read.cash Log in
@Nengste

@Nengste in February 2022

@Nengste

Kamusta ang inyong umaga? Ako ay late ulet bumangon kasi alam niyo na nagkakaedad mga ilang taon na lang magiging senior citizen ng bansang Pilipinas na si granny Nengste kaya ang tulog ko ay minsan maayos, minsan naman ay madaling araw na nakakatulog. Heto ngayon nakapagsalang na ng damit sa washing at habang inaantay ang paghinto nito, nagwawalis muna ng sahig. Magandang araw po sa ating lahat!

@Nengste

Pagkatapos kong maglaba namahinga muna ako ng isang oras, mag alas dose na ako nakatapos kaya ngayon pa lang ako kakain ng lunch ang ulam ko ay ginisang gulay na Toge na binili sa Tindahan ng lutong ulam at ang natirang paksiw na isda. Palagay ko po ay nag memeryenda na ang iba, tara kain po tayo!

@Nengste

Ang dami kong add to cart na nakapending sa Shopee puro lahat gamit sa baking, standby muna at wala pang sapat na pambayad pag maging okay na siguro ang value ni bitcoin cash mailalabas ko na rin. Kamusta ang inyong buong maghapon Kaingay? Sana ayos lang kayo at nasa mabuting kalagayan ang inyong kalusugan. Magandang gabi sa inyong lahat!

@Nengste

Damhin ang lamig ng umaga, kaya andito pa rin sa higaan wala naman po kasi akong iintidihin na ipagluto ng almusal, si bunso nakabili na ng kanyang almusal na beef mami kaya heto po si granny Nengste ninanamnam ang kaginhawaan ng malamig na umaga. Magandang umaga sa ating lahat!

@Nengste

Kagigising lang at heto naghahanap ng mameryenda, may natira pang hamon isang buo pa ito na hiniwa ko noon at nilagay sa isang tupperware, magpiprito ako para ipalaman sa tinapay at may natira din na quezo de bola bili na lang akong tinapay sa tindahan. Tumagal itong hamon dahil hindi nagustuhan ni bunso ang lasa ng brand nito. Meryenda tayo kaingay!

@Nengste

Kainan na po, ito bumili lang akong lutong ulam, ang pinapabili ni bunso na ulam sana ay Tinumis yung version ng Dinuguan na ang inilagay na pampaasim ay sampalok kaso wala kasi madali daw yun masira kesa sa Dinuguan na matagal masira kahit daw abutin pa ng ilang araw dahil suka daw ang nilagay na pampaasim kaya ang binili ko na lang ay pusit na may tokwa. Tara kumain na tayo!

@Nengste

Ito na naman po ako nagpapakita ng aking presencia, magandang umaga ang aking bati sa inyong lahat. May natira pa pala akong mung beans, ngayon ko lang nakita heto isinalang ko na sa apoy para lumambot, ito ang aming ulam ngayong araw ni bunso. Kayo po naisip niyo na ba kung anung dish ang inyong lulutuin ngayong araw?

@Nengste

Siesta mode si granny Nengste, nga pala marami akong nababasang post tungkol sa appics, at naalala ko na may account na ako niyan since 2020, I tried to install the app kaso na failed kasi low memory na ang aking ginagamit na android phone, sisilipin ko sana ang appics, ni tried ko rin hanapin ang appics app using ios phone kaso wala pa sa apps store ang appics app.

@Nengste

Kumain na po ang lahat, katatapos lang din namin kumain ang ulam ay ang natirang munggo kaninang tanghalian at dahil may bukas na bagong kainan malapit sa amin na nagtitinda ng tinatawag na Dinakdakan at sisig binili ko si bunso ng sisig kaso ng kakain na siya nagreklamo bakit daw puro sibuyas at hindi malutong ang baboy heheh hindi niya po nagustuhan konti lang ang kinain itinabi ko na lang para isama pag nagluto ng fried rice.

