read.cash Log in
@Nathan6692 more from that month

Alam niyo ba yung pakiramdam na parang nasa loob ka ng isang masikip na kwarto at wala kang hindi ka maka-urong o maka galaw ng maayos dahil sa sikip? Sa kinakaharap naming sitwasyon ngayon ay parang ganyan, dahil parang nangangapa talaga ako sa buhay unemployed dahil after I think 11 years na pag tatrabaho ay ngayon lang talaga ako tumambay not literally na tambay. Mahirap yung dati na naka asa lang sa sahod na buwan buwan ay may darating na pera galing sa pinagtrabahuan mo. Ngayon kasi sa sitwasyon ko ay kahit may maliit akong negosyo ay parang kinakapos parin kami, hindi naman talaga as in sahid na sahid pero iba talaga yung nasanay tayo sa naka fix na pera nanakukuha natin araw-araw. Ngayon, minsan kumikita kami ng saktong pang ulam lang sa buong araw at wala man lang naitatabi. Gaya nga ng sabi ng mother ko, iba-iba daw talaga ang araw, may araw daw na malakas may araw din na matumal. Tuwing linggo ay medyo malakas ang negosyo hindi ko lang alam kung bakit 😁. Pero hoping parin ako na sana lumakas itong negosyo ko at kumita ako ng tama para hindi na ako bumalik sa pagiging empleyado dahil mas masarap parin pala talaga na SA BUONG ARAW AY KASAMA MO ANG PAMILYA MO! Magandang gabi noisers at good night na rin sa inyong lahat! @Ethan6692 👨‍💼

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.