Lumuwas ng Maynila si bunso kanina para kuhanin sa kompanya na kaniyang pinagtratrabahohan ang desk top kasi ang kanyang PC ay mabagal mag loading. Ginabi na sa pag-uwi, nadatnan akong hindi pa nakapaghapunan, kumain na daw siya at kasama niya sa pagkuha ng desk top dito sa binilhan niya nitong pasalubong niyang muffin, hindi na rin ako kumain ng kanin, itong muffin na lang ang aking hinapunan. Gusto ko itong muffins ng Kenny Rogers.
3 comments
Enjoybpo
Sarap naman. 🤤
Good Saturday night .