@Nengste

Tulugan na mga Kaingay, nga pala paalala sa mga bagong user, bago kayo magpost siguraduhin niyong ni paste niyo sa setting ang inyong bch wallet address, katulad ngayon sa isang post na bibigyan ko sana ng tip kaso may nag popped up na hindi pa daw nakapagprovide ang user ng kanyang bch wallet address. Bye for now, bukas ulet magandang gabi sa inyong lahat.

@Nengste

Hindi ko po problema ngayon ang uulamin dahil nag-iisa ako ngayon, may ka dinner date si bunso ngayon dahil ililibre siya ng 2 niyang kaibigan na pinasok niya sa trabaho niyang pinapasukan kaya nagkita sila sa pinakamalapit na mall. Itong si bunso pag may lakad nagsesend siya ng photo video via messenger chat para supporting at patotoo na kasama niya talaga pero minsan naman hindi kaya napaisip ako na maybe ayaw niyang ipaalam sa akin na may ka date siyang male gender,…

@Nengste

Nichat po ako ng aking pangalawang anak at nagtanong kung gusto ko daw ng Aligi ng Crab, masarap daw ito dahil natikman na niya at nireplayan ko siyang wala akong pambayad tapos sabi niya order ka ma ako ang magbabayad heheh siyempre natuwa ako😄 siguro hinay hinay lang din sa pagkain nito dahil mataas yata ang cholesterol nito.

@Nengste

Ang aming alagang aso na si Zorro ay hindi mapakali iyak ng iyak, naisip kong icheck ang isa naming aso na si Grey at hindi ko ito nakita sa loob ng bahay, aha tiyak na nasaraduhan ko ng pintuan si Grey kaya binuksan ko ang pinto, tama nga po pagbukas ko kaagad kong nakita si Grey, ang bait talaga ni Zorro ayaw niyang manatili at matulog si Grey sa labas.

@Nengste

Share ko po sa inyo ang aking meryenda ngayon, nakajackpot po ako ng tamang hinog na panglagain na saging saba hindi masyadong hinog kasi hindi masarap kainin pag masyadong hinog. Tara kaingay sabayan niyo akong magmeryenda.

@Nengste

Magandang umaga! Tunay na maganda dahil maayos po ng aking tulog, may sinubukan kasi akong isang tip para mapabuti ang tulog, yung tubig sa pinaglagaan ko ng saging saba kahapon, ininom ko bago matulog at palagay ko ay totoo nga umobra sa akin. Baka gusto niyo rin subukan itong tip.

@Nengste

Nawala sa isip ko na Martes pala ngayon, bigla akong bumangon dahil labada day pero bago ko umpisahan, gagayak muna akong maalmusal para may tamang energy sa pagpiga at pagbuhat. Magandang umaga!

@Nengste

Hindi pa ako tapos maglaba may second batch pa mga bedsheets at towel, kumain muna saglit, ito ang aking ulam tahong ang taba kahit maliit, niluto ko ito kanina bago ko sinimulan maglaba. Tara kain po tayo!

@Nengste

Dinner time: Katatapos ko lang kumain, pagkaluto ng pinangat na isdang sapsap, sa kasabikan kong maulam, alam niyo bang natinik ako sa kagustuhan kong mailabas ang tinik dinukot ko ang aking lalamunan para maisuka, sumakit tuloy ang aking dibdib, ingat po sa pagkain pag matinik ang isda. Kumain na rin po kayo kaingay!

@Nengste

Pumunta dito ang aking pangalawang anak kasama ang kanyang asawa dala ang isang jar na Adobong Aligi at saka bombilya kaya niya pala sinama ang kanyang asawa para palitan ang ilaw namin sa kusina kasi gusto niya maliwanag ang ilaw dahil nadidiliman daw siya pag andito siya sa bahay. Ilang beses na inulit ulit na kaya daw bumili siya ng ilaw dahil nga nadidiliman, pag-uwi niya ng bahay nila nagchat yun pa rin ang sinabi heheh reply ko sa kanya " rewind yarn" 🤣 at natawa.

