📌pagpasok ko ng Jeep tumambad sakin ang magjowang nakaupo sa driver's seat natutulog yata yung babae sa balikat ng lalake, sa harap ko naman ang matandang lalaki, apat lang kami sa jeep, nasa pinakadulohan ako, ilang metrong andar palang ng jeep, pumara na yung matandang lalaki sa harap ko, at hinila ako pababa, napasigaw ako "KUYA ANO BA?!", "magtiwala ka nalang saken" sabi nya, sumama nalang ako pababa dahil sobrang kinabahan ako at di ko na alam ang gagawin ko, pagbaba namin tinanong ko sya kung bakit, ang sagot niya "yung babaeng katabi ng lalake patay na, maitim na ang kuko at labi, may nakatusok na ice pick sa bewang, magiingat ka".
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet