read.cash Log in
@Nemi

Ang Malungkot na Katotohanan

Sa mundong ating ginagalawan pisikal na ganda ay mas pinahahalagahan Kaysa sa busilak na puso at mabuting kalooban Ito ay isang malungkot na katotohanan Ang maganda kahit anong gawin ay mananatiling maganda sa inyong paningin Basta maganda ay agad kayong nagpapapansin Makuha lamang ang kanyang Pagtingin Magandang mukha ay agad n'yong hinahangaan Kahit hindi n'yo pa alam ang kanilang kalooban Sa pisikal na anyo kayo ay nabubulagan Hindi nyo makitang ang ganda ng puso ang mas kailangang Pahalagahan Sa kabilang banda atin namang pag-usapan Ang Mga may pisikal na anyo na hindi kagandahan Pangit kung Ito'y tawagin ng karamihan Sila ang mga kapos sa gandang pisikal ngunit sa Gandang panloob ay may panlaban Pangit na mukha ay agad n'yong hinuhusgahan Kahit hindi n'yo pa alam ang kanilang kalooban Kung Makapanlait kayo ay ganon ganon na lamang Hindi n'yo ba alam na kahit ganyan sila ay marunong silang gumalang Gumalang, bagay na sa kanila'y hindi n'yo mabigay Pagkat sa tingin nyo sa kanilang itsura paggalang ay hindi bagay Aba kung ganon rin lang ang inyong pananaw Sa usapang kapangitan kayo ang mas mangingibabaw wag kang magpalinlang sa pisikal na anyo Mas magandang tumingin ka sa ugali at tsaka sa puso Mainam na maging pangit basta mabuti kang tao Kaysa isang mukhang Anghel na asal demonyo Ang gandang pisikal kumukupas din yan Nawawala yan pag dumating ang iyong katandaan Ngunit ang kagandahan ng iyong kalooban Mananatili yan sayo magpakailanman Hindi ko sinasabing pag maganda ka ay pangit agad ang ugali mo Hindi ko rin sinasabing pag pangit ka ay mabuti kang tao Kung maganda ka at maganda ang iyong puso Napakaswerte mo sapagkat sa biyaya ng kagandahan ay ikaw na ang maraming nasalo.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.