@Nengste

Ang aming ulam ngayong tanghalian ay ang itinabi kong ilang pirasong sapsap kahapon pinirito ko ngayon at nagprito din ng gulay at saka itong Adobong Aligi na may calamansi, tamang dami lang na mauubos namin ni bunso. Nagkasabay kaming kumain ngayon dahil hindi siya busy sa kanyang work from home.

@Nengste

Meryenda! Siesta failed dahil ang init, sabi ni bunso noon, iwas muna siya sa gastos pero ngayong araw ay hindi nakatiis biglang umorder ng Takoyaki, sa hindi nakakaalam kung ano itong Takoyaki, ito ay isang Korean street foods ang mga sangkap nito ay gulay, squids atbp nabuo dahil sa cornstarch at nilalagyan ito ng sauces katulad ng mayonnaise atbp.

@Nengste

Araw ng Huwebes na, sobrang bilis ang pag-ikot ng orasan at pagpalit ng araw. Marami akong free time ngayong araw dahil wala gaanong gawaing bahay, nagwalis at nagpunas lang ako ng mga gamit upang matanggal ang mahiwagang alikabok na pumapasok araw araw, nakasaing na din bibili na lang ng lutong ulam, busy mode muna si granny Nengste sa ibang social media at pagnoise.

@Nengste

Hello Kaingay! Friday na, malikot ngayon ang galaw ng crypto market lalo na ang SLP buti nakabili ako noong nag 0.52 cents at almost 3x na ang gains, antay kong mag value ng 5 pesos to sell para naman kahit papano makabawi sa nalugi. Kamusta kayo Kaingay? Almusal tayong tinapay at pansit.

@Nengste

Kamusta kayo? Nakapagprito na ng isdang galunggong at napaliguan ko na rin sina Grey at Zorro 🐕 at pinakain na rin, habang inaantay maluto ang sinaing, tambay muna si granny Nengste dito para mag-ingay.

@Nengste

Sa mga kasawian natin sa buhay, huwag mawalan ng pag-asa, bagkus tanggapin, bumangon at tumayo ito ay magpapatibay o magpapatatag sa atin upang makayanan pa ang mga hamon na haharapin sa hinaharap. Lahat ng pagsubok sa ating buhay ay lilipas din tulad ng unos, manalig lamang sa naglalang sa atin. Magandang gabi sa lahat na gising pa😊

@Nengste

Magandang umaga! Mukhang napakasaya ang araw na ito dahil ito ay espesyal na araw upang ipadama ang pagmamahal sa pagbibigay na regalo, bulaklak, kakain sa labas at kung ano pang bagay para maipadama ito. Pero mas mainam pa rin, na sana araw araw ay atin itong madama o ipadama sa ating minamahal.♥️🥰

@Nengste

Kape po tayo, may dinaang gift of love ang bff ni bunso kanina dito, madalang lang silang magkita kaya bago lumuwas ng maynila ang bff niya dinaan niya ito kay bunso gawa niya daw ito, ito ang tinatawag na french macarons, parang meringue pero may halong almond flour at buttercream filling.

@Nengste

Sa wakas nailabas na rin paunti-unti ang matagal ng nakatinggang add to cart sa shopee, malaki laki pang halaga ang kailangan para mailabas ko na po lahat, sana patuloy ang pag-usad pataas ni bitcoin cash at iba pang crypto para mailabas ko na lahat. Kumain na ba lahat? Kami hindi pa dahil busy pa si bunso wait ko para may kasabay ako.

@Nengste

Heto gising pa at nanonood sa SMNI Presidential debates, tapos na ang round 3 at nagpatalastas kaya sumilip muna dito sandali at babalik ulet para pakinggan ang closing remarks ng mga umattend na Presidential aspirant.

@Nengste

Ito noon ang nabaling dahon ng snake plant at itinanim ko sa isang pot, ngayon ko lang nakita na may umusbong na bagong tubo. Ang snake plant ay pwedeng gawing indoor plant kasi ito ay isang air purifier plant na kailangan natin para maglinis ng air toxin sa loob ng ating tahanan. Ani ulam natin mga kaingay? Bumili lang akong lutong ulam na sinampalukang manok.

