PUBG Mobile Isang laro na kinahiligan ko at ito talaga ang gusto kong kung laruin kung ikukumpara sa nauuso ngayon. Sinubukan ko na ring hindi na laruin ito pero nababalikan ko parin sa pag lipas ng ilang buwan. Ito ang nilalaro ko sa tuwing may bakante akong oras kasama minsan ang mga kapatid ko at kaibigan. Ang ayaw ko lang dito ay minsan umiinit ang ulo ko kaya minsan pinipigilan ko ang pag lalaro dito. Mabuti nga ngayon dahil may control na ako, hindi kagaya dati na hindi ako mapakali pag hindi ako nakakapag laro sa isang araw. Mahirap din naman kasi kapag naaadik tayo sa pag lalaro ng mga online games dahil hindi lang sarili natin ang mapapabayaan kundi pati na rin ang mga mahal natin sa buhay! Mag iingat tayong lahat mga ka noisers, mahalaga ang bawat segundo ng ating oras kaya dapat nating pahalagahan. 😘
No comments yet