read.cash Log in
@Nathan6692 more from that month

Nahihiya kaba sa dati mong mga kaklase noong high school at college kapag nagkikita kayo ngayon pagkalipas ng maraming taon? Isa rin ako sa mga taong medyo nahihiya kapag nagkikitakita kami ng mga kaibigan at kaklase ko noon. High school graduate lang kasi ako at karamihan sa mga kaklase ko noon ay nakapagtapos sila at ngayon ay may magaganda na silang trabaho. Medyo naiilang lang ako sa kanila dahil ang dati kong mga kaibigan ay ngayo'y mga professional na samantalang ako ay kasalukuyang unemployed. Minsan iniisip ko na lang na siguro para sa kanila talaga kung ano man an narating nila ngayon. Pero naiisip ko rin sa sarili ko na hinding hindi talaga ako magiging masaya kung ipagpapatuloy ko itong ginagawa ko na ikinahihiya sa iba ang buhay ko. Kung hindi man ako ngayon professional at wala mang trabaho, siguro ko ay hindi pa ang tamang oras para sa akin at alam ko na may plano ang Dios para sa akin. Kailangan kong tanggapin kung ano man ang naabot ko sa ngayon, dahil darating ang araw na hindi mgiging basehan ang pinag aralan at degree kung masipag, matyaga at madiskarte ka lang. @Ethan6692👨‍💼

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.