Dahil halos araw-araw akong nagdadala ng mga tiratirang mga pagkain galing sa trabaho para sa aso ko ay tila nagsasawa na rin ang alaga ko sa pagkain nito. Datirati lang ay kapag dumarating ako ay sinasalubong niya kaagad ako kahit gabi dahil alam niyang may pagkain akong dala para sa kanya pero ngayon napapansin ko ay hindi niya na ginagawa iyon at kapag nilalagay ko na ang pagkain niya sa kanyang kainan ay parang tinatamadna siyang kainin ito. Masarap pa naman ang pinipili ko dahil hindi lang basta buto buto ang dinadala ko kundi yung may mga laman pa na hindi kinakain ng mga customer at iyon ang pinapakain konsa kanya. Hindi naman ito hybrid na aso kaya hindi siya namimili ng pagkain, nakakapagtaka lang kasi, pati pala aso ay marunong din maumay sa kanilang kinakain? 😂 Napaka swerte pa nga ng aso ko na ito dahil palagi ko itong pinapakain at umaga, tanghali at gabi kung ikukumpara sa ibang aso dito na nakakaawa dahil hindi pinapakain ng may ari.
5 comments
swerte nya nga Nat sau :) Gandang gabi :)
Baka ayaw nya sa tira tira. Gusto nya buo 😂
Naku, mahal yun ma'am. Hahaha may kalahating inihaw na bangus pa nga po yan eh ay mga laman ng pritong manok. Haha
Bili ka po ng vitamins ihalo mo po sa fud nya.
A dog eating fish looks really cute, maybe the dog was very hungry.