Namiiit!. Lalo nat may kapeng mainit.. Nakakamiss ang ganitong pagkain napaka walang chemical, fresh na fresh. Dina pati ako nakakakain ng bagoong na ito, Super na mis ko talga lalo nat andito si mama, mahilig yun gumawa ng bagoong na sariwa yung tipong sariling timpla nya. Naglaway tuloy ako. Excited na talaga ako sa december at makikita ko na ang nanay at mga kapatid ko. Reunion ang ganap sa pasko. Ang saya saya. Minsan lang mangyayare ang ganitong kaganapan sa aming pamilya. Nasa laguna kasi halos nakatira ang mga kapatid ko eh. Kaya nung tumawag ang nanay ko na uuwe silang lahat ay grabe na ang aking kagalakan. Excited much na plus uuwe rin ang hubby ko, super thankful talaga. Im sure na magiging happy ang xmas ko. Sana kayo din ganito ang nararamdaman nyo. Advance merry xmas everyone. 24 days to go...
Grabe lakas ng ulan guys. Walang tigil ang pagbuhos. Mas lalong nakakaantok ang panahon. Mag aalas dos na wala parin gaanong bumibili. Hays... Matumal talaga ang bentahan pag maulan. Paano na tayo makakadae nito, magpapasko pa naman. Fight lang sabi nga nila di araw araw pasko. May ara na malakas , may araw din nan na sobrang hina. Laban lang ang lola nyo, hanggat may tindahan, ay kita. Hehe. Sarap na siguro ng tilog ng iba dyan. Sana all nalng. Ako pipikit na, nagising kasi aq kaninang madaling araw, 12am at sobrang lakas ng ulan,,pag tingin ko sa may sala may nagtutulo, kaya sinahuran ko agad . Ayun nawala naman ang antok ko kya hanggang tumunog ang alarm ko ay gising na ako . Kaya eto bagsak ang lola nyo, kulang nalng tungkudan ko ang mata ko para di pumikit . Haha..
Wala yung favorite ko, spicy jumpong. Tara guys kain tayo. Bagay sa malamig na panahon. Wala ng tigil ang ulan dito ay, kaya nakakaantok ang panahon. May bagyo ba? Kainis naman qng kelan December na eh saka pa nagtag ulan. Hirap kumilos pag ganitong maulan. Hirap din ang bentahan, walang mga nabili at mga kakulong sa kanikanilang tahanan. Nakakasad ang sales ko ang baba pa, sana naman maubos pa ito bago mag uwian. Maulan din ba dyan guys? Kumusta ang panahon nyo dyan. Malamig na hapon sa lahat
Rainy morning. Papasok na ang dalawang angel ko. Maulan talaga ang panahon ngayon. Sana naman bukas maganda ang panahon. Magpakita si haring araw. Special day ko pa naman bukas. Hehe. Ingat po sa lahat ng papasok sa eskwela at maging sa trabaho. Godblessed us all.
Gising na sa mga maaga ang paso a eakela at trabaho. Ako nakapag ready na ng babaunin ng dalawang angel ko, burger patty again na may gravy. Yan lang eh happy na ang dalwang angel ko. Gisingin ko na rin sila para makakain na ng almusal at makapag ready na rin para sa pagasok. Nakakasad lang at ang lakas ng ulan kagabi pa. Im sure maputik na naman ang aming dadaanan nito. Ang bigat pa naman ng bag ng dalawa ko. Paano ba yanguys mamaya na naman ha, asikaso lang ako.. Kain na din kayo ng almusal.
Hello December... Good morning kanoisemates.. Happy Thursday everyone. Yahoooo... December 1 na, simulan natin ang araw na ito ng punong puno ng pagmamahal,pag asa at kasiyahan.Naway pagpalain tayo sa unang araw ng December.24 days to go....Pasko na.Dina talaga mapipigilan ang papalapit ng pagpasok ng pasko.Goodvibes lang tayo palage at think positive.Kalimutan muna ang mga problema.UNahin palage natin ang diyos sa ating buhay.Sa kanya tayo kukuha at huhugot ng lakas at pag asa sa ating tatahaking landas sa araw araw.Thank you lord sa araw na ito.Salamay at andyan ka palage sa aming buhay,upang kamiy gabayan at itama sa landas na aming tinatahak.Sobrang aga ko nagising.Sign of aging naba talga??hehe..Sya makabangon na nga at makapgluto na ng almusal at babaunin ng dalawang angel ko..kilos kilos upang wag tamarin.Hanggang sa muli guys ...Magandang malamig na umaga.
