Gabing gabi na at kasalukuyang mahigit na alas 10 ngunit hanggang ngayon ay sobrang ingay parin ng nagiinuman na aming kapitbahay🥴. Hindi naman talaga as in malapit sa bahay namin dahil alam naman natin na ang mga bahay dito sa probinsya ay hindi magkakadikit lalo na sa mga bandang mga bundok. Pero kahit na may distansya mua sa bahay namin ay masakit parin sa tenga ang kantahan nila. Dapat sa ganitong oras ay matutulog na at kailangan sa tunog ng sound system nila ay pinapahinaan na pero malakas parin na tila sila lang amg nakatira sa lugar namin. Kakauwi ko lang galing work kaya gusto ko na sanang magpahinga ngunit hindi ako makatulog dahil sa ingay ng videoke nila. Pero kahit ganun pa man noisers ay mag gegreet nalang ako sa inyo ng good night dahil alam ko na kapag makaramdam na ako ng antok ay makaatulog na rin ao nito.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
kawawa ka naman mate.. dito walang mag-iingaw kc report agad sa baranggay. haha