Looking for my eyebags na naipon nung mga nakaraang araw dahil sa exam. 2-3 hours lang ang natutulog ko kaya makakaipon talaga ng eyebags. Pero sabi ko sa sarili ko okay lang naman dahil para din naman ito sa future ko, kung hindi ko sisipagan ay baka bumagsak ako. Ngayon naman ay nagsisimula na uli ako mag-aral para naman kapag nag f2f ay may kunting alam, sobrang laki din ng tulong na may sarili kang laptop or computers sa pag-aaral lalo na at BS IT ung course ko. Nakaka inspire lang din kasi diko naman hiningi ito kay God noon ang gusto ko lang ay makapagtapos pero sobra sobra ung binigay niya. Kaya maging thankful padin tayo kahit stressful ang buhay. Padayon!
No comments yet