📌Field trip ng anak ko sa tagaytay, naisip ko heto na siguro yung safest place, at tamang oras para maidispatsa ko na itong perwisyong bata na to. Ang panget kasi niya, at medyo mahina pa ang utak. Sino ba ang magiging proud na maging nanay nya? At sa tuwing nakikita ko siya bumabalik lahat ng sakit na dinanas ko bunga lang naman siya nang panggagahasa sa akin. Dinala ko siya masukal na bahagi ng lugar at walang tao. "Mommy san tayo pupunta" aniya. "Kay Daddy mo, diba gusto mo sya makilala?" sagot ko at binigyan siya ng pekeng ngiti. At habang papalapit na kami sa bangin nanlilisik ang mga mata kong tinititigan siya. "Mommy why? galit po ba kayo sa'kin?" nanginginig niyang tanong. "Ayan magsama kayo ng tatay mong demonyo!" At tuluyan na siyang nahulog at ito'y kanyang ikinamatay. Ilang taon ang lumipas at may nakilala akong lalaki, ikinasal kami at biniyayaan ng maganda at matalinong anak na babae. Nagkaron sila ng fieldtrip at sa tagaytay ang destinasyon. Naalala ko ang anak ko na binawian ko ng buhay sa lugar na ito. "Mommy punta tayo dun para solo natin yung view" sabi ng anak ko at hinila ako malapit sa bangin . Habang papalapit sa lugar kung saan ko tinulak ang anak ko, bigla siyang lumingon "Mommy please wag mo na ko itutulak ulit."
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet