read.cash Log in
@Neptune more from that month

Hindi na ikaw ang laman ng isipan Pero ikaw pa rin ang napanaginipan. Panaginip na hindi kapani-paniwala Pero iyon daw ang dahilan ng iyong pagkawala. Ni-kwento ko sa iba Mga sinabi ko'y pinagtawanan lang nila Hindi naman nakapagtataka "Kakaiba", sabi pa nila habang tumatawa. Kwento kong ikaw ang bida Buong-araw inulit-ulit nila Bakit nga naman hindi? Kung naging dahilan ng hindi mabilang na ngisi Sa t'wing malungkot ako Pinapaalala nila ang aking kwento Natatawa nga ako pero mas lamang ang panghihinayang ko Sa panaginip lang kasi tayo muling nagtagpo Baha man sa panaginip ko pero naging masaya ako Nakita kasi kita ng buong-buo Sa panaginip kong ako ang tao Pusa naman ang naging karakter mo. Hindi ko makalimutan nagka eyes to eyes tayo Saka mo ipinaliwanag na 'yon ang naging sumpa mo Dahilan ng iyong pag-alis na walang paalam At matagal na panahon na walang paramdam.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.