Join 81,810 users already on read.cash

Sampung Aral Na Natutunan Ko Sa'yo, Mahal Ko

4 37 exc
Avatar for MrsPepper27
Written by   89
5 months ago (Last updated: 4 months ago)

Sa ilang taong nakasama kita maraming bagay ang aking nalaman. Mga aral na aking natutunan mula nang mahalin kita, Sinta.

Una, puro kilig sa umpisa. Pag gising ko sa umaga, selpon agad aking hawak upang mabasa ang mensahe na bubuo sa aking araw. Madalas mahuling nakatulala at nakangiti nang wagas dahil iyon sa iyo, Mahal. At magandang panaginip saki'y naghihintay pagkat maghapon kitang nakausap at nakasama.

Pangalawa, sa bawat araw na nagdaan, ikaw lagi ang kasama. Nasanay ako sa tayong dalawa. Nakalimutan kong mayroon nga palang 'ako' at 'ikaw'.

Pangatlo, dumating ang araw na hindi ko inaasahan. Ni sa panaginip di ko nakita na hihilingin mo sakin ang iyong kalayaan. Sabi mo, walang iba sadyang nakakasakal lang ang aking pagmamahal. Bigla akong napaisip, siguro nga tama ka. Baka nga nasobrahan. Kaya naman nagbago ako para manatili ka sa tabi ko.

Pang-apat, para tayong bumalik sa simula. Yung kilig nung unang pagkikita. Kuryente nung una nating hawak-kamay. Tamis nung unang halik. Sa ikalawang pagkakataon, totoo pa lang mas kapana-panabik.

Pang-lima, pero hind pala doon natatapos ang lahat. Ang akala kong walang hanggan ay tanaw ko na ang wakas. Ang pag-iibigan natin sinubok muli ng tadhana. Pero sa pagkakataong ito, may iba nang nakikisawsaw.

Pang-anim, maging ang pinakamaliwanag na bumbilya ay napupundi din. Ang kandila ay namamatay pag hinayaan mong mahanginan. Kung hindi mo babantayan, paniguradong mananakawan ka.

Pang-pito, kaya ginawa ko ang lahat para manatili ka. Ipinaglaban kita. Ipinaglaban ko ang relasyon nating dalawa. Ang pagmamahal ko sayo ang naging sandata ko. Kahit na ramdam ko na mag-isa na lang ako sa laban na ito.

Pang-walo, hanggang sa napagod ako. Napagod ako dahil nakita ko na hindi na tayo ang magkasama. Dahil nakita ko na hindi ka na masaya. Dahil nakita ko iba na ang landas na tinatahak mo. Hindi na ito pauwi sa puso ko.

Pang-siyam, kaya naman bumitaw na ako. Hindi dahil sa hindi na kita mahal. Kundi dahil ito ang pinakamabuting gawin para sa isa't isa. Ang bitawan ang mga kamay mo ang pinakamabigat na desisyong ginawa ko. Paalam na sayo, Mahal ko.

Sampu, mamahalin pa rin kita. Mamahalin pa rin kita kahit na hindi na ako ang iyong kasama. Mamahalin pa rin kita kahit ang sakit-sakit na. Mamahalin pa rin kita hanggang sa maubos ang lahat ng pagmamahal ko sa iyo. Dahil ang susunod na mamahalin ko ay ang sarili ko.

Hahayaan ko ang puso ko na magalit sayo, sa sarili ko, sa sitwasyon, sa buong mundo. Dahil alam kong iyon lang ang paraan para matanggap ko na wala nang tayo. Mula dito, muli akong mag-uumpisa. Unti-unting bubuuin ko ang pira-pirasong puso na winasak mo. Pero magkagayunman, maraming salamat pa rin sayo, Mahal ko. Salamat sa mga alaalang pinabaon mo, mga bagay na itinuro mo. Salamat sa pagmamahal na minsa'y naging akin. Na akala ko ay langit.

Sabi nila kakabit ng pagmamahal ang masaktan. Dahil walang tunay na umiibig ang hindi umiiyak. Kaya pag nagmahal ka humanda kang umiyak, maging masaya, mabaliw at magmukhang tanga. Lahat yan pagdadaanan ng pusong wagas kung magmahal.

Before anything else, check these awesome people's works too. They all rock!

Sponsors of MrsPepper27

Akala natin sila na ang nakatakda para sa atin. Pero sila pala yung wawasak sa atin. Mga taong dadaan lang para turuan tayo ng leksyon sa buhay. Turuan tayong maging mas matapang, mas madiskarte para sa susunod na magmamahal tayo, mas madali na para satin. Mas magaan, mas masaya dahil nasa tamang tao na tayo sa wakas.

-WAKAS-

Orihinal na likha ng malikot na pag-iisip ng inyong likod.

If you wanna know some of my daily activities, short posts or want to have some good vibes, you can visit my Noise account MrsPepper.

6
$ 0.80
$ 0.71 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @bbyblacksheep
$ 0.02 from @Claire.24
+ 1
Sponsors of MrsPepper27
Avatar for MrsPepper27
Written by   89
5 months ago (Last updated: 4 months ago)
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Ganun ata talaga ang pagmamahal. Pero saludo ako sa mga nagmamahalan na napapanatili pa din ang kilig. Yun bang hindi lang sa simula ang pagpapakilig. Kaya sana ganun din kami ng magiging future ko. 😅

$ 0.00
3 months ago

Sabi nga nila, sa umpisa lang talaga masaya, heheeh.. Masyado naman to mapanakit mamsh, akala ko sa umpisa about ito sa inyo ni MrPepper. Pwro ganun talaga, di kasi tadhana.

$ 0.00
5 months ago

Akala din ni hubby tungkol samin tapos nung matapos kong basahin sa kanya napatanong sakin, kaninong love story daw to? Hahaha shelemet sa support mamsh!

$ 0.00
5 months ago

Hahaha, buti di tinanong sinong ex na to? Hahahaha...

You're welcome mamsh..

$ 0.00
5 months ago