@Nengste

Magandang araw Kaingay ngayon lang nakapagpost dahil busy si granny Nengste, may bisita akong tatlong bulilit , may lakad kasi ang mga magulang nila kaya ako ang yaya nila ngayong araw, pagdating nila dito hinahanap ang pool dahil gusto daw nilang maligo, biniro ko at sinabi sa kanila na wala na ang pool, heheh nalungkot kaya napilitan akong ilabas ito at binomba, pagod much si granny at ito nagluto pa.

@Nengste

Dahil may mga bisita ako ngayon kaya nag-isip akong mameryenda nila na gagawin naming maglola at ito ang aking naisip, ang pinakamatanda kong apo ang pinahawak ko ng hand mixer at ang pangalawa at bunso sa kanila ang naglagay ng paper baking cups at ako naman ang nagprepare ng mga ingredients at naghurno. Ito po luto na ang banana cupcakes, meryenda na tayo Ka-ingay.

@Nengste

Kamusta kayo? Matatapos na ang araw ng Biyernes ngayon lang ako nakapagpost, wala kasi akong maisip heheh, basta heto pinakita ko lang ang aking presence sa inyo at laging nakasuporta sa inyong mga post. Sana ay nakakain na lahat nang makagawa ng mahimbing na tulog dahil pag gutom hindi tayo patutulugin ng ating mga alaga sa tiyan. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

Lunch time: Kain na tayo Kaingay, Adobong manok itong aming ulam mas mura kasi manok kesa baboy, syempre hindi nawawala ang patatas pag nagluluto ako nito at medyo maanghang magana kasing kumain pag may anghang.

@Nengste

Maaga akong kumain dahil aalis sana si bunso may usapan silang magkaibigan na kakain sa labas kaso hindi natuloy dahil hindi ako nakaluto ng ulam at saka payday niya rin ngayong araw kaya umorder na lang siya ng makakain, at dahil nagutom din ako kaya kakainin ko na rin itong inorder niya para sa akin.

@Nengste

Dahil may pinuntahan kanina kaya late na ako nakapagluto, tig-isa kami ni bunso, binabad ko ito sa patis at kalamansi saka pagulungin sa binating itlog muna bago pagulungin din sa harinang may timplang pamintang durog at durog na dried oregano at saka lutuin in deep fry, siguro after 10 or 15 minutes makapaglunch na kami ni bunso.

@Nengste

Habang nagmemeryenda ng saging, nakunan ko itong pasaway kong alagang si Zorro, ilang beses ko na siyang sinasaway at pinagagalitan na huwag tumambay dito sa may pintuan, kaya ko nga nilagyan ng screen curtain para walang makapasok na langaw at lamok, hinayaan ko na po, napagod na ako sa kakasaway.

@Nengste

Magandang umaga! Babangon na si granny Nengste dahil naghinihintay na sa akin ang mga labahin, parang kailan lang nag Martes tapos Martes na naman ulet. Almusal muna tayo Kaingay bago sumabak sa trabaho o anu man na gawain para may sapat tayong lakas na tapusin ito.

@Nengste

Biglang nakaramdam ako ng antok dahil umuulan dito ngayon sa amin, isinilong ko muna ang aking mga sampay sa lugar na hindi ito maanggihan. Kumusta naman ang panahon diyan sa inyo? Ayos lang ang ulan dito katamtamang lakas lang.

@Nengste

Nakaawa ang sinapit ng aking mga kamag-anak sa Iloilo City isa sila sa nasamang nasunugan ng bahay, may pumutok daw na LPG sa kanilang kapitbahay yun nagliyab hindi agad naapula kaya nadamay ang ibang bahay at saka hindi makapasok ang firetruck dahil nasa looban ang sunog. Buti nagkataon na araw nangyari kung hindi baka may nawalan pa ng buhay, kagamitan natupok lahat ng apoy

@Nengste

Meryenda time: Sinubukan kong magbake ng isang klaseng recipe ng banana bread kasi hindi ko nagustuhan ang lasa ng una kong sinubukan kaya naghanap ako na ibang recipe, sana okay sa panlasa ko itong ginawa ko ngayon.

