Kaninang umaga, tinatawag ko yung kuting namin, walang lumapit. Hinanap ko siya nasa isang sulok siya nakahiga na parang ang tamlay niya, itinabi ko sa kanya ang kanyang pagkain para pakainin, pinilit niyang tumayo tapos parang walang lakas ang mga paa , natutumba siya. Tapos habang may ginagawa sko sa lamesa nasa ibaba siya ng mesa, nadidinig ko boses niya na parang nahirapan siya. Ngayon wala na siyang buhay.😢😪 Pagdating ng anak ko galing work, nang nakita niya ang pusa naming si Tofu ngumalmal sa pag-iyak. Siguro nagkaplema ang pusa dahil 2x a week niyang pinaliguan ang pusa, pagkaraan noon sinipon na si Tofu at laging lumuluha.
No comments yet