Happy Monday! Mukhang maganda ang sikat ng araw ngayon malamang ay mainit nanaman to mamaya. Kaya ihahanda ko na ang munti naming palamig na negosyo at ito ay SHAKE! 😋 Baka bukas o sa makalawa ay mag sisimula din kami ng BBQ o ihaw-ihaw sa tapat lang ng aming bahay. Mas mabuti na rin ang ganito dahil bukod sa safe kami sa virus dahil wala kami sa mataong lugar ay magkakasama pa kami ng aking anak, asawa at aking pamilya. Kumita lang ng 100 to 200 sa isang araw ay okay na. Dito naman kasi sa probinsya ay matipid naman dahil ang 100 pesos mo ay kaya nang pagkasyahin sa buong maghapon.! Ingat kayo palagi noisers! 🥰😍
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet