ko sa piling mo Kakapit ako sa mga planong sabay nating binuo Sa sinabi mong pagdating ng panaho'y ako'y babalikan mo dito Wala akong magagawa kundi ang mag tiwala nalang sayo Sa mga pangako mong inaasahan kong magkakatotoo -BinibiningNicole✨
No comments yet