Nakakamiss din pala! Sinubukan kong mag log in ulit sa aking noise.cash account upang tingnan kung may mga acrive parin ba hanggang ngayon doon. Napansin kong 6 days ago na ang mga latest post ng mga friends ko doon. Binisita na rin ang profile ko at nagulat akong 2 months ago na pala ang nakakalipas simula nung last post ko doon. Nakakalungkot man isipin at nakakamiss din dahil sa loob ng halos dalawang taon na dati napakaingay ng mga tao sa site na ito ay ngayon ay parang isa nang abandoned place. Isa na lamang itong parte ng ating mga nakaraan na sasabihin natin isang araw na dati ay naging masaya tayo sa paggamit ng site na ito, nakaipon ng pera at nakabili ng ganito ganyan dahil dito. 😢
3 comments
Masakit sa puso, pero kailangang tangapin sir.
Kaya nga ma'am eh. Marami din kasing alaala doon.
Happy tuesday morning😊😊