Hello December... Good morning kanoisemates.. Happy Thursday everyone. Yahoooo... December 1 na, simulan natin ang araw na ito ng punong puno ng pagmamahal,pag asa at kasiyahan.Naway pagpalain tayo sa unang araw ng December.24 days to go....Pasko na.Dina talaga mapipigilan ang papalapit ng pagpasok ng pasko.Goodvibes lang tayo palage at think positive.Kalimutan muna ang mga problema.UNahin palage natin ang diyos sa ating buhay.Sa kanya tayo kukuha at huhugot ng lakas at pag asa sa ating tatahaking landas sa araw araw.Thank you lord sa araw na ito.Salamay at andyan ka palage sa aming buhay,upang kamiy gabayan at itama sa landas na aming tinatahak.Sobrang aga ko nagising.Sign of aging naba talga??hehe..Sya makabangon na nga at makapgluto na ng almusal at babaunin ng dalawang angel ko..kilos kilos upang wag tamarin.Hanggang sa muli guys ...Magandang malamig na umaga.
Hays.. uwian nalng eh bumuhos pa ang malakas na ulan . Enebenemen yarn. Wrong timing ka talaga eh. Hehe.. Sana namn huminto bago mag 5pm.Kanina nan grabe ang tirik ni haring araw tas now uulan. Pambihira talaga. Pag minamalas nga naman. Mabigat pa nmn dala ko bigas. Haha.
Maghapon na nmn pagod ang lola nyo sa dame ng orders, holiday blessing talaga. Sna bukas malakas din para maganda ang sales. Kumusta ang ang maghapon nyo? May pasok na naman ang mga bata bukas, back to reality na uli. As usual dating gawi handa na namn ng babaunin nila gang lunch. December na bukas, excited na aq, dagdag edad n naman ang lola nyo. Haha. Healthy lang palage eh happy na aq dun at buo ang family ko. Sobrang napakalaking blessing na sken yun. Thankyou lord sa lahat lahat ng biyayang bnbgay mo, sa mga pagsubok na pilit na nalalampasan kasama ka . Thank you. Thankyou. Magandang maulan na hapon sa lahat .
Nagulangang naman ako sa parada na ito, napasilip ako sa labas ng tindhan at ang inagay at ngsisigaw sila ng JESUS. Sobrang haba ng parade na ito akala ko tapos na may apat na bus pa palng kasunod. Isa ito sa mga relihiyon ng mga pilipino, el shaidai ata or born again.. Dq gets basta violet ang kulay nila. Nakakatuwa at itinaon nilang holiday madame ang nakapanuod nito. Taon taon na siguro nila ito ginugunita . Diko na nakuhaan ng picture yung iba at na busy ang lola nyo, dame bumili eh . Kain na sa mga dpa ng lulunch dyan.
