Mananatili kahit masakit na
Naalala ko pa noong una tayong nagkakilala Unang ngiti na pinagsaluhan natin Unang kwento sa bawat isa At yung araw na naging magkaibigan tayo. Sobrang sarap balikan mga nakaraan na kaysaya Sobrang sarap alalahanin ng bawat alaalang hindi matutumbasan Masaya tayo noon, walang problema Walang alam kundi tumawa Para tayong hindi mapaghihiwalay Walang araw na hindi magkasama Kahit sa pag uwi galing skul tayo pa rin ang magkausap Tila hindi nauubusan ng kwento Mga pangarap na sabay nating pinaplano. Wala na akong mahihiling sa mga oras na yun At biglang dumating ang araw na kinakatakutan ko Unti unting nagkaroon ng pagbabago Nagbago ang lahat... Yung dating halakhakan napalitan ng iyakan Mahirap Sobrang hirap. Hindi agad ako nakasabay Sa isang iglap lahat ng saya ay nawala Hindi ko alam na ganyan ka pala katapang at kalakas Na sa sobrang tapang at lakas, Nakalimutan mong unti-unti mo na kong nasasaktan at nadudurog Unti-unti mo na akong napapatay Nagsawa ka nga ba kaya humantong sa ganito? O isang araw bigla ka na lang nagising Na para sayo isa na lang akong plumang walang inta Walang nang halaga Hanggang ngayon umaasa pa rin ako Na darating ang isang araw Na babalik ka at maalala mong muli Kung paano tayo nagkakilala At kahit nagbago ka Pangako, mananatili pa rin ako Hindi-hindi bibitaw Kahit durog na durog na
2 comments
Awe 💔 Ang sakit naman nito. Pero totoo, sa paglipas ng panahon, madami pwede magbago. Madami pwede mawala. Pero kakayanin at malalampasan lalo kung dalawa kayo na lumalaban
Kaso paano kung ikaw na lang ang patuloy na lumalaban at tuluyan na syang bumitaw. :(