Pagsisisi
Marami ang nalulungkot sa mga nangyayari Sa ating paligid kaba't takot ang naghahari Kung kailan magwawakas ay hindi mawari Itong pandemikong sa daigdig namamalagi. Bunga kaya ito ng pagsira sa kalikasan Mga bundok, dagat at maging kagubatan Ito nga kaya ang naghihintay na kaparusahan Sa mga taong mapanira ganid sa kayamanan. Bakit kailangan pati inosente ay madamay Sa kabalakyutan maraming nasirang buhay Lungkot at pighati sa puso'y nag-uumapaw Hirap ng damdami'y tanging Diyos ang gabay. Ngayon ay nangangarap ang bawat isa Simpleng pamumuhay katulad noong una Pangunahing kailangan ay laging sagana Subalit tila ba ipinagkakait ng tadhana.. Kung ito nga ang kapalit sa mga kamalian Magpakumbaba't hingin ang kapatawaran Upang magbalik ang sigla't kalusugan Sa Diyos ay magdasal tayo'y pakikinggan.
No comments yet