Nabudol na naman ako ng dalawang bata. Sobrang init kasi ng panahon kaya pinagbigyan ko na rin, minsan lng naman. Gaano kadalas ang minsan? Hehe. Parang pelikula yun ah. After naman nito eh, matutulog na rin sila ng mahaba at sabi ko para makabawe sa maga pag gising nila ng maaga apag papasok sa eskwela.Sarap talaga maging bata, kain tulog at laro lang ay sapat na sa kanila. Kaya eenjoy lang habang bata pa mga kids, pag tumanda na puro stress at problema na. Hehe
Happy launch time sa lahat. Kain po tayo. Gutom na ang lola nyo ay, ganito ako pag sobrang gutom na nanginginig na ako, Sinong relate?? Ganito rin ba kayo? Lalo na pag di ako nag almusal, naku po, mga 10am pa ong nanginginig na ako nyan sa gutom. Kaya inaagahan ko na ang kain ko , ang sama ng pakiramdam ng ganun ay. Yung tipong nasubo ako sobrang nginig ng kamay ko halos diko na mahawakan kutsara. Hays... Kaya pagnakaramdam na aq ng gutom ayan na at nakain na agad ako, ayoko na ng pakiramadam ng ganun, nagkaka phobia na ako. Kain po
Ang cuteeee! Kakatuwa itong pamagkin ko eh, nakakagigil. Gigil mo si tita bebe ko. Yare ka sken pag nahkita tayo, hehee. Sa totoo lang mahilig talaga ako sa baby, kaya pag sinabing iiwan sken at gora aq dyan kahit marame akong gahawin eh isasantabi ko muna mag alaga lang. Yung kumare ko nga maghapong iniwan sken baby nya , na inaanak ko na rin. Ang dalawang angel ko sobrang tuwang tiwa rin pag may baby na iniiwan sa bahay namin. Sobrang like nila ang baby, pero alam nila na ayaw ko ng manganak hehe. At mamatay n ang lola, nadala na umire. Hehe.. Tama na sken ang dalawang angel ko, boy and girl na sila kaya happy na kami ni mister. Sobrang bless sa dalawang angel na ibinigay sa amin. Ang sakit sa mata ng init, nakakaantok. Hehe
Busy na nan ang dalawang angel ko oh, Yan ang like nila gawin ang mag drawing at mag color. Sabi ko kasi wag sila lalabas at ang init ang sakit sa balat ng araw . Pede naman sila maglaro mamayang hapon , pagkagising nila. Kaya ayan drawing na naman ang naisipang gawin. Mainit rin ba sa lugar nyo guys? Ilang araw nalang pasko na. Excited na ang lahat lalo na ang mga chikitings. Makakapamasko na sa kanikanilang ninang at ninong. Mamasko po ninong Noise. Hehe. Magandang umaga sa lahat
Good morning. Kain po, sinangag ko ang natirang kanina at hinalo ko na rin ang meatball, para isahan na. Hehe. Nag aantay nlng din ako magkulo ang tubig ay akoy magkakape. Medyo makulimlim ang kalangitan, mukhang uulan na naman. Sa mga papasok at lalabas ng bahay wag kalimutang magdala ng payong guys .. Be ready po tayo at mahal magkasakit, mahirap kitain ang pera sa ngayon. Halinat mag almusal , magtitimpla na aq ng kape. Eatwell sa lahat
Good morning kanoisemates.. Happy Wednesday to all . Two days nalang, weekend na naman. Maaga na namang nagising ang lola nyo para magluto ng almusal at babaunin sa tindhan. Holiday today pero kayod pa rin at friday to sunday ay di naman ako papasok. Magpapahinga ako ng bongang bongga. Hehe. Kapag nsa bahay din naman, di uso ang pahinga , sa dame ng gawain. Go lang hanggang matapos. Konting kembot nalng . Hanggang sa muli..
Gudevening. Tara lets kumain . Gutom na ang lola nyo eh. Dameng pagod, dameng gutom. Magandang gabi sa lahat. Kumain na rin ba kayo.? Napaaga ang aking dinner, konti lang kasi ang nakain ko sa lunch kaya maaga nagutom, di rin nag meryenda ang lola nyo. Bawe sa hapunan. Hehe.. Eatwell sa lahat..
Hays... Ang sarap ng ng tulog ng dalawang angel ko. Akoy inaantukan din eh. Buti nalang wala ng silang pasok ng hapon at natapos na ang induction ceremony sa school. Bukas naman holiday kaya makakapagpahina na naman sila ng bongga. Hehe. Kumusta naman ang hapon nyo guys? Dito ay napakainit, galit na galit si haring araw eh . Sna sa friday ganito din ang panahon at may mga bisita ang lola nyo. Anong meryenda nyo dyan guys?? Penge nmn daw. Hehe..
