Isa ako sa mga taong nahihirapan dahil sa COVID-19 na ito. Isang pandemic na hindi ko alam kung matatapos paba o hindi na. Napakahirap isipin na akala mo last year tapos na at babalik na sa dati ang lahat, pero hindi pala at mali ang akala ng lahat. Sobrang hirap na iniisip ko kung saan ako kukuha ng pera sa mga panahon na ito. Unang una, sa isang linggo may dlawang araw lang ang pasok ko sa aking trabaho, alam naman nating lahat ba kahit sa pagakain lang sa pang araw araw ay kukulangin na yan bukod pa jan ang rent ng bahay, tubig at ilaw. Kung sa may mga negosyo at mga mayayaman ay okay lang kasi boryo lang naman problema nila eh, sa aming mga mahihirap ay sobrang hirap talaga. Sana matapos na talaga to, in the name of Jesus Christ.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet