"Kaugalian Hindi kayamanan"
Pera.. Sino ba ang taong hindi sumasaya? Sino ba ang hindi interesado kapag ito'y naririnig na? Mayroon ba? Malamang wala - Halos yata dito na umiikot ang buhay ng tao Lalo na ngayong may pandemyang sinusubok tayo - Kung magbibigay ka ba o magdadamot gayung mayroon ka naman hindi ka lang makuntento - Madadala mo ba yan sa impyerno O sa langit man kung sakaling ika'y magbago Kasama ba sa hukay Ang perang sandamakmak mong tinago - Wag mong hayaang lamunin ka ng pagiging gahaman Tandaan mong nagsimula ka rin sa pagiging utusan Wala kang karapatang manghamak upang masabing matapang - Wala sa edukasyon- Posisyon Ang makaliligtas sayo - Hindi matatandaan ng mga tao ang pera't bahay na iyong naiwan Kundi ang iyong kaugalian- Ang iyong kamalian - Kaya't kung gusto mong sa langit ang iyong pupuntuhan Magbago ka na ngayon pa lang Dahil ang kabutihan sa kapwa ay walang katumbas na anumang yaman.
No comments yet