Happy lunchtime.. Kain na guys. Grabe sobrang iniiiit. Kya naman napabili ako ng calamansi soda, pang pawi sa sobrang init. Kumusta kayo, now nalng uli nakapagpost at sobrang busy sa induction kanina ng dalawang angel ko. Isinara ko ang tindhan, para lang masilayan ang aking vice president at buss mngers, nanumpa sila knina sa stage. Nakakatuwa pagmasdan . Mmaya nan ipopost ko ang mga pics nila. Magandang tanghali. Eatwell sa lahat
Ayan na ang kanina lang ay makulimlim na langit, ngayon ay dina napigilang bumuhos, lalo tuot lumamig at nadagdagan ang antok ko. Hehe Naglunch naba kayo guys? Akoy hindi pa eh, nabusugan kasi ako sa meryenda kong kape. Hehe. Ewan ko b lately , nawawalan na akong gana kumain, lalo nat mag isa lang ako. Feeling ko lage ako busog, di naman aq nagdidiet eh, gusto ko ngang tumaba sana. Kaso ayaw ng taba sken. Hehe. Magandang maulan na hapon sa lahat
Flex ko lng , pumasok ako ng LCC supermarket,habang wala pang bumibili,kaatabi lang naman ng tindhan ikot ikot para mabawasan ang antok. At eto na nga balak ko bumili ng kutkutin para maibsan ang akong antok, Swerte at ng 50% ang siga na kutkutin kaya eto nlng binili ko nabili ko lang sya sa halagang 14pesos.hehe.balak ko pa sna ay halangan 10 pesos lang at ngtitipid ang lolahin nyo. Haha. Nawala tuloy antok ko nung nakita qng 50% off ito nagyong araw lang pati. Hehe. Kutkutin kayo dyan..
Meryenda tayo guys. Pampawala ng antok. Grabe talaga antok ko, di ako maka move on. Babagsak na mata ko, sinabayan pa ng makulimlim na panahon. Kaloka pag ganito ang pakiramdam, sarap ihiga. Hehe. Kain po po.
NIERVA...
Guys familiar ba kayo sa prutas na ito? Nierva kung tawagin yan dito sa bicol. Dala ng kapatid ko kahapon at madame daw bunga ying puno ng ka workmate nya kaya binigyan sila. Medyo maasim, sinawsaw ko sa asin. Ang dalawang angel ko nagtatanong kung ano daw tawag sa prutas na ito. Hehe. Naalala ko nung emelentary days namin, lage akong may dala ng ganito , pinapatinda kmi ng ate ko sa school ng lola ko. Palage naman ubos kasi piso lang naman ang sampung piraso, napakamura pa ng bilihin noon compare ngayon na ultimong sitsiriya ay wala ka ng mabibiling piso, tatlong piraso eh five pesos na din. Biglang nagkulimlim dito guys, lalo tuloy nadagdagan ang antok ko. Hehe
Hello kanoisemates. Na busy ang lola nyo now nalang uli nagparamdam. Grabe ang pagod ko kahpon, gabi na eh di pa rin ako tapos sa gawaing bahay . Eto at masakit ang likod ko. Sarap sna magpa massage, kaso wala namang pambayad. Hehe. Ano sa tingin nyo gius maganda ba ang ganyang curly sa buhok? Yung ninang ko kasi kinukulet ako na irerebond daw nya ang buhok ko, pamasko daw nya sken, sv ko naman diko talaga bet mgparebond, gusto ko eh kulot naman para maiba naman. May parlor kasi ito sa centro, kaya yun nong daw pamasko nya sken. Ang sweet no? Hehe. Ewan ko ba dito sa ninang ko at pati buhok ko ay napapansin, napapabayaan ko ma daw kasi. Simula kasi ng maging ina na ako mas priority ko na talaga ang mga needs ng anak ko kesa sa sarili ko. Bahala man yan mag mukhang losyang atleast, nabibigau ko mga gusto ng anak ko db? Kumusta kayo? Maganda ang panahon dito smen, mukhang matutuyo na naman yung mga nilabhan ko kanina bago pumasok. Antok ako guys, wala pa kasi gaano nabili eh. Hehe
Happy Monday. Good morning , Good morning kanoisemates . Gising na sa mga nanay na maghahanda pa ng almusal at baon ng mga chikiting at mister . Ako kanina pa gisning kaya naman nakapagsampay at luto na ako ng almusal. Gumawa ng bopis ang kapatid ko kagabi, dintalaga ako mapakain nito pero nung natikman ko masarap pla Hehe. May idea na ako sa darting na birthday ko, magpapaluto ako ng bopis para pulutan ng mga manginginom. Hehe .. mMamaya uli guys h, gisingin ko na ang dalawang angel ko para makapag almusal na at matagal ito magsikain inaabot ng isang oras eh. Hanggang sa muli.. Pagpalain tayo sa araw na ito
Good morning. Thanks god its SUNDAY. Family day. Excited na naman ako gumising at restday ko uli today. Simulan ko na ang mga gawain ko para pag sikat ng araw ay tapos at ayahay na aq . Sabi ko kagabi magpapatanghali man ako ng gising at wala naman pasok, pero may sariling alarm talaga ang isip at katawan ko. Sanay na 4am eh gising na.Sana mamayang tanghali eh makaidlip man lang. Hehe Asa pa. Pag nanay kana talaga kahit anong pagod eh wala lang para sa mga anak. Lahat gagawin kahit masama na ang pakiramdam eh GO pa rin talaga. Ke aga aga emote na naman ang lola nyo. Sya mamaya naman ha, start na aq sa aking mga gawain. Naway patnubayan tayo ng poong may kapal.