@Nengste

Ito po kinakain na ang nibaked kong banana bread, sabi ni bunso mas gusto at masarap daw ang lasa ang unang recipe na ginawa ko noon kesa dito, agree po ako sa kaniyang sinabi heheh.. hahanap ako nito ulet ng ibang recipe para subukan ulet gawin hanggang sa matagpuan ang masarap na recipe nito.

@Nengste

Maagang gumising si granny Nengste para icheck kung may sapat na battery charge ang selpon, kahapon kasi inabisohan ako ng aking panganay na anak na kung pwede na ako ang umattend sa virtual parent meeting ng aking apo dahil hindi niya magawa may kasabay siyang lakad sa oras na iyon kaya umoo naman ako, 8:45 to 10 am gaganapin ngayong araw. Gumamit pa ako ng alarm para maremind ako at hindi ko malimutan. Good morning!

@Nengste

Sinubukan kong matulog ngunit hindi nagawa kasi po itong aking kapitbahay ay nakikinig sa radyo ng mga kuwentong real ghost stories kaso bakit nga ba nilalakasan pa, sila lang naman gustong makinig heheh.. Meryenda na nga lang tayo Kaingay.

@Nengste

Pakiramdam ko magulo ang mundo sa mga nangyayari ngayon, bukod sa pangangampanya batuhan ng masasamang salita lalo na sa mga komento sa social media para pababain ang kredibilidad ng pagkatao ng isang kandidato at pabangohin naman sa mga botante ang pagkatao ng kanilang sinusuportahan na kandidato tapos ito pa pong giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine... sana hindi na ito tumagal kawawa ang mga tao doon at pati din tayo dito ay apektado lalo na ang crypto. Magandang gabi!

@Nengste

Katatanggap ko lang ng parcel, ang tagal nadelivered mga almost 2 weeks din dahil taga mainland China pa ang shop na aking inorderan. Ito ay mga sari saring food color, ito lang ang brand na affordable sa aking budget, maganda sana ang brand na Wilton kaso mahal, pagtiyagaan ko na ito para may magamit sakaling gumawa ng frosting/icing sa cake. Kumusta kayo? Magandang hapon sa lahat. Ang bilis kong pumindot hahah hindi ko pa pala na upload ang photo😅

@Nengste

Gising pa hanggang ngayon kasi hindi makatulog dahil inaantay ko pa ang aking bunso, sumama siyang mag night out sa mga kaworkmates niya, nag sent siya sa akin ng picture kanina na nagvideoke sila para mapanatag ako kaso hindi talaga ako dinadalaw ng antok pag ganitong wala pa si bunso sa bahay. Magandang gabi sa lahat!

@Nengste

May napansin akong post sa fb, tamang tama wala akong malulutong ulam kaya sinabi ko sa aking pangalawang anak na iorder niya ako nito at sila na rin pumik-ap para may maulam ako ngayong lunch, inaantay kong daanan nila sa akin ang pambayad sa order ko, maya maya biglang dumating bitbit itong mixed seafoods at saka pang chicharon bulaklak, inabot ko ang bayad sa kanya ngunit hindi niya tinanggap, iaawas na lang daw sa utang niya sa akin heheh.. buti naalala pa niya ang utang…

@Nengste

Magpiprito ako ng ilang putol na Chicharon bulaklak paparisan ko sana ng cucumber para pantanggal uyam kaso wala, gumawa na lang akong sawsawang suka na may bawang at sili, habang nagkasalang ang piniprito, dumungaw ako sa labas, at ito ang aking nakita heheh, nagpapahangin si Zorro sa labas.

@Nengste

Heto po nakapagluto na ng ulam, ito ay ang tinatawag na fried mixed seafoods ala Calamares, ito ang niluto ko sa natirang mixed seafoods, nabibili na nakaplastic packaging, nasubukan kong lutuin ito sa butter hindi ko po nagustuhan ang lasa, kaya ito sinubukan kong gawing Calamares at saka nagluto din ako ng onion ring dahil may natira pang batter para hindi masayang.