Hello guys. Gudevening eveyone. Kumain naba kayo? Halinat humigop ng mainit na sabaw. Nakakita ako ng tahong sa palengke at talaga namang natakam ako. Minsan lng din talaga ako makakain nito at makakita sa palengke. Pagdating ko dito sa bahay, pinakuha ko ang tatay ko ng malunggay kaya naman ang dame din nakain ng dalawang angel ko, pati pamangkin ko dito na rin kumain, kaya mabilis sila nakakain at nagpabilisang maubos. Kumakain din ba kayo nito? Eatwell po sa lahat
May pahabol na ayuda ngayong araw. Dumaan ang pinsan ko sa tindahan knina, Kaya ayan naglambing ang dalawang angel ko milktea daw. Hehe. Dahil mayamanin ang pinsan ko kaya barya lang sa knya ang pambili ng milktea. Eto talaga ang gusto ko sa pinsan ko na ito khit yumaman eh down to earth pa din sya sa lahat ng bagay . Sanall mayaman. Late post po ang na busy ang lola nyo sa order, pati tuloy order eh nakalimutan ko ng picturan. Hehe. Magandang hapon sa lahat
The best ang initan ng tubig na ito kahit maliit lang eh. Di ata to makikuryente kc manipis lang at mabilis kumulo ang tubig. Ay pag iipunan ko pla ito cute pa tingnan. Hehe. Sana di sya makikuryente. Initan lng kapag magkakape . Na try nyo naba ito guys? Sino ng gumagamit nito ngayon? Share nyo naman feedback dyan at qng maganda eh nbibili talaga ako.
Lalo naman akong inantok ng makita kong tulog na ang dalawang angel ko. Kapag walang pasok sa eskwela ay pinapatulog ko talaga sila sa hapon. Para makabawe naman sa maagang pag gising ng limang araw dahil sa maaga ang pasok. Actually hindi naman sila mahirap patulugin, nagmana ata cla sken na pag lumapat ang likod sa higaan eh tulog na kaagad. Hehe. Lalo tuloy akong inantok..
Busy ang dalawang angel ko oh, pagkatapos maglaro, ayan drawing naman ang naisipan nila. Nakakatuwa maging bata yung tipong walang problemang iniisip. Kain tulog lang ay sapat na sa kanila. Hays.... Kelan kya aq babalik sa pagkabata . Hehe. Dame alam anu?? Hays sobrang iniiiit. Sarap na nang maligo nito. Mamaya talaga eh maliligo ako bago matulog. Pakiramdam ko ehang lagkit na ng katawan ko. Para na rin masarap ang tulog mamaya at bukas ay restday ko na naman. Excited much na at matatapos ko na ang mga ligpitin ko sa bahay. Konteng kembot nalang talaga. Hehe. Kaantok guys.. Kumusta kayo? Drink more water para di tayo ma dehydrates. Nakakaantok na hapon, sarap mag sleep. Kain na ng lunch sa mga dipa kumakain .